Chapter 42: Sudden Destruction

353 14 0
                                    

Third Person's POV

Naiinip na si Foxxer Imperial nang ilang minuto nang hindi pa bumabalik si Kiddy mula sa pakikipag-usap sa isang Hydorian na pumunta sa kanilang classroom nang vacant time nila.

Naisipan niyang pumunta sa library na katabi ng opisina ng mga pinuno nila. Habang nasa hallway siya ay walang tao kaya tahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig niya lang ay ang tunog ng kaniyang takong sa sapatos.

Isang malakas na kalabog ang bumasag sa katahimikang dinadamdam niya. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng tunog at napunang nasa Leaders' Office ito. Nakaramdam siya ng kaba nang maisip na baka may nangyayari sa loob.

Baka may nahulog lang na upuan.

Anong klaseng pang-aalo sa sarili iyon? Bakit mahuhulog ang isang upuan? Nawawala na ata siya sa katinuan dahil lang sa kaba na hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

Nang saktong lumagpas na siya sa pinto ng opisina ay bumukas ito. Gulat siyang napatalon at humarap sa pinto. Ang galit na mukha ni Copper Sandoval ang bumungad sa kaniya. Bago pa siya makapag-react sa biglang pag-iiba ng nakasanayan niyang mabait na mukha nito ay mabilis itong lumapit sa kaniya at hinila siya palayo nang ilang metro sa pinto ng opisina.

"Lead," naguguluhan niyang tanong.

"Go to the lobby and don't let anyone that's not an Erebusian in. Bilisan mo at harangin mo ang sino mang magtatangkang pumasok!" halos sumigaw ito sa kaniya.

Nagtaka siya. "Po?"

"I said bumaba ka at huwag magpapasok! Faster!" tuluyan na nga itong nawalan ng pasensya at sinigawan siya.

Nataranta si Foxxer at dali-daling tumango. "O-Opo, pupunta na po ako, Lead."

She ran away from the furious leader. Naku-kuryuso siya sa inakto ni Copper Sandoval. Hindi siya makapaniwalang nagtaas ito ng boses. Sa ilang sandaling nakita at narinig niya ito ay parang isang prinsesa kung umakto. Kahit ang boses ay tila galing sa hangin sa sobrang payapa.

"Bwesit talaga! Kasalanan 'to ng bruhong lalaking iyon!" inis niyang bulong habang tumatakbo.

Kung hindi pa nakipagchikahan si Kiddy sa Hydorian na iyon, hindi sana siya tumatakbo ngayon. At ano ba ang tingin ng pinuno nilang iyon sa kaniya? Utusan?

Ang ganda ko namang utusan.

•••

Nabu-bwesit na nakatingin si Foxxer kay Bela Dela Cruz na ayaw makinig sa sinabi niya. No wonder kaibigan ito ng Pinunong Hydorian, pareho silang ano. Pareho silang...

Hindi niya alam, basta pareho sila.

Nang akma itong maglalakad papunta sa elevator ay hahabulin niya sana ito nang tila may malakas na pwersang pumigil sa kaniya. Hindi siya makagalaw. Kahit ang pag-angat ng kaniyang daliri ay hindi niya magawa.

Tuloy-tuloy na pumunta sa elevator si Bela at hinintay na bumukas ang pinto. Gusto niyang sumigaw ngunit nahihiya na siya sa tingin ng mga tao. Narinig ng iba ang sinabi niya sa pinuno ng mga Aetherian. Baka isipin ng mga ito na wala siyang respeto sa pinuno.

Bumukas ang elevator at lumabas ang babaeng madilim ang aura. Nakita niyang natigilan si Bela nang makita ito. Who is that girl? Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi niya alam kung saan niya ito nakita. Sigurado siyang hindi Erebusian ang babaeng iyon.

Nakaangat ang isang sulok ng labi nito na tila may kababalaghang ginawa. Narinig niyang sumigaw si Bela. Hinabol nito ang babaeng lumabas sa lobby at kasabay nun ang pagkawala ng pwersang pumipigil sa kaniya.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon