Vinisha's POV
Pinapanood ko ang evaluation ng apat na grupo sa loob ng first hall. Hindi ito kasing laki ng ibang hall dahil para lang ito sa mga leader. Mas malakas din ang magic barrier dito dahil mas malakas ang mga mahikang kayang ipalabas ng mga pinuno ng bawat guild. Isa at kalahating oras ang itinagal ng mga naunang guild at ngayon ay ang dalawang lider ng Erebus ang pinapanood naming lahat.
Ito ang guild na pinaka pamilyar sa akin. Naglalaro sa dilim ang mahika nila at nahuli ko ang mga sikreto nila dahil kay Ninja. Malakas si Ninja pagdating sa mahika ng dilim. Alam na alam niya ang bawat detalye ng kapangyarihan niya at kaya niyang linlangin ang taong matagal nang nagsanay sa ganitong klaseng mahika.
Kami kasi ang mas madalas na magsama sa mga misyon ng grupo. Wala siyang oras na hindi ako tinuturuan tungkol sa mga Erebus. Ang sabi niya ay kaya mababa ang tingin ng mga tao sa may ganoong mahika ay dahil walang magaling na nagtuturo sa kanila. Na kung titingnan ay napakadelikado ng mahikang dilim. Kaya nitong pumatay ng tao nang walang masyadong ginagawa.
Kaya dahil sa mga natutunan ko sa kaniya, gusto kong pamunuan ang mga Erebus. Nasasayangan ako sa kakayahan nila at siguradong malaki ang maitutulong nila kapag may gulong mangyari sa Sierra. Pero hindi ako pwede dahil hindi ko dala ang mahika nila. Hindi ko rin pwedeng turuan ang kung sino sa kanila dahil magtataka lang sila sa akin.
Wala rin kasing guro na katulad ng sa mga Erebus. Bago pa lang ang Erebus sa Sierra dahil sa nangyari noong nakaraang mga panahon. Grupo ng mga masasama ang mga ninuno nila at natapos lang nang matalo at patayin ang mga ito ng mga kapanahon ni Head. Naiwan lamang ang mga batang walang muwang at inalagaan at pinalaki nila. Doon nagsimulang magkaroon ng Erebus dito sa Sierra.
Natapos ang dalawa at kami na. Kasama ko ang lalaking kapwa ko lider, si Frederick Rius. Dalawa ang kadalasang pinuno ng bawat guild at dapat ay babae at lalaki para mas madali ang pamumuno. Hanggang ngayon ay marami pa ring mga lalaki na takot pamunuan ng babae. Fragile masculinity really is a big issue to men. It's just bearable because of how some men can accept such situation because a woman leading them is not something they should be worried about. It's their mentality that they should fix and care about.
Sabay kaming dalawa na tumayo at pumunta sa gitna ng hall. Nasa harapan namin si Magnus na walang emosyong nakatingin sa amin. Nakalagay ang mga braso niya sa dibdib at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Gather up, leaders. Stand inside the circle," he demanded.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Mabilis na sumunod ang iba kahit alam kong naguguluhan din sila. Nang makapasok ang lahat sa bilog na guhit sa gitna ng hall ay biglang nagbago ang paligid. Mabilis akong napakapit sa poste ng barko.
"Bakit tayo nandito?" naaalarmang sigaw ni Heize Silverio, ang pangalawang pinuno ng Energeia.
Nasa gitna kami ng karagatang binabagyo. Malalakas at malalaki ang alon, maging ang ulan ay napakalakas ang buhos nito. Madilim na rin at halos hindi ko na makita ang iba dahil sa ulan. Siguradong mapupunta sa trahedya ang mga kasama ko kung mananatili kami rito.
Galit akong lumingon kay Magnus. Wala siyang imik habang nakatingin sa direksyon ko. Mabibigat ang hakbang kong tumungo sa kaniya, hindi inalintana ang malakas na paggalaw ng barko. Hinila ko ang kwelyo niya at tinapatan ang kaniyang titig.
"Ano ba ang pumasok sa utak mo? Ibalik mo na kami sa-" biglang tinamaan ng mas malaki na alon ang barko kaya't bumaliktad ito.
Narinig ko ang sigawan nila hanggang sa nahulog kaming lahat sa tubig. Sinalubong ng madilim na karagatan ang mga mata ko. Naramdaman ko ang malamig na tubig ng dagat at nabingi dahil sa katahimikan dito sa ilalim. Agad akong dinapuan ng kaba nang maisip ang sitwasyon ng mga kasama. Ako lang ang may kakayahang huminga sa ilalim ng tubig dahil hindi pa ito natutunan ni Red.
Mabilis akong lumangoy at hinanap ang mga kasama. Natagpuan ko si Archie at ang babae niyang kasama. Agad kong ikinumpas ang kamay at umahon sa itaas. Muli akong sinalubong ng malakas na buhos ng ulan at ng malalaking alon. Gumawa ako ng mainit na tubig na lumulutang sa ere na hindi abot ng mga alon at inilagay sila roon gamit ang tubig.
Sumisid muli ako at nahanap ang mga lider ng tatlong grupo kasama si Red. Pinaahon ko rin sila sa tubig. Inilagay ko silang lahat doon sa mainit na tubig at binilang sila. Walo silang lahat maliban sa akin. Nagtaka ako roon.
"Sino'ng wala?" sigaw ko sa kanila.
"Si-" hindi ko na narinig ang sagot nila nang may humila sa paa ko.
Muli akong lumubog sa ilalim ng tubig. Tumingin ako sa paa kong may nakahawak na kamay at nagulat nang makita si Magnus. Hinila ko siya paangat at ipinantay ang mukha niya sa akin. Hindi nagbago ang mukha niya mula kanina. Blangko lang ito habang nagpipigil ng hininga sa ilalim ng tubig.
Lalangoy na sana ako paitaas nang humigpit ang hawak niya sa akin. Nagtaka ako sa ginawa niya at masama ang tingin na ipinukol sa kaniya. Iginala niya ang tingin sa mukha ko. Muli kong sinubukang lumangoy ngunit ayaw niya pa rin.
Tinulak ko ang dibdib niya dahil sa inis. Hindi ko mawari ang inaakto niya ngayon. Nasa bingit na kami ng kamatayan tapos nagagawa niya pang manatili sa ilalim ng tubig.
Napansin kong napalunok siya. Nabahala ako roon at tinangka muli siyang hilahin pataas. Ngunit kahit anong hila ko ay hinihila niya rin ako pabalik at nagpapatuloy sa pagtitig sa mukha ko.
Nakita ko ang mga ugat niya sa leeg na lumilitaw na dahil sa kawalan ng hangin. Worry painted on my face. Akma siyang lalapit sa akin nang bigla siyang napapikit at lumubog. Nanlamig ang buong katawan ko sa takot nang makita siyang wala nang malay. Dahil doon ay nataranta ako.
Mabilis ko siyang niyakap at malakas na itinulak ang sarili gamit ang tubig para madala siya sa itaas. Wala na ako sa huwisyo nang umahon at gumawa ng yelong barko. Inihiga ko siya at pinababa ang mga kasama rito.
I stood up and looked at the dark sky. Pumikit ako nang mahigpit at nag-ipon ng lakas. I gestured my hands on the sky and used my magic to absorb all of the rain. Naramdaman ko ang mabigat na puwersa sa aking mga braso nang unti-unting higupin ang ulan. Ngayon ko lang sinubukang gawin ito at siguradong malalagot ako pagkatapos nito.
Inilipat ko naman ang pagtutok ng kamay sa karagatan at ginawang matiwasay ang mga alon. Tumigil ang malakas na paggalaw ng barko at naging tahimik ang paligid. Pakiramdam ko ay may ugat na naputol sa aking ulo. Kailan man ay hindi inabiso ng mga professor at Head ang pagkontrol sa mga natural na nangyayari sa kalikasan. Hinihigop nito ang lakas ko tuwing gagawin ko iyon.
Bigla ko na lang naramdaman ang panghihina ng binti at napaluhod.
"Vin," inalalayan ako ni Archie. "Tumigil ka na, ligtas na tayo. Huwag mong pagurin masyado ang sarili, masama iyan."
Napatingin ako kay Magnus. Pinapalibutan siya ng ibang mga pinuno habang wala pa rin siyang malay.
"Bela," napapaos kong tawag. "Si Santiago, sagipin niyo siya."
Nagdidilim ang paningin ko nang lumapit siya sa akin. "Ano ba, Vinisha! Huwag mo nang isipin ang iba. Magpahinga ka na," tinulak niya ako pasandal kay Archie.
Halos hindi ko na maitulak ang sarili patayo dahil sa pagod. Umiikot ang paningin ko at tila nahihilo ang ulo. Naramdaman ko na lang ang marahan na paglapat ng kamay ni Archie sa mga mata ko at napapikit. Bigla na lang akong hinila ng kadiliman at hindi na namalayan ang sariling nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...