Chapter 22: Preparation

665 29 3
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

Vinisha's POV

I immediately forgot about what happened in the garden when I saw Luna dancing in one of the Erebus' practice room. Nakaharap siya sa malaking salamin na sakop ang buong pader ng silid. Tinatakpan ng puting blinds ang salaming nasa likod niya.

Magkasalubong ang mga kilay ko nang pumasok at umupo sa isang sofa. She definitely noticed me but chose to ignore me and danced passionately.

Luna is a ballerina. She can dance any genre but contemporary is her advantage. Maldita man ang pinsan ko ay para itong anghel kapag sumasayaw. Ang mapayapa niyang mukha ay nagbibigay ng mensahe sa nanonood. Magaling itong umarte kasi sanay sa pagsisinungaling sa mga magulang.

She ended the dance while hugging her knees, sitting on the floor. Agad na nagbago ang malungkot niyang mukha nang tumayo at maglakad patungo sa water bottle niya. Pinatay niya ang sound system na nasa tabi. Umikot ang mga mata niya nang makita niya ako sa salamin na nakangisi sa kaniya.

"Napaka-demonyita talaga ng mukha mo, Luna," tukso ko sa kaniya.

Binato niya sa akin ang water bottle which I immediately caught. Nagseryoso ako at ibinaba sa sahig iyon. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Why-"

She cut me off. "I know, sumasayaw ako at baka madisgrasya na naman. But no, Vin. I'm practicing my dance presentation. Miss Ayala knows hell will rise if I won't be involved in the event tomorrow kaya she asked me to be a performer na lang. Hindi ko na rin babawiin ang candidacy ko sa pageant bukas, papanoorin ko na lang ang babaeng iyon. Tignan na lang natin kung sino ang bobong mapagtatawanan ng buong school sa Q and A."

Bagot ko siyang pinanood na tumatawa sa kawalan. "May bago ka na namang kaaway."

"No!" she immediately turned to me. "That bitch won't leave my hate list and is still topping the chart!"

"Sino ba?"

"That bitch who's named after a carnivorous, orange, wolf looking animal."

"Ang babaeng si Imperial," I sat back to the sofa.

"Ugh, that bitch. She just won't stop getting on my way."

Sumunod siya sa akin at ipinatong ang mga binti sa mga hita ko. Malakas ko iyong tinampal dahilan para mapa-aray siya at ibinaba sa sahig.

"Huwag kang magpabaya bukas. Kahit na nandito ang mga Custodian ay hindi pa rin sigurado ang kaligtasan natin sa mga masasama. Maaaring sumugod ang mga Balore bukas," I reminded her.

"I know, dear cousin. I'm always in fight mode."

I glared at her. "Fighting is not what you will do if anything happens, Luna. Iyan ang pinakahuling gagawin mo sa panahong iyon."

"Oh, come on. Do you want me to hide instead like a stupid damsel crying to be saved? Hindi kakayanin ng sikmura ko lalo na't siguradong ikaw ang mangunguna sa pagdepensa sa Sierra."

"It's my responsibility-"

"Responsibilidad, pwet ko! Pinsan, I know you're crazy but I don't want to be like you the moment I find out that something happened to you."

"Araw-araw may nangyayari sa akin."

"Basta, may mangyari lang talaga sa iyo, babangon muli ang mga patay nating angkan. Pasasabugin ko ang buong lupain ng Sierra at mamamatay tayong lahat."

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon