Chapter 16: Hostage

776 28 2
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

FOXXER'S POV

Umabot narin ng isang buwan itong pagsasanay na ginagawa ko and all I can say is that I improved a lot. Marami na akong nagagawa sa mahika ko.

Nakakakita ako ng malinaw tuwing gabi, kahit saan as long as madilim ang paligid. Nakakaya ko na ring mag teleport using shadows. Noong mga ilang weeks ang nakalipas, nalaman ko na pwede rin palang mag upgrade ng magic. Tinodohan ko talaga ang pag eensayo at gumawa ng panibagong paraan kung paano ko gagamitin itong mahika ko.

Ngayon, nakakaya ko nang gumawa ng poisonous smoke, kaso nga lang medyo natatakot akong gamitin ito dahil malakas ang epekto nito at masyado itong delikado. Kaya naman ngayong araw na ito, itong poisonous smoke muna ang pinupukosan ko.

As usual, nandito pa rin ako sa likod nitong dormitory. Mukhang naging tambayan ko na ata ito dahil walang araw na hindi ako pumupunta rito at nagsasanay.

Nakapalibot ang usok sa paligid ko, kinokompas ang kamay ko upang kontrolin ang mahikang nakabalot ngayon sa kamay ko. Mabuti nalang at ako lang mag isa rito. Wala si Kid dahil mukhang may gagawin ata siya. Sa loob ng isang buwan, mas naging close pa kami ni Kid, siya palagi ang tumutulong sa akin sa pagsasanay. Palagi ko siyang kasakasama, minsan nga naiisip ko para na kaming magkapatid sa sobrang close namin.

Kaya naman, mas ginagalingan ko ang pag eensayo at nang sa ganoon ay mas magiging malakas ako at kapag dumating ang araw na sasabak kami sa laban, magagawa kong ipagtanggol si Kid. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kaniya dahil kung meron man hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Seryoso kong kinokontrol ang itim na usok, ito nalang muna ang magagawa ko sa ngayon dahil hindi naman pwede na ititira ko ito sa kung saan at baka ito pa ang magiging dahilan ng pagkawasak ng mga bagay rito sa school.

Medyo nawala ako sa pukos nang bigla akong makarinig ng kaluskos na nanggagaling sa may kakahuyan dito sa tinatambayan ko. Patuloy pa rin ako sa pag kontrol ng mahika ko habang ang aking mata ay nakatingin sa may kakahuyan, ngunit kahit anong linaw ng paningin ko ay wala akong makitang tao o kahit hayop man lang. Baka guniguni ko lang iyon.

Agad na naputol ang aking pag eensayo nang makarinig ako ng pagsabog sa direksyon ng field. Ang kaninang nakapalibot na usok ay agad na nawala pati na rin ang usok na nakabalot kanina sa kamay ko. Agad akong nakaramdam ng kaba. Ano'ng nangyayari?

Nagulat pa ako nang bigla kong nakita ang pinunong hydorian na si Vin. Tumatakbo siya ngayon at mukhang papunta na rin ata roon sa lugar ng pagsabog.

Akmang susunod ako sa kaniya nang biglang may humawak sa magkabila kong kamay. Nang tignan ko kung sino ito ay hindi ko kilala, lalo na't may takip ang mga mukha nila. Marami sila at purong nakaitim.

"Sino kayo?" kinakabahang tanong ko. "Bitiwan niyo ako," nagpupumiglas kong sabi. Ngunit hindi ko magawang makatakas dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa kamay ko. Dagdagan pa ng kanilang lakas at madami sila kaya hindi ko kakayaning mag isa ito.

Agad nilang tinakpan ng panyo ang ilong ko dahilan para bigla akong makaramdam ng pagkahilo at agad na nawalan ng malay.

NANG maimulat ko ang aking mata, tumambad sa akin ang hindi pamilyar na lugar. Marami akong nakikitang mga tao na nakasuot ng takip sa mukha, katulad ang hitsura nito sa mga taong nagdakip sa akin kanina.

Nakatayo ako ngayon sa may gitna malapit sa isang fountain na may laman na malapot na likidong kulay pula. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong lava. Nakasandal ako sa isang makapal na kahoy habang ang kamay ko ay nakapalibot dito at nakakandado.

"TULUNGAN NIYO AKO! TULONG," sigaw ako nang sigaw. Nagbabaka sakaling may makarinig sa akin.

Narinig ko ang pagtawa ng mga taong nandito.

"Walang makakarinig sa'yo, bata. Nandito ka sa ilalim ng isang bulkan," natatawang ani nito sa akin. " Huwag ka nang sumigaw. Mapapaos ka lang. "

Base sa tuno ng kaniyang pananalita, alam kong nakangisi ito habang ang kaniyang ulo ay umiiling-iling.

"TANGINA MO! PAKAWALAN NIYO NA AKO RITO. TULONG! TULUNGAN NIYO AKO RITO," walang humpay na sigaw ko. Mabilis na lumapit sa sa'kin ang lalaking nagsalita kanina at gigil na hinawakan ang panga ko. Napapikit ako sa sakit dahil bumaon ang mahahabang kuko nito sa pisngi ko.

"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI? SINABING HUWAG KANG SUMIGAW DAHIL NARIRINDI AKO SA TINIS NG BOSES MO!" galit na sabi nito sa akin at mas lalo pang idiniin ang kaniyang kuko kaya agad akong napasigaw sa sabrang sakit nito. Naramdaman kong may mainit na likidong dumaloy galing sa pisngi ko. Dugo.

Sinubukan kong gamitin ang aking mahika, ngunit agad din akong nadisappoint nang hindi ko man lang ito magawang palabasin. Hindi gumagana ang mahika ko.

"Kahit anong gawin mo, hinding hindi ka makakatakas dito, bata. Nilagyan ka namin ng orasyon upang hindi mo magamit iyang mahika mo," natatawang sabi sa akin ng isang boses babae.

"Pasalamat ka, hindi pa dumadating ang pinunong vulcan dahil may inaasikaso pa ito. May oras ka pa para magdasal bata dahil kapag nakarating na siya rito siguradong wala ka nang kawala," seryosong sabi nitong lalaking nasa harapan ko. "Magiging isa ka na sa amin."

"Hindi iyan mangyayari. Hindi ako papayag," matapang na sabi ko sa kaniya ngunit tinawanan lang niya ako.

"Not until...malagyan ka na namin ng chip," saad nito bago umalis sa harapan ko. C-chip? Ano iyon?

Natataranta kong tinignan ang lalaki. Kumaway muna siya sa akin bago siya biglaang nawala kasama ang iba pa, at dalawa na lamang ang natitira rito upang bantayan ako.

"Maawa kayo sa akin. Tulungan niyo akong makalabas dito," sinubukan kong magmakaawa sa dalawang tauhan ngunit mukhang wala na talaga silang pakialam dahil hindi man lang nila ako pinansin.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak, ramdam ko ang hapdi dahil sa sugat na natamo ko sa aking pisngi. Ngunit agad din akong natigilan sa paghikbi nang bigla nalang akong makarinig ng isang boses.

Inangat ko ang aking paningin at doon ko nakita ang isang lalaking may nakakalokong ngiti na nakatingin sa akin. Sigurado akong schoolmate ko ito dahil pareho kami ng uniform na suot, at kita ko ang kaniyang sout na pin na may larawan ng isang ibon na kulay pula ang pakpak. Energeia.

"Wait...hindi ako nagpunta rito para tulungan siya," kampanteng sabi nito nang ambang susugurin siya ng dalawang tauhan.

"Huwag kayong mag alala. Nagpunta lang naman ako rito dahil nacurious ako kung sino iyang nakuha niyo," nakangisi nitong sabi. Hindi ba siya natatakot?

"T-tulungan mo ako," nanghihinang saad ko sa kaniya. Lalapit sana siya sa akin nang bigla siyang hawakan ng dalawang tauhan. Natakot ako na baka pati siya ay magagaya sa akin, ngunit nagkamali ako. Biglang lumabas ang apoy galing sa kamay nito na naging dahilan kaya siya nabitawan ng dalawang tauhan.

"I told you, wala akong gagawin. Titignan ko lang naman siya," sabi nito bago ako muling tinignan. Hindi pa rin nawawala ang nakakaloko nitong ngiti.

"Please, tulungan mo ako," bigla akong nabuhayan sa pag aakalang tutulungan niya ako ngunit agad rin akong nakaramdam ng pagkabigo nang marinig ko ang kaniyang sinabi.

"Ah, ang bagong studyante. Hmm, mabuti na lang rin at siya ang nakuha niyo. She's not that special," sabi nito bago tuluyang lumayo sa akin. Tinapunan niya pa muna ako ng tingin bago tuluyang nawala na parang bula nang akmang kukunin ulit siya ng dalawang tauhan.

Nakaramdam ako ng matinding galit. Gago siya! Kapag ako ang nakatakas dito, hahanapin kita at ako mismo papatay sa iyong hayop ka!

Nanghihina na nang sobra ang katawan ko. Dagdagan pa ng mahapdi kong sugat sa pisngi. Hindi ko alam kung anong ginawa nila sa akin noong wala pa akong malay. Sobrang bigat ng katawan ko, nananakit ang lalamunan ko pati ang ulo ko.

"T-tulungan niyo ako, please," mahinang sabi ko at tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paningin ko.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon