Vinisha's POV
Pagkatapos naming mag-usap ni Bela sa gazebo ay bumalik ako sa headquarters. I just want to spend my day there. The school is draining me.
"Why are you here?" salubong sa akin ni X.
Hindi ako sumagot at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa sala. Umupo ako sa pabilog na upuan at isinandal ang ulo sa sandalan. Nagpakawala ako ng mahabang hininga.
"When's the last time Snake came here?" tanong ko kay Neo na nasa kanan ko. I kept my eyes on the ceiling.
"Last night."
I looked at him. Intriqued by his cold answer. "Ano'ng ginawa niya rito?"
"Wala. Nagkulong lang siya sa silid niya."
Napatingin ako kay X na naglalakad sa harapan namin. He sat on the sofa in front of us. I watched how his legs parted from each other. He placed his arms on the backrest and watched us. Inilipat ko ang tingin kay Neo at hindi binigyang pansin ang mga titig niyang nararamdaman ko.
"Snake seems mad at me," ani Neo.
"Bakit mo nasabi?" tanong ko.
"That was the first time na hindi niya ako pinansin. Kahit tingin man lang ay hindi niya ginawa. We barely see each other this past few weeks and I don't remember anything that can be the reason why she's ignoring me."
I sighed and looked at the ceiling again. Wala akong alam sa problema ni Bela kay Neo. Pero pakiramdam ko ay dahil ito sa misyon niya. I don't know.
Alas dose na ng gabi at umalis na ang mga kasama ko maliban kay X. Nasa sala pa rin ako at kasalukuyang pinaglalaruan ang yelo sa isang kamay. Tumingin ako sa itaas kung nasaan ang silid ni X. Kakapasok niya lang doon at mukhang dito na siya mananatili sa gabing ito.
I decided to leave. I crushed the ice and stood up. Itinakip ko ang cloak sa ulo bago naglakad palabas. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto sa likod ngunit hindi na ako lumingon at nagpatuloy na umalis doon.
Naglalakad lang ako sa madilim na gubat nang biglang may malakas na pwersang tumulak sa akin. Bumagsak ako sa lupa. Taka akong napatingin sa paligid ngunit wala akong makitang gumawa nito.
Itinukod ko ang mga kamay sa lupa at itinulak ang sarili patayo ngunit bigla na lang akong tumilapon. Tumama ang likod ko sa puno at bumagsak ang aking katawan. Napa-igik ako sa sakit. Napa-upo ako at sumandal sa katawan ng puno. I think I just broke my back.
"Sino ka?" I grunted. Siguradong may malakas na taong pinaglalaruan ako.
But no one responded.
Suddenly, I felt a piercing pain on my left shoulder. I screamed from the pain. My body trembled as I slowly looked at it.
"Fuck!" May palasong nakatarak sa aking balikat. Nararamdaman ko ang pagsagi nito sa buto ko.
Nagtaas-baba ang aking dibdib nang indahin ang sakit. Sino ba ang gumagawa nito sa akin? Nakakapanibago na wala akong maramdaman na kahit ano sa paligid. It's like I lost all my senses.
Isa bang Aetherian ang taong ito?
Pero wala akong naramdamang hangin na tumama sa akin nang tumilapon ako. It just felt like my body flew on its own.
Sa gitna ng pagtitiis ko sa sakit ay biglang nanigas ang buo kong katawan. My eyes dilated when I felt the liquid coming from the arrow that slowly spread all over my body. Tila ito asidong lumalatay sa mga ugat ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na bumalot sa aking katawan.
I cried from the excruciating pain. Umiikot ang paningin ko sa sobrang sakit. Patuloy ako sa pagsigaw, hindi ko malaman ang gagawin sa mga oras na ito. Parang mamamatay na ako sa ilang sandali.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...