Chapter 50: Vault of Grief

327 15 0
                                    

Third Person's POV

Hindi namamalayan ni Foxxer Imperial habang nasa loob siya ng kulungan ang pagpasok ng lalaki sa silid. Patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Masikip ang kaniyang dibdib sa natanggap na mga salita mula kay Kiddy.

"Sino ka ba talaga?"

Her head immediately lifted to find the person who spoke. Cooler's eyes gleamed dismay and his lips tightly pressed with each other. Naramdaman niya ang nabubuong galit sa bagsak ng mga salitang sinabi nito ngunit pinili niyang ngumiti rito.

"Cooler..." her lip trembled as she gasped for air. "You know me, ako pa rin 'to... si Foxxer," she gave a hesitant smile.

"Kilala nga ba kita?" he scoffed. "Baka puro pagpapanggap lang ang ikaw na nakilala ko. May pinaplano ka ba sa mga tao rito sa Sierra? Kasabwat ka ba ng mga kalaban?"

"Cooler..." his words stabbed her. Her smile slowly faded as tears began to swell in her eyes again. "Hindi niyo pa nga pinapaliwanag sa akin ang nangyari, hinuhusgahan niyo na kaagad ako. Sana naman bigyan niyo rin ako ng ideya kung bakit kayo nagagalit sa akin. Para man lang maipaglaban ko ang sarili ko sa mga panghuhusga ninyo."

Her gaze dropped to her hand. She scanned the wounds and bruises. Suminghot siya habang tinititigan ang mga kamay. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari.

Nang pumasok siya rito ay walang kapantay ang saya na naramdaman niya. She found the best friend she never thought she will have. She met a lot of wonderful people and things. She gained magic which she never thought she can have. She learned to live independently from her parents. She had the best experiences in the few months she spent in SSI.  She thought the happiness will last forever.

"Why am I in here? Are we still in school? Ano ba ang nagawa ko?" she spoke when Cooler did not respond. Nag-angat siya ng tingin dito. His jaws were clenched, his eyes looking at her intently.

"Ibinulgar mo ang katauhan mo."

"Wala akong itinago sa katauhan ko, Cooler."

"Yeah and you pretended to only have one magic," the side of his lips rose sarcastically.

"Wala akong ideya sa sinasabi ninyong may dalawa akong mahika. Ano'ng tingin niyo sa akin? Isang diyosa? Ipinagpala sa lahat? Do I even look powerful to you to have such magics? Kung nagagalit kayo sa akin dahil diyan then you better fix your head. I can't even defeat that titan," bumaba ang tingin niya sa sahig.

She trembled in fear when she remembered how the titan looked at her with it's dark eyes. It's mouth that's wide open gave her nightmares. Paano siya nakaligtas sa halimaw na iyon? Naawa ba ang coordinator ng evaluation kaya siya pinalabas sa battlefield? O nawalan siya ng malay sa gitna ng laban dahil wala siyang maalala?

"You blew up the school, Fox," anito.

Mabilis siyang nagtaas ng tingin. Hindi niya nakuha ang sinabi ng binata.

"Nagkaroon ng pagsabog dahil sa pinakawalan mong enerhiya. You're a mix of Energeia and Erebus. You're abnormal, a freak," he continued.

Nanigas siya sa kinaroroonan. Napuno ng pagkalito ang kaniyang mukha. Nanatili sa kaharap ang kaniyang tingin. He's staring at her dead in the eyes. He looked mad, sad, and betrayed at the same time. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang trato nito sa kaniya.

"Hindi ako naniniwala sa'yo..." she whispered.

Umigting ang panga nito. His chest rose up as he inhaled. Ipinasok nito sa magkabilang bulsa ang mga kamay at tumalikod.

He says, "You know I'm true to my words, Fox. I hope you are too," before leaving the room.

Darkness filled her vision again. Naiwan sa ere ang kaniyang sasabihin sana sa binata. She didn't know. She's not a liar. She will never ever do anything that will harm anyone. She'd rather die than cause damages.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon