Chapter 8: The Uniform

1.2K 32 3
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

FOXXER'S POV

"Aalis ka na? Sigurado ka bang kaya mo talagang mag-isa?" halos ilang ulit na rin akong tinatanong ni Yael at naka ilang ulit na rin akong tumatango sa kanya.

"Yael naman, hindi naman bata iyang si Foxxer. Alam na niya ang gagawin niya."

Mukhang pati ata si tita eh, medyo naiinis na rin.

"Sinabi ko na kasing sasamahan kita, ayaw mo pa," nakangising ani sakin ni Benjo. Agad ko siyang inirapan bago kinuha ang bisikleta.

"Ayoko nga sabi, manggugulo ka lang eh."

Aangkas na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Benjo.

"Magbibisikleta ka?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nang ganyan ang suot? Seryoso ka ba, Foxxer?" hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.

"Bakit?" iginala ko ang aking paningin sa aking suot na kulay puting floral dress. "Okay naman ah, tsaka comfortable ako kapag ito ang suot ko."

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at agad na akong umangkas sa bisikleta.

"Aalis na ako, balik ako rito mamaya," excited kong sabi bago sinimulan ang pagpapatakbo ng bisikleta.

Tanaw na tanaw rito ang magandang tanawin ng Sierra dahil nasa bahagyang itaas na bahagi ang bahay nila Tita. Sobrang peaceful at napaka presko ng hangin. Hindi talaga ako nagkamali ng desisyon na bumalik dito at mag stay.

Agad akong napangiti nang may nakita akong mga bata na naglalaro sa may damuhan. Kinawayan ko sila nang bigla silang lumingon sa gawi ko at agad rin naman nila iyong tinugunan.

Wala pang ilang minuto nang makarating ako sa may bayan kung saan maraming mga tao ang nagtitinda.

"Magandang umaga po," bati ko sa isang matandang babaeng nagtitinda kasabay ang aking pag tigil sa pag pedal ng bisikleta.

"Magandang umaga rin, iha," ngiti niyang bati sa akin pabalik. "Parang ngayon lang kita nakita rito. Bagong salta ka ba, iha?" pagtatanong niya sa'kin habang ang atensyon niya ay nasa kanyang mga tinitindang dream catcher at iba pang lucky charms.

"Uhm, opo. Tita ko po si Cora," sagot ko habang sinusuri ang iba't ibang disenyo ng dream catcher na nakahanda sa mesa.

"Cora? Ah, si Corazon Fuega?" paninigurado niyang tanong sa akin na agad ko ring tinanguan bilang sagot.

"Ale, magkano po itong dream catcher?" hawak ko ngayon ang isang kulay pulang dream catcher na may nakaukit na kulay pulang bato sa gitna nito na pinapalibutan ng mga feathers

I badly need this. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong nangyari kagabi. Kahit pa anong sabi ni Yael na namamalik-mata lang ako ay hindi ko parin maiwasan na matakot, at matagal akong nakatulog kagabi. Feeling ko nga ay parang may tinatago si Yael sa'kin base sa kanyang naging reaksyon at galaw pero hindi ko nalang iyon inalintana.

"50 pesos lang iyan, iha. Mabuti na lang at iyan ang napili mo. Isa kasi iyan sa mga pinaka mabisa na dream catcher na meron ako. Sigurado akong mas magiging magaan ang tulog mo."

Kumuha ako ng pera sa maliit na bag na dala at saka ito binigay sa kanya bago ako nagpasalamat at muling pinatakbo ang dalang bisikleta.

Patingin-tingin lang ako sa iba pang mga paninda. Naghahanap kung may matitipuhan nang bigla kong naibreak ang bisikleta sa takot na baka mabangga ko ang dalawang babaeng tumatawid sa kalsada. Natigil at napatingin silang dalawa sa akin.

Nakasuot sila ng uniform?

Wow! Ang cute ng uniporme nila.

Naagaw ang atensyon ko sa pin nila na nakalagay sa kanilang necktie, kulay green at clover ang hugis nito. Hindi ko alam kung bakit pero nakakamangha itong tignan. Ngunit agad ring nawala ang atensyon ko roon nang bigla kong naalala ang nangyari.

"Hala, I'm sorry hindi ko kasi kayo namalayan. Pasensya na," natataranta kong sabi sa kanila. Inihiga ko ang bisikleta bago sila nilapitan upang icheck kung may sugat ba sila o ano.

"No, it's okay. Wala namang nangyari samin," sabi ng isang babaeng medyo may kaliitan. Kulay abo ang buhok at nakangiti ito sa'kin.

Katabi naman nito ang isa ring babaeng matangkad, kulay pula ang buhok ngunit ang mukha nito ay seryoso at hindi man lang nakatingin sa'kin dahil mas nakatuon ang atensyon nito sa bisikleta ko.

"Ahm, ganun ba?" halos hindi ako makatingin sa kanila ng diretso dahil nahihiya ako lalo na't muntik ko pa silang mabangga. "Pwede ba akong magtanong?" nahihiya kong tanong sa kanila.

"Hmm? Ano yun?" ang babaeng medyo maliit.

"Saang school kayo nag aaral? Ang cute kasi ng uniform niyo," mahina kong sabi sa kanila.

Agad na nagkatinginan ang dalawa bago sila sabay na tumingin sa akin.

"Hindi mo ba alam? Actually, lahat ng tao rito alam nila sa kung anong eskwelahan kami pumapasok lalo na't nag iisa lang naman ang school dito sa bayan ng Sierra," takang sabi nito sa akin. Agad naman akong umiling dahil hindi ko alam iyon.

"Galing kami sa Silva Schola Institute, nakikita mo ba iyon?" agad kong nilingon ang itinuro niya. Doon ay may nakita akong building o ano basta para siyang castle na nasa gitna ng kagubatan. "Iyan ang paaralan namin."

Agad namang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. "Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko. I mean, first time kong makakita ng eskwelahan na nasa gitna ng kagubatan.

"Yup, I'm serious pero kami lang na mga studyante ang pwedeng makapasok doon, bawal kasi ang mga outsiders."

Napakunot ang noo ko sa narinig, "Bakit bawal?" ngunit imbis na sagutin ako ay nagkibit-balikat lang siya.

"Only the students na nag-aaral doon ang siyang pwedeng makapasok. Kaya kung may balak kang pumunta roon, huwag mo nang ituloy pwera nalang kung meron ka noong isang bagay na kinakailangan para makapasok," seryosong sabi sa'kin noong babaeng nakapula ang buhok.

"Huh? Ano naman iyon?"

"Saka mo lang malalaman kapag nagpunta ka doon at balak mong doon mag-aral," aniya bago naglakad paalis at nilagpasan ako.

Agad naman akong nginitian noong babaeng kulay abo ang buhok bago ito sumunod sa kasama.

Nilingon ko silang dalawa na ngayon ay nag-uusap habang tumitingin-tingin sa mga paninda. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko kinuha ang bisikleta at sinakyan ito bago pinaandar. Dumiretso na rin ako pauwi ng bahay. Hindi ko man lang natanong ang mga pangalan nila. Sa susunod na nga lang, kapag nakita ko ulit sila.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon