Vinisha's POV
I immediately went to my room when everyone started coming back to the building. Nanginginig na sa sobrang lamig ang iba naming kasama maliban sa mga Energeian at Hydorian. Pare-pareho naming nalalabanan ang lamig. Sina Magnus ay kayang painitin ang katawan habang kami ay sanay na sa malamig.
Nakapagbihis na ako matapos maligo at bulagta ako sa kama. Did I say that I didn't sleep even for just a bit? Hindi ko na maiangat ang mga talukap ko kaya tuloy-tuloy na ang aking pagtulog.
Natataka ako nang magising dahil madilim na ang paligid. Naniningkit ang mga mata kong bumaling sa bintana na nakabukas pa ang kurtina. Madilim nga. Gabi na ba?
I sat up on my bed and yawned like I had the best sleep in my whole life. I stretched my body for a couple of minutes before getting out of my bed. I went straight to my window and closed the curtain. Patuloy na bumabagsak ang mga niyebe at ang iba ay nakapasok na sa silid ko dahil sa hangin.
Inayos ko ang buhok bago tumingin sa orasan. Bagong patak lang ng alas siyete ng gabi. Isinuot ko ang puting sneakers at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Medyo nagusot ang maluwang na puting sweater ko at ayos lang naman ang itim na pants.
Most of the time, I wear small clothes because I don't like washing heavy laundry. But this time I have to make myself get used to wearing this kind of things because my burns are still here. I will talk to Bela about this.
Palabas ng dormitory ay marami akong nakasalubong na nakasuot ng makakapal na coat o jacket. Maliban na lamang sa mga miyembro ko na suot-suot ang kanilang mga sleeveless at shorts, like we're in summer season.
"Finally, you're out." Bigla akong sinalubong ni Magnus nang makalabas sa gate ng dormitory. Mabilis kong hinagod ng tingin ang katawan niya. But I was stopped and stared weirdly at his outfit.
Bakit bihis na bihis ang lalaking ito sa ganitong oras? He's wearing his combat boots, cargo pants, belt with daggers, a black trench coat and undershirt, plus his sword placed on his back.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"We're leaving first," he shrugged.
Kumunot ang noo ko. "Para saan?"
"Misyon ang binigay na parusa ni Head sa atin, Perez. Mauuna kaming mga lalaki at susunod kayo mamaya. I'm sure that we'll see each other there but I will still tell you to meet us in Barn."
Barn?
"You're heading north?" I asked in disbelief. "Ano ang misyon?"
"A lot." Before I could even ask, he took a scroll out of his coat and opened it.
Bumagsak ang tingin ko sa sahig dahil umabot hanggang doon ang pergamino. Binasa ko ang nakasulat sa itaas at kaagad na napatingin kay Magnus.
"These are names. Pinaparusahan niya nga tayo."
Inilukot niya pabalik iyon at tumango. "It's gonna be a dangerous mission so be careful."
He suddenly took my hand and opened it. He placed something on it and I saw a glowing crystal. Pula ito at tila may likidong umiikot sa loob. Umangat ang tingin ko sa kaniya.
"That's a bit of my magic. Just to make sure that I can find you once we're out of this place. Huwag mong itapon katulad ng ginawa mo sa puso ko," he smiled showing his teeth.
Nagbuntong hininga ako at umiwas ng tingin. I tried to shrug away the unfamiliar sensation I felt in my body and nodded. Hindi na ako nagsalita hanggang sa dalhin niya ako sa infirmary nang makita akong umiika pa rin.
Mabilis na gumaling ang paa ko nang lagyan ng doctor ng mamahaling gayuma. As far as I know, this is only exclusive for the royalties and Magnus used his power to make them use it on me.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystère / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...