Chapter 59: The Bounty hunter

343 11 3
                                    

Third Person's POV

Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ni Kiddy habang nag-uunahan sila sa pagtakbo ni Bela. Paminsan-minsan ay nauungusan siya nito pero agad siyang humahabol.

Lumingon siya sa likod at nakita ang maplepoppy na humahabol sa kanila. Malakas siyang napasigaw sa takot at hinabol si Bela na nakalayo nang ilang metro sa kaniya. Mabilis niyang hinuli ang braso nito at nagteleport sa malayo.

Sabay silang bumagsak sa lupa nang matalisod sa malaking ugat ng puno. Kaagad niyang tinulak paangat ang sarili at dumura-dura nang makakain ng kaunting lupa.

"Fuck," daing ni Bela nang tumihaya. Sapo niya ang tagiliran na napuruhan sa pagbagsak.

"Muntik na tayong papakin ng asong ulol na 'yun. Buti na lang naalala kong may mahika pala ako," Kid said in relief.

Galit siyang tumayo at sinamaan nang tingin si Kiddy na naka-upo sa lupa. "You're such an idiot, do you know that? Alam mo ba kung bakit hindi gumamit ng mahika ang mga kasama natin?!"

Takang tumingin ang binata sa kaniya. "Galit ka na naman. Bakit nga ba?"

"It will attract more evil creatures!" she opened her palms in frustration.

Natigilan ito at gumuhit ang pag-aalala sa mukha. Ilang sandali ay biglang tumahimik ang paligid. Nawala ang kaunting ingay ng mga insekto sa paligid, tumigil sa paggalaw ang mga puno, at mas lalong dumilim.

Alertong napaikot ang tingin ni Bela sa paligid. She turned around looking for signs of creatures that might have noticed their presence. Tarantang napatayo si Kid at tumabi sa kaniya. Pareho silang lumilinga sa paligid habang pigil ang hininga.

"Kid," hinawakan ni Bela ang braso ng binata habang hindi matanggal ang tingin sa isang bagay.

Lumingon si Kiddy sa tinitignan ni Bela. Natuod siya sa kinatatayuan nang makita ang isang nilalang na nakakatakot ang hitsura. Kasing liit nito ang isang kambing, malalaki ang lumuluwang mga mata, at may malapad na bibig na umabot sa tenga nitong mahahaba. Para itong tao na unggoy, mataba at mabalahibo.

"Umalis na tayo rito," he whispered. Akma siyang tatakbo nang bigla siyang pigilan ni Bela.

"Hindi. Wala tayong takas sa isang dorcas...unless we do the only way."

Nakadikit ang mga tingin nila pareho sa nilalang. Natatakot na baka ay umatake ito kapag hihiwalay sila ng tingin. Habang ang dorcas ay kapanteng nakaupo sa sanga ng puno. Nakatitig din sa kanilang dalawa.

"Ano'ng gagawin natin?" Kiddy asked.

"Maghubad ka," sagot ni Bela.

Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita itong hinubad ang jacket na suot. Tumambad ang sweater nitong makapal.

"Teka, teka. Ano'ng ginagawa mo?" pigil niya rito nang iangat nito ang laylayan ng damit.

"Huwag ka nang magtanong, gawin mo na! Mamamatay tayo pareho kung hindi natin 'to gagawin kaya bilisan mo," angil nito at tuluyang hinubad ang sweater.

Umiwas siya ng tingin nang makitang sports bra na lang ang suot nito sa ilalim. Napalunok siya nang hindi matanggal sa isipan niya ang nakita kahit hindi na siya nakatingin. Kagat labi niyang hinubad ang coat, jacket, at tee hanggang sa tuluyan na siyang nakahubad. He shivered when the cold hugged his body.

Nilingon niya si Bela. Nahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Bumaba nang mabagal ang tingin nito patungo sa kaniyang katawan. His jaws tightened when he felt her stares on his body.

"What's next?" he asked in a husky voice.

Gulat na napaangat ng tingin si Bela sa kaniya. Their eye contact sent fires to his body. Nakalimutan niya pansamantala ang malamig na paligid sa pagtititigan nilang dalawa.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon