Chapter 34: Her Voice

507 17 0
                                    

Third Person's POV

Natigil sa pag-uusap ang magkakasama sa table nang gumawa ng matinis na ingay ang mikropono. Napalingon silang lahat doon at tinanaw ang taong nakatayo sa gitna ng entablado. Bela's jaw dropped as she stared at Vinisha holding the mic after years of not holding one.

Si Foxxer na katabi ni Yael at Benjo ay napatingin sa mga ito nang marinig ang mahinang pagpapakawala ng namamanghang tunog. Nagulat siya nang mag-unahan sa pagtakbo ang mga kasama niya sa mesa palabas. Sinundan niya ng tingin ang mga ito na tumungo sa harapan ng stage. Ang mga pinsan niya ay nakalimutan nang nandoon pa siya at iniwang mag-isa. Susunod na sana siya nang makita niya si Kiddy kaya nilapitan niya ito. Naiwan sina Driya at Virgo sa mesa na bagot na nakatingin sa stage.

"Vinisha!" hiyaw ni Bela habang nakatingin sa kaibigan na mukhang masama ang mood.

Nakapagtataka ang biglaan nitong desisyon na kumanta sa harap ng lahat, sa gitna ng kompetisyon ng mga banda. Dumating si Red na tumabi kay Benjo na hindi na makapaghintay.

"Gago, Red. How did this happen?" hindi maalis ni Benjo ang tingin kay Vinisha na naghihintay sa pagpwesto ng banda sa likod.

"Isang himala talaga ito," ani Archie na namamangha rin sa nangyayari.

"Hindi ako siguradong isang magandang himala ito. She looks a bit... mad," komento ni Yael.

"Palagi namang mukhang galit ang babaeng 'yan, Yael," nilingon ni Benjo ang kapatid.

"Tanungin mo ang bestfriend niyan. Ano sa tingin mo, Bela?"

Nakangiwing lumingon sa kanila si Bela. Slowly, she shook her head. "May malalagot pagkatapos nito panigurado," sinulyapan niya si Red.

Lumingon ang tatlong lalaki kay Red. Naguguluhang tinuro ng huli ang sarili. Nagtatanong nitong tinignan si Bela. "Bakit ako?"

Nalipat ang tingin nilang lahat nang umalingawngaw ang boses ni Vinisha sa buong field. Napatulala ang lahat sa babaeng kumakanta nang may malamig na boses.

🎶 You don't know babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you are 🎶

Pumikit ito habang kumakanta. Tahimik ang lahat ng nakikinig. Hindi maalis ang tingin sa pinunong kahit kailan ay hindi nila narinig na kumanta. Maging ang malamig nitong boses na tila humahaplos sa kanilang mga puso.

🎶 You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh 🎶

Lumipat ang tingin ni Benjo sa katabi. Tumaas ang isang sulok ng labi niya nang makita itong tutok na tutok kay Vinisha. Kumikislap ang mga mata ni Red at bakas ang pagkamangha. Ang mga labi nito'y bahagyang naka-awang.

🎶 I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star 🎶

Lumapit si Benjo para bumulong sa tenga nito. "Sino ang mag-aakalang may tinatago palang talento ang crush mo?"

Nalipat ang tingin ni Red sa katabi nang marinig ang sinabi nito. Bahagya niya itong siniko at binalaang huwag lakasan ang boses. Muling bumalik ang tingin niya kay Vinisha. Hindi siya makapaniwalang ginawa nito ang pakiusap niya.

Sa totoo ay hindi iyon ang dahilan kung bakit niya dinala sa harap ng stage si Vinisha. Napapansin niya ang pasimpleng galawan ni Yael. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagtingin nito kay Vinisha. Kaya ay gumawa siya ng paraan para mailayo niya ito roon. He doesn't want to see her with anyone.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon