Third Person's POV
"Our dearest chief has arrived," sarkastikong anunsyo ng pangalawang officer na babae ng Energeia pagkarating ni Blaze sa entrance ng field.
"Huwag kang mag-alala, chief. Kayang kaya na namin ito, pwede ka nang pumunta sa crush mo," tumawa ang fourth officer sa kaniya.
Mabilis na tumahimik ito nang tapunan ng masamang tingin ni Blaze. Hinugot niya sa bulsa ang isang may kaliitang kahon. Nang ilagay niya ito sa mesa ay nagkagulo ang apat na officer para tignan ito.
"Sino'ng nagbigay nito?" tanong ng pangatlo nang ilabas ang apat na badge sa kahon.
"Driya gave it last night," he answered in low voice.
"Oi, oi, oi. May something talaga sa inyong dalawa, ano?" hinala ng fourth officer.
"Hindi, malakas lang talaga itong si Blaze kay Lead," tinuro pa siya ng third officer.
"Ipagpatuloy niyo 'yan kung gusto niyong ibalik ko 'yan sa kaniya," naiinis na niyang sabi.
"Tumigil na kasi kayo," inambahan ng suntok ng fifth officer ang mga kasama. "Chief, salamat dito. Burger ka sa'kin!"
He sighed and left his mates. Nakasalubong niya si Alex na palabas ng field. Tumango ito sa kaniya na agad niyang sinuklian.
"Hey, I saw that girl who won last night and she seems to know the Fuega brothers," balita nito.
He raised a brow. "Nandito sila?"
"Yeah, papunta na siguro ang mga 'yon sa game booths. I kind of heard their conversation," Alex shrugged.
Umiling siya. "Tsimoso... A'right. I'll just go see them. You coming?"
"Nah, sasamahan ko si Lea ngayon," gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito.
"Tss! Love fool. Umalis ka na."
Tumatawa itong kumaway at nagpatuloy sa paglabas.
Sumama ang timpla niya nang abutin ng tanaw ang malaking pintong nakabukas sa dulong bahagi ng field.
Bakit nandito ang dalawang magkakapatid na iyon? Kaano-ano ng mga ito si Foxxer Imperial na mukha namang walang nakakainteres sa pagkatao nito?
Pumunta siya sa game booths. Pagkapasok niya ay sinalubong siya kaagad ng isang humahagibis na fireball. Gulat niya itong iniwasan at tumingin sa pinanggalingan nito. Kumakaway sa kaniya ang isang Hydorian na nagbabantay sa entrance ng maze booth.
"Are you okay?!" pasigaw nitong tanong dahil malayo siya rito. "Pasensya na, may nagpakawala lang galing sa loob!"
Tumingin siya sa butas na nilikha ng fireball sa pader. He scoffed as it slowly recovered. Magaling ang gumawa ng maze na ito. Naisipan niyang pumasok doon at tingnan ang nasa loob.
"Please, do not destruct the whole maze if ever, Montero," ani Acosta na siyang nagbabantay sa entrance nito, may halong pagbabanta ang tinig.
He smirked. "I have other plans, Aeri, don't worry."
"Okay, if you want to quit the game, just light this smoke bomb. Once you're in, your magic will be idle but we don't know if you can overpower it. Gagana lang iyan kung may sign na pwede."
"Yeah, yeah. Open it already," habang pinaglalaruan ng kamay ang smoke bomb.
Pagkabukas ng pinto ay tuloy-tuloy siyang pumasok. Kaagad na tumahimik ang paligid nang magsara iyon. He looked up. Aabot sa limang palapag ang tayog ng pader ng maze. Imposibleng may makakatalon palabas nito.
Hinawakan niya ang pader at nalamang gawa ito sa semento. Tinatakpan ito ng mga damo kaya inakala niyang hindi ito kasing tibay para hindi kaagad masira. He went straight to the path. Not minding about what will happen next.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...