FOXXER'S POV
Nang matapos ang pageant ay mabilis akong pumunta sa dorm upang magpalit. Ang lamig. Bakit kasi sobrang nipis ng strap nitong gown na suot ko? Inilagay ko ang dalang bulaklak sa aking higaan pati na rin ang trophy na napanalunan.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang tinitignan ang napakagandang trophy na nasa higaan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang nanalo sa pageant.
Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng dorm para hanapin si Kid upang magpasalamat. Alam kong nainis ako sa kaniya noong pinagtulakan niya akong maging kapalit ni Luna pero gusto ko siyang pasalamatan ngayon dahil tsaka ko lang narealize na sobrang laki pala ng tiwala at supporta na ibinigay niya sa'kin.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong silweta ng isang tao. Nang tignan ko nang mabuti kung sino iyon ay agad akong nagtaka nang makilala ko siya.
"Kid?"
Nagmamadali itong lumakad papasok sa... forest? Dala ng kuryosidad mabilis ko itong sinundan papasok. Ano'ng gagawin ni Kid dito sa gubat?
Sinubukan kong bilisan ang aking paglalakad nang magsimula itong tumakbo sa madilim na daan. Ngunit agad din akong napahinto nang bigla siyang nawala sa paningin ko.
"Asan na yun?" takang tanong ko sa aking sarili.
Bakit ba nagpunta dito si Kid? Para jumingle? May cr naman kami sa school ah.
Napailing na lang ako dahil talagang hindi ko na siya mahanap pa. Akmang babalik na sana ako sa school nang may narinig akong boses ng isang babae. Mabilis akong nag tago sa malaking puno nang makita ko ang babaeng nakasuot ng maskara.
"Lumaban ka, Ninja! Huwag kang magtago na parang duwag!" sigaw nito habang lumilinga-linga sa paligid, mukhang may hinahanap.
Teka, Ninja?
Kung ganun, totoo nga yung narinig ko noon. Ibig sabihin ba nun, si Ninja ang nagsagip sa'kin doon sa ilalim ng bulkan? Na siya ang may ari ng shuriken na nasa akin ngayon?
Sinubukan kong tignan ang babae mula sa hindi kalayuan ngunit agad rin akong nagtago nang bigla niyang ibinaling ang kanyang paningin malapit sa pwesto ko. Muntik na!
Sigaw siya ng sigaw hinahanap ang isang taong marahil ay nagtatago.
"Holt..."
Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang tawa ng lalaki. Gago ang pogi ng boses pero medyo creepy.
"Vinisha..."
Napatigil ako sa pagpapantasya nang marinig ko ang pangalan na binanggit ng lalaki. Huh?
"Vinisha..."
What the hell? Vinisha? Yung Pinuno ng Hydor?
"Please kill me, my love... Kung ikasasaya mo..."
Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa kaniyang sinabi. Ano'ng gagawin niya? Papatayin niya ba? Hindi ko magawang tignan sila dahil natatakot ako na baka makita nila akong nagtatago rito.
"You'll die, Ninja... Papatayin kita!"
"I don't think I deserve this," rinig kong nanghihinang sabi ng lalaki.
Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari, bigla nalang walang tigil na sumigaw ang babae o si Vin...
"Fuck you! Fuck you!"
Nang dahil sa takot ay agad akong kumaripas ng takbo pabalik ng school, pumasok ako sa aking kwarto at umupo sa higaan ko. Abot-abot ang aking paghinga dulot ng pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...