Chapter 55: The Act

304 12 5
                                    

Vinisha's POV

Hapong hapo ako nang makabalik sa SSI. Mas lalong lumala pa ang pamamaga ng paa ko at halos hindi na ako makalakad nang maayos kahit pilitin ko man. Nasa tabi ko si Foxxer habang mabagal kaming naglalakad patungo sa gate ng eskwelahan.

Hindi na ako nakialam sa pinag-usapan nila ng kaniyang pamilya. Nanatili ako sa labas ng bahay nila at nararamdaman ko rin naman na hindi ako tanggap sa loob. Ang tanging dahilan lang kung bakit hindi ako nainip ay nandoon si Benjo. Wala si Yael dahil pumasok ito sa trabaho. Sa laki ng bunganga ng pinsan ni Foxxer ay hindi talaga ako nagkaroon ng kapayapaan.

Simula nang matapos silang mag-usap ay hindi na nagsalita si Foxxer. Tahimik ito at palaging nakatungo na tila may malalim na pinag-iisipan. Hindi ko na lang din siya kinibo dahil matindi na rin ang pagiinda ko sa sakit ng katawan.

Sinadya kong dito kami dumaan sa gate dahil alam kong sa mga oras na ito, alam na ni Head ang ginawa ko. Alas singko ng umaga, nagsisimula pa lang sumikat ang araw ay madilim na ang mukha ng Headmaster habang nakatingin sa amin mula sa fountain na nasa harap ng mga building. Nasa likod niya ang lahat ng mga pinuno maging ang mga pangalawang pinuno, ang drummer ni Bela, si Elliona Madrigal, Blaze Montero, Cooler at si Aeri.

I chuckled at the sight. Nilingon ako ng kasama ko.

"Handa ka na?"

Hindi siya sumagot at nanatiling kunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Simula ngayon masanay ka nang hindi tanggap ang presensya mo rito pero lumaban ka kapag lalaban ako. We're both doomed here."

Mula sa Registrar's office hanggang sa makarating kami sementadong daan patungo sa fountain ay hindi umaalis ang tingin ko sa kanila. Tumigil ako nang ilang metro na lang ang pagitan namin. Nagsukatan muna kami ng tingin na parang nasa isang pelikula.

Suddenly, snowflakes started falling to the ground. I saw in my peripheral vision how Foxxer started looking around. Winter season is here. Ilang buwan na namang hindi magpapakita ang araw.

"Bakit mo siya ibinalik dito?" unang sabi ni Head. Balot na balot ito sa makapal na puting coat. May scarf na rin ito sa leeg at beanie sa ulo. Mukhang alam na nitong ngayon magsisimula ang taglamig.

"I wanted to. I need to," I corrected myself.

"I don't care about what yourself says, Perez. Nakasalalay rito ang kaligtasan ng mga tao sa Sierra. Sinasabi ko na sa iyong maglilikha lang ng gulo ang pag-iral ng batang iyan dito."

Napatingin ako kay Foxxer nang bahagya itong natigilan sa sinabi ni Head. Nagbuntong hininga ako at umiling.

"Nandito na, wala na kayong magagawa. No matter what, hindi ko kayo hahayaang paalisin siya sa Sierra. Kailangan natin siya at tinitiyak ko sa inyo na magtatagumpay ako sa pagtulong sa kaniyang matutunang kontrolin ang kaniyang mahika. Punish me all you want pero hindi siya aalis," matigas kong sabi.

"Pinipili mong malagay sa kapahamakan ang buhay naming lahat para lang sa kaniya? Do you even know her? I didn't know you're this rebellious, Perez," Head stated in frustration.

Matagal na akong rebelde, ngayon ko lang kailangan palabasin dahil nasisiguro kong ito na ang sagot sa mga katanungan namin. Ang daan para matigil na ang panggugulo ng mga Balore sa Sierra.

"My decision is final. Kakalabanin ko ang kung sinong magpipilit na paalisin siya."

"If that is so," isinenyas ni Head ang kamay. "Kung ayaw mong idaan ito sa maayos na usapan, idaan natin ito sa dahas. Hulihin silang dalawa."

Tumiim ang tingin ko sa kanilang lahat. When their feet started to take a step, the whole place became frozen and grew even colder. Hindi ko tinanggal ang titig sa kanila nang matigilan sila dahil sa ginawa ko.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon