Chapter 33: Band Night

494 25 5
                                    

Vinisha's POV

Forgetting the things I don't want to remember has become my habit. Pagkatapos naming mag-usap ni Bela sa gazebo ay iniwan niya ako. Wala siyang sinabi pagkatapos kong sabihin ang pumapasok sa isip ko kanina.

Binabagabag na ako ng isiping iyon pagkatapos kong makita ang totoong mukha ni X. I've always wanted to see his face before any of us permanently leave the world. It was one of the old witch's curse on me to kill X or everyone I learned to care dies. Tatanggapin ko na lang na mawala si X kahit na masakit para sa akin kesa sa pagkaitan ko ang mga taong nagmamahal sa mga taong maaaring mawala kapag hindi ko iyon sinunod.

That will be my last sacrifice before I finally leave this world. It would be a dream come true.

Nagsimula na ang battle of the bands nang makarating ako sa field kung saan ito ginaganap. Maingay ang tugtugin at sigawan ng mga tao. Bahagyang dumidilim na rin ang paligid dahil dapit-hapon na.

Nagkataong ang banda ni Bela ang nasa entablado ngayon kaya lumapit ako para manood. Ngunit may nahagip ako ng tingin. Nilingon ko iyon at napakunot ang noo. Agad kong nilapitan ang dalawang lalaki na kausap ni Foxxer Imperial.

"Fuegas," I called their attention.

Lumingon silang tatlo sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Benjamin Fuega habang ang kapatid niyang si Ysmael ay natigilan nang makita ako.

"Vinisha!" masayang lumapit sa akin si Benjo at yumakap na kaagad kong tinanggal. "Bakit ngayon ka lang?"

"What do you mean? Matagal na akong nandito," tumingin ako kina Yael. Nginitian ko siya nang makita siyang nakatitig lang sa akin. "Bakit hindi kayo nagsabing pupunta kayo rito?"

"Alam na nina Magnus at Red na nandito kami kaya akala ko'y alam mo na rin," Yael answered. "Anyway, kilala mo na ba ang pinsan namin? She's Foxxer."

Tinignan ko si Foxxer na nakatanga lang sa amin.

"Yeah, I know her. Hindi ko lang alam na magpinsan kayo. Based on your magics, you're probably far relatives?"

Nagkibit balikat si Yael.

"You can say that," sagot ni Benjo. Tumingin ito sa likuran ko at bumalik sa akin. "Tara, punta tayo sa nireserve namin na table. Nandoon sina Red at ibang mga kaibigan natin."

•••

Pagkarating namin sa table ay nahuli ko kaagad ang tingin ni Red. Nakasandal ito sa upuan habang nakalagay ang mga braso sa ibabaw ng sandalan. Katabi nito si Aeri sa kanan at si Archie naman ang sa kabila. Pabilog ang upuan at may mesa sa gitna na may ilang bote ng alak.

They're drinking at this time?

Umupo kaagad sina Benjo at Foxxer sa tabi ni Archie na matamang nakatingin sa amin. Nang umupo si Yael sa tabi ni Foxxer ay napuna kong doon na lang sa tabi ni Yael ang bakante. Doon ako umupo at natigilan nang maalala si Magnus na katabi ko pala.

Nilingon ko ito at nakitang nakatitig na ito sa akin. Sumikip ang dibdib ko. Is he really X or was X telling the truth that he's not him? Pero magkamukhang magkamukha sila.

"Is there a problem?" tanong nito nang matagalan ako sa pagtitig sa kaniya. I just shook my head and looked at the others.

Nakita ko ang tingin sa akin ni Red ngunit nilingon ko si Yael nang kinalabit ako nito. I raised a brow.

"Kumusta ka na?" tanong niya.

Tatlong taon na noong huli kaming magkita. Iyon ang araw ng graduation nila. Wala masyadong nagbago sa kanilang dalawa ni Benjo. They still look the same, only they grew a little taller and look more matured.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon