Vinisha's POV
Sa harap ng pintuan ng headquarters namin, nakatayo lang ako at nakatitig sa pinto. Pagkatapos akong kausapin ni Magnus sa likod ng kanilang dorm tungkol sa sitwasyon ng aking guild ay tumungo kaagad ako rito. Nagagalit ako sa nalamang panlilinlang ng mga taong nakapaligid sa akin doon sa eskwelahan. Hindi ko malalaman ang tungkol doon kung hindi niya sinabi. Masyado akong naging kampante na kayang pamunuan ni Red ang guild habang wala ako.
Biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mask ni Viper. Walang buhay ko itong tinignan. Natigilan ito nang makilala ang kaharap. Hindi ko nakakalimutan ang huli naming pagkikita. Siguraduhin niya lang na hindi kumalat ang tungkol doon o mananagot siya sa akin.
I gestured my head to make her move aside. She hesitated at first but then moved at the end. Naglakad ako papasok sa sala. Narinig ko ang mahinang usapan ng mga tao sa loob.
"Holt," may biglang tumawag sa akin.
Umangat ang tingin ko sa mababang hagdanan patungo sa sala. Nakatayo roon si Chip habang hawak ang gloves na hinubad. Nawala ang mga boses na nagsasalita.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa sala. Nakatingin sa akin ang dalawang lalaking nakaupo sa sofa. The headquarters looked so empty. Si Chip na nasa gilid ko ay hindi na nagsalita. Lumapit ako sa bakanteng sofa na kaharap nina X at Neo at umupo.
"I'm back," I said.
Walang nagsalita sa kanila. Ilang sandaling lumipas ang katahimikan bago nabasag nang biglang magsalita si Viper mula sa pintuan.
"Lalabas ako, sama kayo?"
Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin kay X. He did not make any move, even a bit. He seemed frozen on his seat. Tumayo si Neo.
"Uh-Sama ako! Tara, Chip!" mabilis itong naglakad paalis.
Narinig ko ang mga yabag nilang tatlo na palabas ng headquarters hanggang sa humampas pasara ang pinto.
Kami na lang dalawa ang naiwan dito. Walang gumagalaw, nagsasalita, at tila hindi na rin siya humihinga. He's like a still photo.
"Are you giving me the chance to kill you easily?" I ridiculed.
His chest raised and I heard him release a deep sigh. He cleared his throat and leaned forward. Itinukod niya ang mga braso sa kaniyang mga tuhod. I can feel the intensity of the stare he gave me.
"How... How are you?" he struggled for words. He sounded breathless.
"Are you really not him?" I pondered.
Natigilan siya sa sinabi ko. Kapagkuwan ay umayos siya sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa sandalan. Gumuhit sa isipan ko ang hitsura ni Magnus. I imagined that it was him behind the mask. Even if he said it's not him. Hindi ako maniniwala sa kaniya hangga't hindi ko sila nakikitang dalawa sa iisang lugar.
"It's been a long time since you came back," inilihis niya ang usapan.
"Kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo, ako ang hahanap ng paraan. Tatanungin ko-" he cut me off.
"If I was him, why am I here?" he reprimanded.
"Iisa kayo ng mukha."
"So, what if we have the same face. Does that make us the same person?"
"Yes!" I answered.
"Well, sorry for you, Holt. Kilala ko ang taong tinutukoy mo at hindi ako siya. Magkaiba kami, maraming pagkakaiba," he raged. "Why can't you see that we're different?"
Hindi ako naniniwala. Kung hindi siya si Magnus, bakit nararamdaman ko siya kanina habang kausap ko si Magnus sa eskwelahan? Kung hindi siya si Magnus, bakit tinuturo ng kutob ko na siya nga? My hunch never failed me.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...