Chapter 12: Left-handed

924 31 3
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

FOXXER'S POV

"Palagi ka na lang nawawalan ng malay. Baka sa susunod hindi ka na sa braso ko didiretso kundi sa libingan na."

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Bastos ng bibig nito. Gusto mo na ata akong patayin, eh," ani ko bago kinuha ang juice na binili niya at ininom. Nandito kami sa cafeteria ngayon. Ayaw kong tumambay sa room dahil hangga't maaari iniiwasan kong makita si Luna.

Napabuntong-hininga si Kid bago kinuha ang juice na hawak ko. 'Tsaka niya ako tinignan nang seryoso. Kita mo na? Umiinom ako rito tapos agad-agad niyang kukunin.

"Hindi naman sa ganoon. Binabalaan lang kita, Fox. Tandaan mo, hindi normal lahat ng mga taong nandito. May mahika at malalakas sila."

Tumango lang ako sa sinabi niya dahil nawalan ako ng ganang magsalita dahil sa ginawa niyang pagkuha ng juice na iniinom ko.

"Fox, hangga't hindi mo pa alam kung anong klaseng mahika ang mayroon ka, huwag ka na munang magpadalos-dalos. Umiwas ka muna sa gulo."

Mabilis ko siyang tinitigan bago binigyan ng isang matamis na ngiti. "Ikaw ah, mukhang nasobrahan na ata 'yang pagiging concern mo sa'kin. Halatang halata na," pang-aasar ko sa kaniya. Agad akong umiwas ng akma niya akong babatukan. Eto naman, hindi mabiro.

"Seryoso kasi ako sa sinasabi ko, Fox," kamot-ulo niyang sabi.

"Alam ko. 'Tsaka malay ko ba, 'yong gulo na mismo ang gustong lumapit sakin eh?" biro kong saad sa kaniya. Ngunit binigyan niya lang ako ng masamang tingin.

"Fox," pagtawag niya sa'kin.

"Hmm?" hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa pagbibilang ng fries na nasa lamesa. Ang bilis naman nabawasan 'tong fries ko.

"Curious lang ako, bakit kaya hindi pa lumalabas iyang mahika mo?"

Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa narinig. Kahit ako, hindi ko rin alam. Ni kahit nga lang maliit na senyales, wala talaga. Naguguluhan nga ako kasi wala namang sinabi sina mama at papa tungkol dito.

"Hindi ko rin alam. Siguro nga naligaw lang ako rito o hindi kaya, totoo iyong hinala ko."

Napakunot naman ang kaniyang noo. "Hinala na?" tutok na tutok pa siya. Halatang hinihintay ang susunod na sasabihin ko. Pinigilan kong hindi tumawa dahil sobra siyang seryoso kung makatitig sa'kin.

"Na baka nga..." tumigil ako sandali. "Katawan lang ang habol nila sa'kin kaya ako pinapasok dito." I laughed so hard nang makita ko ang nakapoker face niyang pagmumukha. "Eto naman, masyado ka kasing seryoso, lol," tumigil ako sa kakatawa nang maramdaman kong hindi nga siya natutuwa sa sinasabi ko.

Agad kaming napalingon sa labas ng cafeteria nang biglang may babaeng tumakbo papalapit dito. Kaklase ko 'to since pareho kami ng pin na suot tsaka familiar din ang pagmumukha niya hindi ko lang matandaan ang pangalan niya.

"Attention! Pumunta na kayo sa training center, ngayon din," anunsyo nito sa'min. Nagkatinginan muna kami ni Kid bago siya nagtanong doon sa babae.

"Bakit, Faye? Ano'ng meron?" taka nitong tanong sa babae.

Napahawak muna ito sa tuhod dahil mukhang hinihingal dahil sa pagtakbo. "Magkakaroon ngayon ng training," hingal nitong sabi.

"Ha? Bakit biglaan?" gulat na tanong noong isang lalaking kaklase namin na nakaupo sa kabilang mesa.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon