Vinisha's POV
Dinalaw na ako ng antok ay wala pa ring nakakalabas sa kanila. Isinara ko ang telang nagsilbing pinto ng tolda at lumapit kay Bartholomew. Naglalagay siya ng panibagong kahoy sa siga. Umupo ako sa kaniyang tabi kung saan ang tela niyang makapal. Dahan-dahan kong ibinagsak ang sarili pahiga at pumikit.
"Inaantok na ang bata," pang-aasar na sabi ni Bart.
Ngumiti lang ako at hindi na nagmulat. Nang ilang sandaling walang nag-ingay sa paligid ay tuluyan na akong kinain ng panaginip.
Hindi nagtagal ay nagising ako nang biglang lumamig ang paligid. Pagkamulat ko ay natagpuan ko si Bart na pinapatay ang siga. Kaagad akong bumangon at kunot noo siyang tinignan. Nang lumingon siya sa akin ay bigla siyang lumapit at hinawakan ang aking mga braso.
"Ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako sa kaniyang hawak ngunit wala akong palag sa kaniyang lakas.
Hinila niya ako patayo at tinulak sa dulong bahagi ng tolda. Nagsimulang kumabog nang mabilis ang puso ko. Sinubukan kong kalabanin siya gamit ang mahika ngunit binalot niya ang buong katawan ko ng kaniyang mahika. Nabuwal ako sa pagkakatayo nang manghina.
"Huwag kang mag-ingay, Valeriana."
His voice sent shivers to me. He tried to pull me up but I fought back. Kung ano man ang binabalak niyang gawin ay hindi ko siya hahayaang mangyari iyon.
Pinalamig ko ang katawan na tipong mamamatay na ang init na marahas niyang ibinalot sa akin. My body became numb and my skin began to freeze and grew ice on them.
He looked at me in shock as the ice traveled up to his arms. His hand glowed red when he tried to melt it down. Ngayon siya dapat magsisi. Sa dinami-dami ng taong balak niyang gawan ng masama ay ako pa ang pinili niya.
"Fuck, Valeriana!" the ice reached his shoulders. "I'm not your enemy. I'm just trying to hide you. Someone's approaching us!"
Kagyat na naglaho ang aking mahika at tumalas ang aking pandinig. Footsteps whispered into my ears as I tried to listen. I heard a group of men laughing from behind the tent. May naririnig din akong kumakalansing na mga bakal.
Napasinghap ako nang hinila ako ni Bart palapit sa kaniya. "Listen, Val. Nakikilala ko ang mga taong ito at sinisiguro kong hindi ligtas ang presensya mo rito. Sisikapin kong hindi ka nila mapansin. Just make sure to hide behind me, don't make any noise. Okay?"
Nang wala siyang natanggap na sagot mula sa akin ay tumalikod na siya at tinakpan ako mula sa pintuan. He held his sword inside the scabbard and stood firm.
Nanigas ako nang marinig na bumukas ang tela.
"Oh, si Bart lang pala!" Malakas na nagtawanan ang mga ito.
"Ano'ng kailangan niyo, Delfin?" malamig ang boses ni Bart.
"Wala naman. Inaasahan lang namin na isang magandang dilag na nawawala sa gitna ng Consus ang nasa loob ng tolda. Iyon pala'y isang mang-aagaw lang pala ng atensyon ang matatagpuan namin."
Nanatiling hindi gumagalaw si Bart.
"Kung ikaw lang naman pala ay aalis na kami. Maghahanap pa kami ng putang magpapainit sa gabi. Sige na! Ikumusta mo na lang ako sa dalagang kasama mo. Tinatago mo pa ay sumisigaw naman ang presensya ng kaniyang mahika."
Natigilan ako sa sinabi nito. Alam nilang nandito ako!
"Magandang gabi, binibini. Sa narinig ko ay masarap makatabi iyang si Bartolome sa gabi. Pero mas masarap ako," tumawa ito at narinig ko na silang naglalakad palayo sa tolda.
Mabilis akong hinarap ni Bart. Bagot ang mga mata niyang tumingin sa akin. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng lalaki. Matagal kaming nagkatinginan at unti-unting umangat ang gilid ng aking labi.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...