[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]
FOXXER'S POV
"Saan ba tayo pupunta, Kid?" hila-hila ako ngayon ni Kid at hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta.
"Nood tayo ng practice," excited na sabi niya sa'kin. Agad akong huminto at pinigilan siya na siyang nagpakunot ng kaniyang noo.
Ngayong araw magsisimula ang practice for school fest at dahil wala naman akong sinalihan ay napag desisyunan ko na tumambay nalang sa dorm kaso biglang dumating itong si Kid at ayun na nga hinila niya ako palabas ng dorm.
"Bakit?" takang tanong niya sa'kin. "Ayokong manood tinatamad ako, ikaw nalang," nakasimangot kong sabi sa kaniya. Totoo naman, talagang tinatamad ako 'tsaka pagod din ako dahil matagal akong natapos sa pag eensayo kahapon.
Imbis na bitawan niya ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at tuluyan akong hinila papunta sa may function hall kung saan gaganapin ang practice nina Dark at Luna para sa kanilang talent portion.
Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya, wala eh mas malakas pa siya sa'kin.
Nang makarating kami sa labas ng function hall ay rinig ko na agad ang malakas na reklamo ni Ms. Ayala. Natalo pa nito ang lakas ng musika na siyang gagamitin ata para sa talent portion.
"Luna naman, kanina pa tayo pabalik-balik dito, hindi mo parin alam kung paano 'yan gagawin?" dinig kong sabi ni Ms. Ayala nang makapasok kami sa hall. Maraming taga Erebus ang nandito upang manood ng practice at mukhang lahat ata ng reaksyon nila ay halos magkakapareha. Parehong naiinis na ang hitsura.
"Kasi naman, Miss, hindi ba pwedeng palitan na lang natin ng ibang steps?" simangot na saad ni Luna kay Ms. Ayala.
"Puro ka naman reklamo, si Dark nga wala naman akong narinig na reklamo galing sa kaniya," inis na sagot sa kaniya ni Miss.
"Natural, genre niya 'yan, eh," pasigaw na sabi ni Luna.
Napailing na lang ako dahil kahit ako ay naiinis na rin sa kaniya, nasobrahan ata sa tigas ng ulo.
"Palitan mo kaya, Fox, diba magaling ka naman sumayaw?" agad kong tinignan ng masama si Kid nang sabihin niya iyon sa'kin.
"Gago, ayoko nga," bulong ko sa kanya. "Hindi nga ako sumali sa kahit anong performance, tapos diyan pa kaya. Mas lalong ayoko," dagdag kong sabi habang ang mata ay nakatuon kina Luna.
"From the top!" sigaw ni Ms. Ayala. "Naku, Luna ha, kapag ito, hindi mo pa rin magawa nang maayos, pasensya na lang at maghahanap talaga ako ng papalit sa'yo," walang pagdadalawang isip na sabi ni Miss.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Luna. Imbis na ulitin ang sinabi ni Miss, tumayo lang ito at lumapit sa may speaker to play the music.
Nagsimulang pumwesto ang dalawa. Pareho silang nakatalikod sa isa't isa habang ang kanilang postura ay nakatayo at ang kanilang mga ulo ay parehong nakayuko.
Nang magsimula ang kanta, dahan-dahan nilang iniangat ang kanilang mga ulo at nagsimulang humakbang papalapit sa isa't isa kasabay ang pagtitinginan nilang dalawa.
Hindi ko mapigilan ang mamangha sa sobrang solid at galing sumayaw ni Dark. Hindi ko aakalain na may ganito siyang talento. Halatang mayroon siyang experience sa pagsasayaw. Nagmumukha siyang professional.
"Wow, ang galing ni Dark," rinig kong sabi ng kaklase namin sa gilid. Tinignan ko ito, nakangiti ito na ani mo'y kinikilig.
Nagulat ako nang makitang patalon na yumakap itong si Luna kay Dark. Hawak siya nito sa kaniyang dalawang hita, habang ang mga kamay ni Luna ay nakapulupot sa leeg ni Dark. Gago? May paganun talaga?
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...