Chapter 47: Suffer

303 14 0
                                    

Third Person's POV

Sa sobrang sakit ng mga parusang ipinataw kay Vinisha ay nawalan siya ng malay. Nagising siya nang may maramdamang kirot sa bandang dibdib niya.

Naimulat niya ang kaniyang mga mata nang lumala ang kirot na nararamdaman. Nakita niya ang matandang mangkukulam na nakatayo sa kaniyang harapan at binubudburan ng asin ang sugat sa kaniyang dibdib.

Napasigaw siya sa sakit ngunit tila walang naririnig ang matanda. Patuloy ito sa paglagay ng maraming asin at pagkatapos ay may kinuha sa likuran.

Nagpumiglas si Vinisha sa taling nakapaikot sa buong katawan nang makita ang hawak nito. A transparent jug was held up by the old hag. The liquid inside it made her hysterical.

"Tinitiyak ko sa iyong pagkatapos nito ay hindi na mawawala ang sugat na iyan. Dadagdagan lang ng mga panibagong sugat sa susunod na mga araw at buwan. Vinisha, sinusumpa ko sa iyo, hindi ka na sasaya... kahit kailan," kasabay ng pagtawa nito nang mala demonyo ay ang pagbuhos ng likidong laman ng galong sa kaniyang katawan.

Dumagundong sa buong silid ang sigaw ni Vinisha. Hindi mapantayan ang sakit na naramdaman niya habang binubuhusan ng asido. Tila siya isang bampira na sinunog at sinaksak sa dibdib.

Gusto niyang humingi ng tulong. Hinahanap ng isipan niya si Bela at Red ngunit alam niyang sa ganitong klaseng sitwasyon ay si X lang ang may kayang makialam. Subalit sa oras na ito, walang makakatulong sa kaniya kung hindi ang sarili.

Pagkatapos ng matinding pagpapasakit ng matandang mangkukulam kay Vinisha ay basta lang siya itinapon nito sa gubat ng Zisnora. Hindi na siya makalakad nang maayos at hapong hapo na. Bumagsak siya mula sa paglalakad nang bumigay ang kaniyang mga tuhod.

Gusto na niyang pumikit at kalimutan nang panandalian ang sakit sa katawan ngunit natatakot siyang hindi na siya magising kapag ginawa niya iyon. Pinilit niyang idinilat ang mga mata at tumingin sa paligid.

Malapit na ang pagbubukang-liwayway. Tahimik ang buong kagubatan kaya nawalan siya ng pag-asang may mahihingan siya ng tulong.

She tried pushing herself to the closest tree. Itinulak niya ang sarili gamit ang mga braso ngunit nanginig lang ito at bumagsak siya. Umulit siya. Pinilit niya. Kahit masakit kapag gumagalaw ay ininda niya. Ginamit niya rin ang mga binti sa pagtulak sa sarili. Hanggang sa unti-unti siyang nakausad at tuluyang nakaupo at sumandal sa puno.

Mahaba siyang napabuntong hininga. She winced when her left shoulder accidentally hit a twig. Her arms wrapped around herself and relaxed. Kung hindi niya papansinin ang mga sugat ay mababawasan ang hapdi nito.

Lumipas ang ilang sandaling nakayakap lang siya sa sarili at nakatingala sa madilim na kalangitan. Pinagmamasdan niya ang mga bituin sa itaas at binibilang.

Malapit na ang araw ng monthly evaluation nila. Makakabalik kaya siya sa eskwelahan sa araw na iyon? Magagawan niya kaya ng paraan para hindi mapansin ng mga tao ang mga sugat at sunog na kaniyang natamo? Nagpakawala siya ng hininga.

Tumingin siya sa kanan nang may mapansin. May maliit na ilaw hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Nakaramdam siya ng pag-asa.

Hinintay niya itong makalapit sa kaniya bago niya inabot ang isang maliit na kahoy. Wala siyang lakas ngayon kaya hindi niya magawang magpalabas ng mahika para mas madaling makatawag ng tulong.

Itinaas niya ang kanang kamay na may hawak ng kahoy at hinampas-hampas sa punong katabi. Nakita niyang natigil sa paglalakad ang taong may hawak ng ilaw.

"Tulong..." halos walang boses niyang sigaw.

"Naririning mo iyon?" boses ng isang babae ang narinig niyang nagsalita.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon