Chapter 26: Ninja

588 25 2
                                    

Vinisha's POV

"Holt," called a whisper behind me.

Wala akong makita maliban sa mga anino ng mga puno sa gitna ng kadiliman. Mahigpit ang hawak ko sa dalawang patalim na nasa magkabilang kamay. It's already midnight and I'm watching... surveying the whole ground of SSI.

I feel something wrong.

"Bakit hindi ka na bumalik sa headquarters?" mariin ang boses ni Ninja.

Nagtagis ang mga bagang ko, nagdidilim ang paningin. Hindi ko siya magawang lingunin sa napakaraming emosyong lumulukob sa isipan ko ngayon.

I never trusted anyone, not even Bela who's my childhood friend.

Simula nang makapasok ako sa grupong ito, alam kong wala akong kaibigan o karamay sa kahit sino sa kanila. Idiniin ng matandang baliw na iyon nang kausapin ako sa una at huling pagkakataon na magkakalaban kami sa loob ng isang grupo. Wala akong kakampi, wala akong dapat pagkatiwalaan, hindi dapat makuha ang loob ko ng kahit sino sa kanila, dahil sa huli, kung mamamatay ang taong kailangan naming patayin ay magpapatayan ang mga natira. Walang kawala ang kahit sino sa amin.

"Sagutin mo ako, Holt," he sounded impatient.

Lumabo ang paningin ko. I blinked the tear away. I can't be controlled by my emotions this time. Mapapatay ko rin siya sa huli.

Hindi pa sa ngayon pero hindi magtatagal.

"Leave my space as I still have my sanity, Ninja," it was almost a whisper.

"Hinahanap ka na ng matandang mangkukulam."

"She knows where to find me."

"Kailangan ka ng grupo, Holt... Patay na si Jack."

I froze.

Isang matinis na tunog ang umalingawngaw sa tenga ko. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa ilang sandali. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Jack na nagsasalita sa harapan ko. Flashes of memories played in my head at para akong mababaliw sa sakit na naramdaman.

It hurts more than I expected, I felt tortured.

"Leave," pumiyok ang boses ko.

"Holt."

"Leave! Umalis ka, Ninja o gusto mong magpatayan tayong dalawa ngayon?!" I shouted like I have never did before. Hindi ko nakilala ang boses na kumawala sa bibig ko. It sounded like a monster coming out from its disguise.

"Ano ba ang ikinagagalit mo sa akin?" he asked, confused.

I did not answer.

Instead, I stood up and pointed the sharp end of my dagger at him. Hindi ko makita ang mukha niya sa ilalim ng maskara ngunit naramdaman ko ang pagtataka niya sa ginawa ko. I can't be fooled by him anymore.

"What are you doing? Holt, ano ba ang nangyayari sa iyo? Simula nang mamatay si Jack ay hindi ka na tumapak sa headquarters. May kinalaman ba iyon para tignan mo ako ngayon na parang isang kalaban?"

"You've always been my enemy, Ninja!"

"What- What are you talking about?" naguguluhan niyang tanong.

"Don't lie to me anymore! Hindi mo na ako maloloko! Kaya pala marami nang nakapasok na ispiya sa eskwelahan ay dahil iyon sa iyo. Napakasama mo!"

"Holt..." he said softly.

Wala siyang idinugtong at nagpatuloy na tumitig sa akin. The dagger on my hand was trembling as I continued to point it at him. Gusto kong ibaon ito sa puso niya at sunugin siya hanggang sa maging abo.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon