Chapter 11: Spy

986 36 0
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

Vinisha's POV

"Nandito na ang ispiya, Lead," dumating si Aeri Acosta kasama ang mga officer ng Hydor na hawak-hawak ang baguhang estudyante.

Nandito kami sa basement ng Hydorian building. May nahuling bagong pasok sa eskwelahan na ispiya galing sa Balore. Si Cooler Ramirez ng 2-A, ang una sa limang officers, ang nakahuli. Nakita nitong may kinakausap ang estudyante habang mag-isa at tila robot na nagmalfunction dahil nanginginig ito.

Tiningnan ko ang mukha ng lalaki. Bakas ang galit sa kaniyang mga mata at lumalabas ang kaunting ilaw mula roon. Nagtaka ako sa nakita at lumapit. Nagpumiglas ito sa hawak ng mga officer. Sinenyasan ko sila at mabilis silang sumunod. Agad nilang pinosasan ang lalaki gamit ang kanilang tubig na mahika.

"Napansin mo ba itong nasa mata niya, Ramirez?" tanong ko kay Cooler na nakahawak sa kanang braso ng ispiya.

Agad siyang nagbaba ng tingin, "Hindi ko alam ang iyong sinasabi, Lead."

Mahina akong tumango at tumitig sa mata ng ispiya. Tila hindi na tao itong kaharap ko ngayon. Bakas ang mala robot nitong kilos ngunit ang ekspresyon nito ay katulad ng sa mga tao. Itong nasa mata niya lang ang nakakapagpatunay na hindi siya purong tao.

Lumalakas na talaga ang Balore sa kanilang mga eksperimento at kapag nagtagal pa ay siguradong mahihirapan ang Sierra sa pagdepensa mula sa kanila.

"Tignan niyo ito," walang pasubali kong dinaklot ang mata ng ispiya dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.

Agad na nagsi-iwasan ng tingin ang mga kasama ko rito sa basement.

"Nakakaramdam ka rin pala ng sakit."

Sinuri ko ang matang hawak. Pinunasan ko ang dugo at tinitigang mabuti. Nasa loob ang ilaw kaya inilabas ko ang patalim na nakatago sa ilalim ng palda at hiniwa ito. Narinig ko ang pandidiri ng mga nakakita.

Tumingin ako sa ispiya. He's crying in pain and anger. His screams echoed around the basement and it's hurting my ears. Bumaling ako kay Red at isinenyas sa kaniyang takpan ang bibig nito. Agad siyang naglabas ng tela at itinali sa bibig ng lalaki.

"Tignan niyo," itinaas ko ang nakuhang chip. "Ito ang bagong imbensyon ng Balore."

"Ano ang meron sa chip na iyan, Perez?" tanong ni Red.

Pinisa ko ang chip at inapakan bago ko sila sinagot. "They are recording with that chip. Umiilaw 'yan tuwing hindi nagsasalita ang ispiyang taong robot na ito. Naririnig at nakikita nila tayo gamit iyan kaya kailangang hindi nila malaman na alam na natin kung ano ang meron sa chip."

"It's such a relief that he's caught earlier," ani ng babaeng officer, Erza Bautista.

"It is. So, never remove that in your mind. Dalhin niyo sa akin ang kahit sinong kahina-hinala kahit hindi kayo sigurado." Inalis ko ang dugong dumikit sa kamay at umatras. "Ngayon, kunin ang atsa at ihanda ang apoy."

Sumigaw ang lalaki at tila may gusto itong sabihin. Pinaalis ko kay Red ang tela sa bibig nito. "Huwag niyo akong patayin!"

Natigil ang mga kasama ko sa pagkilos.

"Huwag kayong tumigil. Patayin niyo na ang lalaking iyan," utos ko.

"Nakakapasok sila rito tuwing may pinapatay kayo sa amin."

Tumingin ako sa lalaki. Ano ang ibig nitong sabihin? Sino'ng sila ang nakakapasok?

"Marami na sila rito. Kahit ano ang gawin niyong paghuli sa amin, dadami at dadami kami. Wala na kayong magagawa."

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon