[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]
FOXXER'S POV
I was sitting here at the airport, waiting for my cousin to arrive and pick me up. Galing ako sa America at kakauwi ko lang dito sa Pilipinas. My parents are staying there because of our business. That's why I am the only one here going home.
Habang busy akong tumitingin-tingin sa mga taong naglalakad sa aking harapan bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng aking cellphone, senyales na merong tumatawag sa akin. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking jacket na suot at sinagot ang tawag.
"Hello?" pagtugon ko sa tawag.
"Hey, Fox, where are you? Nandito na ako."
Nang marinig ko ang sinabi nito ay agad kong inikot ng tingin ang paligid upang hanapin ang kausap. Agad ko naman siyang nakita kung kaya't agad kong itinaas ang kaliwang kamay at iwinagayway upang mapansin niya.
"I'm here," pasigaw kong sabi upang marinig ng aking pinsan. Hindi naman ako nagkamali dahil bumaling ang tingin nito sa akin. Ngumiti ito at agad din niya akong kinawayan pabalik. I ended the call nang makitang papalapit na siya sa akin.
Lumapit ito nang nakangiti. Nang makalapit ay agad niya akong niyakap nang napakahigpit.
"Uh, B-benjo I can't b-breathe," kapos-hininga kong sabi dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap ng aking pinsan na si Benjo. Humiwalay naman kaagad siya at napatawa nang makita ang mukha ko na ngayon ay namumula na panigurado.
"Wow naman, insan. Nagstay ka lang sa America nang tatlong taon, naging kulay snow na iyang katawan at mukha mo. Eh noong hindi ka pa nga nakapunta roon, dinaig mo pa ang kulay ng buhok ko sa sobrang itim mo," natatawa niyang ani sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at agad na hinampas ang kanyang braso.
"Gago ka, hindi naman ako maitim ah," I said while pouting.
He laughed, "Joke lang, insan. Ayan ka na naman sa pa-cute effect mo. Akala mo naman bagay sa'yo," pang aasar niya sa sa akin. Irap lang ang kanyang natanggap galing sa akin kung kaya't mas lalong lumakas ang kaniyang pagtawa.
Nang matigil sa pagtawa si Benjo ay mabilis niyang kinuha ang mga bagahing dala ko.
"Tara na at nang makauwi na tayo sa bahay. Excited pa naman sina mama na makita ka," pagkukwento niya. Tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may itim na kotseng pagmamay ari ng aking pinsan.
Pumasok kami sa sasakyan na agad ding sinimulang paandarin ni Benjo.
Noong bata pa lang ako ay roon na ako nakatira sa pamamahay ng aking tita, ang mama nina Yael na siyang nakatatandang kapatid ni Benjo. Dahil sa sobrang busy ng aking mga magulang sa trabaho, kung kaya't pinakiusapan ng mga magulang ko ang aking tita na pabantayan muna ako. Kahit wala ang aking mga magulang, itinuring naman niya ako na parang tunay na anak. Halos dito na rin ako lumaki, hanggang sa lumipas ang labinlimang taon, napagpasyahan kong pumunta sa america upang makasama ang mga magulang ko. At ngayon ay naisipan kong bumalik ulit dito dahil namimiss ko na sina tita.
Habang nasa byahe ay agad akong nakaramdam ng pagod kaya't isinandal ko ang aking ulo sa may bintana bago sinimulang ipikit ang aking mga mata at umidlip.
Pagkaraan ng ilang minuto. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdamang may tumapik sa aking pisngi. Bumungad sa aking harapan ang pagmumukha ng nakangising si Benjo.
"Gising na uy, nandito na tayo," ani niya sa'kin. Umalis sa aking harapan si Benjo upang kuhanin siguro ang aking mga bagahi sa likod ng sasakyan.
Napatingin ako sa bintana at napangiti ng makita ang mangiyak-ngiyak na si Tita kasama ang aking nakakatandang pinsan na si Yael, abot-abot ang ngiti ng dalawa habang tinatanaw ang kotseng aking sinasakyan.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mistério / SuspenseThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...