Chapter 53: The Truth

334 12 3
                                    

Foxxer's POV

Nang makarating sa bahay ni Tita ay agad akong tumalon pababa sa pagkakasakay sa malaking leopard na si Hercules.

Tahimik lamang na nakasunod sa akin si Vinisha habang patuloy kaming naglalakad papalapit sa bahay nina tita Cora.

Imbes na matuwa ay magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Natatakot ako sa maaaring malaman sa oras na marinig ko galing sa kanya ang mga sagot sa tanong na ilang araw ko ring pinoproblema.

"Sigurado ka bang dito ka lang?" tanong ko kay Vin, nang makita ko siyang dire-diretsong umupo sa isang mahabang upuan sa labas ng bahay.

"I have nothing to do inside so I'm fine here," mahinang sagot niya kaya't agad na lamang akong napatango at nagpakawala nang malawak na buntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Natanaw ko si Tita sa kusina habang nakatalikod sa akin. Kinuha niya ang isang basahan at agad na nilinisan ang lamesang may kaunting duming nakadikit.

I faked a cough to get her attention na hindi naman ako nabigo nang mabilis siyang lumingon sa gawi ko. Nanlaki ang kanyang mga mata at para bang hindi siya makapaniwalang nandito ako ngayon sa harapan niya.

"Fox!" hindi makapaniwalang sigaw niya sa pangalan ko at mabilis na nilapitan at hinawakan sa kamay. "Anong nangyari sa'yo?" mabilis ang pag galaw ng kanyang mga mata habang kinikilatis ang aking katawan. Napahinto sa pag galaw ang kanyang mga kamay nang makita ang mga sugat na natamo ko sa pagkakakulong.

"Saan mo nakuha itong mga 'to?" nag aalalang tanong niya sa'kin.

Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Parang kaunting galaw lang nito ay baka hindi ko mapigilang mailabas ang luha at hikbing kanina ko pa pinipigilan.

I miss her so much.

She slowly pulled me closer to a wooden chair and made me sit there. Her touch is so gentle that it looks like she's afraid that she'll hurt me at any moment because of the wounds on my wrist.

"Sinasaktan ka ba nila roon? Sinabi ko naman na sayo na huwag kang mag aaral doon-" agad kong pinutol ang kanyang sasabihin.

"Tita."

Tinignan niya ako gamit ang kanyang naluluhang mga mata.

"Tapatin niyo po ako," halos manuyo ang aking lalamunan sa sobrang kaba ng aking nararamdaman.  "Pareho po ba talagang nanggaling sa Ukennon sina Mommy at Daddy? Erebusian po ba talaga silang dalawa?"  marahan kong kinagat ang aking labi habang tinitignan si tita na ngayon ay nagulat sa naging tanong ko.

Nanginig siya, nagsimulang umiba ang kanyang ikinikilos na para bang takot siyang malaman ko ang isang sikretong matagal na niyang ibinaon sa limot. She slowly sat on the chair next to mine.

"Anak, ano ba naman iyang mga tanong mo-"

"Sabihin niyo na po sa akin ang totoo!" hindi ko na napigilan pa ang magalit dahil mukhang wala ata siyang planong sabihin sa akin ang kanyang mga nalalaman. "Please, maawa ka sa'kin tita," nanghihinang sabi ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala.

Pumikit nang mariin si tita bago siya tuluyang nagsalita. "H-Hindi."

Nalaglag ang panga ko sa naging sagot niya. Alam kong ito ang inaasahan kong magiging sagot niya ngunit hindi ko pa rin maiwasang magulat ngayong sinabi na niya sa akin mismo ang sagot nang harap-harapan.

"P-Paano..." naging blanko ang laman ng aking isipan. Ni isang salita wala akong mabuo dahil sa labis na gulat. "Paanong nangyari iyon? Hindi ba't ipinagbabawal noon ang makipagrelasyon sa hindi mo kauri?" It's what I have learned in SSI.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon