Chapter 62: Kingdom of Franco Santiago

1.7K 26 33
                                    

Third Person's POV

Isang linggo ang dumaan mula nang magsimula sila sa paglalakbay ay tuluyan na silang nakarating sa Blemore. Umabot nang ganoon katagal dahil patigil-tigil sila para sa iba pang misyon na kailangan nilang pagsikapan bago makuha.

Mainit silang tinanggap ng hari at reyna sa palasyo kung saan nandoon ang kanilang susunod na misyon. Tanghalian nang dumating sila kaya ay kaagad silang idinala sa malawak na silid hapag-kainan.

Tahimik silang sumusunod sa mag-asawa maliban kay Copper na nasa tabi ni Reyna Melanie. Si Magnus ay nasa tabi ng hari at tahimik na nag-uusap. Paminsan-minsan ay lumilingon ito kay Vinisha na walang emosyong nakatingin sa dinadaanan. Sumisilay ang ngiti sa mga labi nito bago umiwas ng tingin at patuloy na makikipag-usap sa ama.

"I haven't asked my son about your sudden appearance to the palace. Is there an event or something? Why are all the leaders here?" tanong ng reyna nang makaupo na silang lahat sa harap ng lamesa at nagsimulang kumain.

Tahimik ang lahat at tila walang balak na sumagot sa tanong nito. Ang tunog lang ng pagbabanggaan ng plato at kubyertos ang maririnig sa paligid.

"We're on a mission, mother-" naputol ang sasabihin ni Magnus nang may sumigaw mula sa labas ng silid.

"Mother, who's-"

"Tace, fili, non est tempus tuum!" sigaw ng hari.

Natahimik ang taong nasa labas. Napatigil ang lahat sa pagkain at nagkatinginan dahil una, parang galit ang hari at pangalawa, hindi nila naintindihan ang sinabi nito.

"Oh, enjoy your food," tawag atensyon ng reyna. "Mukhang gutom na gutom kayo. Kailan ba kayo nagsimula sa misyon?"

"Last week po, Tita," marahang sagot ni Copper. Napangiti ang reyna dito.

Hindi nakakapagtaka ang pagkagiliw ng reyna rito sapagkat maganda ang dalaga at pino kung gumalaw. Mula rin ito sa maharlikang pamilya dahilan ng pagiging sopistikado nito. Hindi man magkatulad ang kanilang mahika ay tanggap na rin naman ito ngayong panahon. Hindi magtatagal pagkatapos ng pagtatapos ni Magnus sa eskwela ay itutuloy na nila ang planong pagpapakasal sa dalawa.

Kanina pa nabubulunan si Vinisha pero hindi niya magawang kumuha ng tubig dahil nahihiya siyang mapansin ng mag-asawa. Tinitiis na lang niya ang sakit sa dibdib at marahan na humihinga.

"You need water?" narinig niyang bulong ni Magnus sa kaniyang kaliwa habang nakapikit siya at pinapakalma ang sarili.

She opened her eyes and nodded at him like a puppy in need of help. Mabilis nitong inabot ang mamahaling pitsel na nasa gitna ng lamesa at kinuha ang baso niya para salinan. Binigay nito kaagad sa kaniya kaya ay natapos na ang kaniyang problema nang makainom. She sighed in relief and turned to Magnus.

"Salamat."

He just moved his eyebrows up and down while giving her a deep stare. Umiwas siya ng tingin dito at dumapo sa kaniyang harapan. Nahuli niya ang titig ni Red at maloko itong ngumiti. Ngunit mahigpit nitong hawak ang kutsilyo at tinidor sa dalawang kamay na parang gustong manaksak.

"Bakit hindi ka rito umupo sa tabi ni Copper, anak?" saad ni Reyna Melanie.

Napatingin si Vinisha rito at kaagad na yumuko nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

"Maayos na ako rito, Ma."

Naghiwa ng karne si Vinisha para hindi masyadong mahalata ng mga kasama na hindi siya komportable. She was about to eat the slice of meat when the queen spoke again.

"Who are you?"

Dumapo ang tingin niya rito. Hindi niya inaasahan na siya ang kinausap ng reyna. Kaagad siyang umayos ng upo at humarap dito.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon