Third person's POV
"Good evening, ladies and gents, it has been a very busy day but welcome to the Pageant Night of Silva Schola Institute!"
Naghiyawan ang mga tao sa pagpasok ni Kiddy Fontales sa stage at napuno ng palakpakan ang malaking bulwagan. Nagkalat ang napakaraming pixies sa ibabaw at nalalaglag sa ibaba ang kumikinang na mga pixie dust. Maliwanag ang bukas ng mukha ng mga tao at nasasabik na sa mangyayaring kompetisyon para sa susunod na magiging Face of Silva Schola Institute.
"First of all, I would like to introduce my self, in case, some of you might want to get to know with me. Just see me on backstage," nagtawanan ang lahat.
Umikot ang mga mata ni Bela at luminga sa paligid. Kanina pa niya hinahanap ang may lahi ng multo niyang kaibigan. Nang dinner pa niya ito hinanap ngunit pati sa dorm ay wala ito. Saan naman kaya nagtatago ang bruhang iyon?
"Where's Perez?" tanong ni Magnus kay Frederick na nasa kabilang bahagi ng lamesa.
"Hindi ko alam," walang ideyang nagtaas ng mga balikat ang isa.
Sumama ang tingin ni Magnus dito. "The leaders are supposed to be here, Rius. Bakit hindi mo alam kung nasaan ang kapwa mo pinuno?"
"Vinisha is an independent person, Santiago. Hindi niya kailangang magpaalam sa akin kung saan siya pupunta. Hanapin mo kung gusto mo."
Nakita ni Bela kung paano pinigilan ni Magnus ang sarili. Umigting ang panga nito at kumuyom ang kamaong nasa ibabaw ng lamesa. She got anxious with the tension around the table right now kaya bumaling siya kay Archie Toralba.
"Nagpaiwan si Vinisha kanina sa borders, magkasama sila ni Archie, right?"
Kaagad na tumango si Archie. "Uh, yeah pero kanina pa iyong alas singko. Ang sinabi niya ay susunod na raw siya pagkatapos niyang magtingin-tingin doon. Sabik na sabik pa siyang masilip ang labas."
"May kasama siya?" si Chris Silva.
"Wala pero may mga naka-station na Custodians sa malapit," sagot ni Archie.
"Gaano kalapit?"
"About... half a mile away."
"Are you bluffing, Archie?" hindi makapaniwalang ibinaba ni Copper ang baso sa mesa. "Iniwan mo siya sa borders ng school nang walang kasama? Isn't it dangerous around that area? Malayo na iyon sa school premises."
"Bless her life," Driya Hidalgo dilated her eyes, slightly laughing.
"Hindi ito biro, Driya, ano ka ba!" saway ni Chris dito. Umikot lang ang mga mata ng isa at tumingin sa entablado.
"Y'all relax, hindi naman mahina si Perez kung sakaling may umatake sa kaniya. At oo, delikado ang bahaging iyon ng lupain pero the possibility of getting attacked there is never a hundred percent. So, chill, look at the bright side," maarteng itinaas ni Driya ang kamay.
"Mamaya na kayo mag-usap, kita niyo namang may event tayo ngayon," saway ni Frederick sa mga kasama.
Magkakasama ang pitong pinuno ng bawat guild sa iisang mesa. Wala sina Heize Silverio, Dark Sevirano, Maralina Contis, at Virgo Mendoza dahil kasali ang mga ito sa pageant. Kasali pa sana si Bela kung hindi niya lang inaway si Maralina na siyang pasimuno na isalang siya sa pageant. Binantaan niya itong haharangan sa dorm at hahamunin ng laban kaya umatras at nagpaubaya nang sabihin niyang ito ang magiging representative nila.
Walang lumalaban kay Bela dahil sa katotohanang napikot nito ang pinuno ng mga Hydor na maging kaibigan. Ni hindi nga makalaban si Magnus Santiago na siyang may pinakamataas na posisyon sa eskwelahan kay Vinisha. Ang sabi nga nila if a demon can be tamed by someone, then that someone is a demon itself.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Misterio / SuspensoThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...