[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]
FOXXER'S POV
Tulala akong nakatingin sa bintana nitong kwarto ko. Hawak-hawak ko ang shuriken na hindi ko alam kung kanino galing pero may narinig akong pangalan noong oras na 'yon. Ninja? Hindi nga lang ako sigurado dahil nanghihina pa ang katawan ko at hindi ko rin nakita ang hitsura dahil nakapikit pa rin ang mga mata ko. Noong nagising ako, nandito na ako sa kwarto habang ang shuriken na ito ay nasa tagiliran ko.
Pinagmasdan ko ito.
Maganda ang disenyo nito at malinis, sigurado akong pinapahalagahan ito ng may-ari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka move on sa nangyari. Halos mamatay ako sa sobrang takot at init na nanggagaling sa ilalim ng bulkan.
"Kung sino ka mang nagmamay-ari nito, nagpapasalamat ako ng marami sa pag sagip mo sa akin," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa shuriken na hawak ko.
"Fox!" napatingin ako sa pintuan at saktong nakita ko si Kid na kakapasok lamang ng kwarto. Agad kong itinago ang shuriken sa ilalim ng unan ko bago siya hinarap.
Mabilis siyang lumapit sa'kin at mahigpit akong niyakap, "Fox, I'm sorry. Kung sana sinamahan kita sa pag-eensayo mo. Hindi dapat ito nangyari sa'yo."
Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang labi. Malalim ang kaniyang paghinga at naririnig ko ang kanyang paghikbi. Umiiyak siya.
"Ano ka ba, Kid," pinaharap ko siya sa'kin bago ko hinawakan ang kaniyang mukha at pinunasan ang kaniyang mga luha. "Wala kang kasalanan okay? 'Tsaka tignan mo, okay na ako," I assured him. Nginitian ko pa siya para lang i-convince siya na okay na ako at wala nang problema.
"Kahit na, kargo de konsensya ko parin iyon," nakabusangot niyang sabi na siyang nagpairap sa'kin. Napaka childish talaga nito minsan.
"Kaya simula ngayon, sasamahan na kita tuwing mag-eensayo ka," sambit nito habang nakataas ang kaniyang kanang kamay na para bang nangangako.
Agad kong tinampal ito at napatawa nang mahina. "Gago ka talaga."
"Oh siya, alis na tayo," sabi ko sa kanya bago tumayo at tinulak siya palabas.
"Saan mo gustong pumunta, Fox?" tanong niya sa'kin. Nakaharap ang kaniyang katawan sa harapan habang nakatagilid naman ang kaniyang ulo, pilit na dinudungaw ako.
"Cafeteria muna tayo, nagutom ako bigla," sabi ko sa kaniya na siyang sinang-ayunan niya at diretso kaming naglakad papunta roon.
Matapos naming kumain ay napagpasyahan naming pumunta sa function hall ng Erebus. May meeting din kasi na magaganap pero mamayang alas diyes pa iyon at nine-thirty palang ngunit inagahan na namin ni Kid. Tutal wala na rin naman kaming gagawin.
Habang naglalakad kami sa may field, may nakita akong lalaki na sobrang familiar ang mukha. Nakaupo ito sa may bench habang hawak-hawak ang isang tuwalya na kulay pula.
Agad akong napahinto nang marealize ko kung sino iyon.
"Oh, bakit tayo huminto?" takang tanong sa'kin ni Kid. "Sinong tinitignan mo?" tanong niya tsaka iniangat ang kanyang paningin upang hanapin ang tinitignan ko.
"Ah, Kid. Mauna ka na. May nakalimutan ako sa dorm," alibi ko sa kaniya.
"Huh? Ano iyon? Samahan na kita," akmang aalis na ito nang agad ko siyang pinigilan.
"Hindi, ako na. Kaya ko naman na, eh. 'Tsaka malapit lang naman iyong dorm," sabi ko sa kaniya. Minamadali siyang umalis dahil baka mawala na iyong lalaki sa may bench.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...