Chapter 38: Bela and Kid

425 15 1
                                    

Bela's POV

I'm hanging out with myself in the meeting room of the Aetherian Council. Nakatitig lang ako sa kabilang dulo ng lamesa habang pinaglalaruan ang pen sa kanang kamay. Katatapos lang naming mag-meeting at nandoon na sila sa auditorium para sa gagawing assembly tungkol sa nalalapit na Monthly Evaluation at the end of the month.

Kagabi pa ako hindi makapag concentrate. It kept coming back to my head and I can't get rid of it. Kahit saan ako bumaling ay pumapasok iyon sa isipan ko. Naiinis na ako sa sarili. Pinukpok ko ang kamao sa mesa at tumingin sa bintana.

Sa gabi ng ball party, nasa dorm ako nang magdalawang isip kung pupunta o hindi dahil wala akong kapares. I was expecting to have Archie as my date or at least Chris ngunit ngayon ko lang nalaman na pareho na silang may kapareha. I want to slap the hell out of Archie. Ngayon lang nagsabi kung kailan isang oras na lang at magsisimula na ang party.

Napasinghap ako nang marinig ang boses mula sa field. Magsisimula na ang party! Dali-dali kong pinulot ang purse at lumabas sa kwarto. I ran to the elevator and ran again when I got out. Baka hindi pa ako nakakarating sa field ay haggard na ako.

Tunog ng takong ko lang ang naririnig nang tinahak ang sementadong daan patungo sa field. Nakita ko ang entrance kung saan nandoon na ang mga magkapareha para sa grand entrance ng lahat.

"Shit," I mumbled.

Pumunta kaagad ako roon. Hindi pwedeng wala akong kapareha sa ball dahil may deduction ito sa points ng guild namin. Mas lalong malaki ang bawas kapag isa sa mga leader o officers ang wala. Luminga-linga ako sa paligid. Who am I gonna steal from this men? Pare-pareho silang may mga kaparehang babae!

"Mister Archie Toralba and Miss Virgo Mendoza!" nakita ko si Archie kasama si Virgo na pumasok.

Inis kong inambahan ng suntok ang likod ni Archie. That bastard!

"Having some problems here?" may nagsalita sa likuran ko. I turned to look at him.

"Fontales," bagot kong tawag sa kaniya.

A lopsided smile was plastered on his face. Ipinasok niya sa bulsa ang kamay at nagkibit-balikat.

"You're alone, Miss Dela Cruz?" his brows raised arrogantly.

I scowled. "Unless you're seeing things I don't see, idiot. Tumigil ka na nga sa kakasulpot sa harapan ko!"

"Unless you make me, brat," ginaya niya ang paraan ng pagkakasabi ko kanina.

Nagsimulang kumulo ang dugo. Nagtimpi ako at iniwas na lang ang tingin sa kaniya. I better have a partner now or I'll drag my whole guild down. Siguradong gagamitin na naman iyon ni Maralina laban sa akin kapag nangyari.

"Date tayo."

Inis akong bumaling kay Kid. "Shut the fuck up, I'm serious here!"

"Ako rin naman," inilahad niya ang kamay. "I don't have a date and I don't want to disappoint my leaders if we get deductions."

"I've had enough of your face and I don't give a shit to your problem. Leave me alone," I marched away from him but he was fast enough to grab my wrist.

Nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa pintuan ng entrance. He took my hand and put it on his arm. Binigyan niya ako ng isang ngisi na kagyat ding nawala nang tumingin sa harap.

"Miss Bela Dela Cruz and Mister Kiddy Fontales!" anunsyo ng emcee.

I was frozen in my place. Nang mapansin niya akong hindi gumagalaw ay hinawakan niya ang bewang ko para marahang itulak palakad.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon