Chapter 36: The First Dance

463 14 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Walang ibang choice si Foxxer kundi ang kagatin ang palad nitong nakatakip sa bibig niya. Agad itong napahiyaw sa sakit at lumuwag ang kapit nito sa kanya kaya agad siyang nakawala sa hawak nito.

"Fuck!" rinig niyang mura nito.

Nang tingnan niya kung sino ito ay agad na nanlaki ang mga mata niya.

"Blaze!?" hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ng lalaking humila sa kanya. "Hayop ka!"

Mabilis niya itong nilapitan at pinagsususuntok.

"Gago ka! Akala ko kung sino na. Pinakaba mo ako nang todo, walang hiya ka!"

"Fuck! Stop it, Imperial!" sinangga nito ang mga atake niya.

"Stop it mo mukha mo! Deserve mong masaktan, gago ka!" sigaw niya muli rito.

Napatigil siya sa paghampas nang magawa nitong hawakan ang palapulsuhan niya.

"Sumusobra ka na," galit nitong sabi sa kanya.

'Aba! At ito pa ang may ganang magalit' ani Foxxer sa kanyang isipan.

"Ano ba kasing problema mo? Kung gusto mo akong kausapin, bakit hindi na lang doon sa field? Bakit kailangan mo pa akong dalhin dito?" sigaw niyang tanong sa kaharap.

Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso. Hawak-hawak pa rin nito ang kanyang palapulsuhan.

Napaatras siya at napalunok ng laway dahil sa kabang nararamdaman niya nang makita niya kung gaano ito kaseryoso kung makatitig sa kanya.

Ano bang problema niya?

"Bahala ka nga," akmang aalis na sana si Foxxer pabalik ng fields nang bigla niyang maalala na nakahawak nga pala ito sa kanya.

Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba nang bigla siya nitong hilahin papalapit dito.

Halos umakyat lahat ng dugo papunta sa mukha niya nang bahagya itong yumuko at bumulong sa kanya.

"Let's stay here for a while, please," he whispered.

Hindi alam ni Foxxer kung ano ang gagawin lalo na nang marinig nito ang malamig nitong boses.

Halos tumindig ang kanyang balahibo nang biglang lumapat ang labi nito sa kanyang tenga.

Shit!

Hindi alam ni Foxxer kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi siya makagalaw.

Para siyang isang tuta na sunudsunuran sa kung ano man ang sasabihin ng kanyang tagapag-alaga.

Blaze was trying so hard to stop himself from smiling.

Natutuwa siya nang makita niya ang dalagang mukhang hindi na nga ata gumagalaw ngayon sa kanyang harapan.

The music that whispered from the field changed from jazz to a classic slow song and it invited his desire. The ambience was alluring and he unawarely held her hand, gently placed it on his shoulder. The unconscious smile on Blaze's face was a perfect invitation for Foxxer to a dance. It may be embarrassing, but yes Blaze was asking for it.

Blaze linked his two hands around her waist while Foxxer's hands slowly snakes around his nape. Still keeping the right amount of proximity for breathing. Halos sumabog ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Hindi man niya aminin, wala siyang ibang nagawa when they started swaying their body subtly at the rhythm. She can't even utter a single word as the music fits the moment. She seems to be drowning in the stares he gave her.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon