Chapter 54: Sierra

334 9 1
                                    

Foxxer's POV

"Tita..." kinuha ko ang kaniyang atensyon. Matagal bago siya lumingon sa akin.

"Bakit, anak?"

I sighed. "Bakit... Ano ang meron sa Sierra na kinalalagyan ng eskwelahan ko at sa Sierra rito, Tita? Bakit napakaraming kakaiba sa lugar na iyon? Umiilaw ang mga isda, kumikislap ang mga puno, at may mga kakaibang nilalang. Bakit Sierra pa rin ang pangalan ng bayan doon kung napakalayo ng nilakbay namin bago nakarating dito? Bakit ibang iba ang paligid doon kumpara rito?"

Ilang segundo siyang napatitig sa akin at suminghap. Isinandal niya ang ulo sa sandalan bago nagsalita.

"Have I told you that I have wished a lot when you were young that I can tell you freely about the place we're living in?"

Napakunot ang noo ko at umiling. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Ang Sierra na ito ay isang bayan na nagbubukod sa mga sikretong kailangang itago sa mga normal na tao. Ang Sierra na kinalalagyan ng paaralan mo ngayon ay isang lalawigan ng mga mahika," she explained.

Nawala ang ekspresyon sa aking mukha. Hindi ako makapaniwalang tinitigan si Tita. Her eyes gleamed truth and empathy.

"What are— What?" hindi ako makaapuhap ng sasabihin.

"You always loved fairytale. Naisip ko dati na mas maganda sana kung pwede kong sabihin sa iyo ang tungkol sa mundo kung saan tayo nanggaling. I would see the happiest little girl kung nagkaroon lang sana ako ng tsansang ikwento sa iyo ang tungkol doon."

I can't say anything. I was speechless. I didn't know it was a different world. I thought it was just a strange place where the school happened to exist. Akala ko ay ang portal na dinaanan namin kanina ay para lang makarating kami kaagad dito.

"Fox, anak. Ang Sierra ay hindi basta-bastang lalawigan. That is where good and evil co-exist. Kapag walang kabutihan, masisira ang mundo. Kapag walang kasamaan ay ganoon din ang mangyayari. Balanse... I'm sure you knew about the prophecy. This Sierra is where normal place belongs."

"So, isa ka ring Energeian? Nalaman ko ang mahika nina Yael noong pumunta sila sa school fest... Pero kung mga normal lang ang mga tao rito, nagugulat ba sila kapag may nakita silang nagpalabas ng mahika o mga kakaibang nilalang dito?"

"Oo, isa akong Energeian. Kung ang tinutukoy mo ay ang puting leopardo na nasa labas ng bahay ay hindi, Foxxer. Nawawala ang mga mahika sa mundong ito at hindi makikita ang kahit anong galing sa Sierra na iyong pinanggalingan. Tanging ang mga taong may mahika lamang ang makakakita sa nilalang na iyan."

Napatangu-tango ako sa kaniyang sinabi. Napatingin ako sa labas at nakita si Vin na katabi na pala si Benjo. Buka nang buka ang bibig ng pinsan ko habang parang wala naman sa kasalukuyan ang isip ng kausap niya. Napailing na lang ako.

"Tita, pwede niyo bang ikwento ang lahat ng gusto mong ikwento tungkol sa Sierra?" I asked.

Nakita ko siyang napangiti at umayos ng upo. "I would gladly do so."

She told me everything from the basics to the secrets that not everyone knows about. She told me about the towns in Sierra where SSI doesn't belong to one. Ang sabi niya ay nasa bukana lang ng Sierra ang SSI kaya hindi ito nasakop sa ibang bayan.

Ang Blemore ay ang lupain ng mga Energeian kung saan nakalagay ang kaharian ng mga Santiago. Ito ang pinakamayamang bayan at ang nagsisilbing sentro ng Sierra. They're full of buildings and inventions. People are fierce and cunning as they are born with competition in their mind.

Ang Ukennon ay ang bayan ng mga Erebusian. Ang bayan ng mga mangkukulam na nasira nang dahil sa kaguluhang nangyari noong buhay pa sina lolo at lola. Doon madalas pumupunta ang mga taong isinumpa o kahit anong sakit na hindi kayang gamutin ng mga doktor. Wala nang mayayamang nakatira doon, o sa huling alam ni Tita, at tinaguriang pinakamahirap na bayan sa Sierra.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon