Chapter 17: Sea Of Fire

753 30 4
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

Vinisha's POV

Unti-unti kong inalis ang tubig at mga yelong nakapaligid sa buong field. Nakayuko ako sa damuhan habang natutulala sa kawalan. Gusto kong malaman kung sino ang lalaking iyon at ano ang sadya niya. Ngunit kahit anong pag-iisip ko ng mga sagot ay nahuhulog iyon sa pagiging banta sa buong Sierra. Naiisip kong siguro ay galing siya sa Balore at nagbigay lamang ng babala para sa nalalapit nilang pagsalakay.

Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinalikan sa tenga. Sa lakas ng kaniyang dalang banta sa buong eskwelahan kanina, hindi ko inasahang gagawa siya ng kabalbalan. Nakakapagtaka kung bakit ito tila nasisiyahan lang na makita ako at wala nang ibang sadya kung hindi iyon.

I heard the heavy footsteps at my left. "Ano'ng nangyari?"

Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko. I don't know what to answer because I also am wondering what happened. I also don't know why he doesn't want to let Magnus hear him saying those words. He acts as if he knows us very much. And why did he say he misses me?

Nabigla ako nang binuhat ako ni Magnus patayo. Napatingin ako sa nagtataka niyang mukha. Mabilis akong umiwas dahil ayaw ko talaga sa mga titig niyang tumatagos hanggang sa kaluluwa.

"Are you blushing?" puno ng pagtataka ang boses niya. "Ano'ng ginawa niya sa'yo? Bakit pulang pula iyang mukha mo?"

Inalis ko ang hawak niya sa mga balikat ko at pinagkunotan siya ng noo. Lumayo ako sa kaniya ng ilang hakbang at tumalikod. I'm not blushing for fuck's sake. I don't even know that word exists.

"Hey," I heard him walked to me and pulled me to face him. "Namumula ka dahil sa lalaking iyon? Ano, Vinisha? Nagkakagusto ka kaagad sa lalaking nagdala ng banta sa paaralan?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Mukha ba akong bobo, Magnus? What made you think like that?"

"Then why is your face so red? Even your ears, as if it will explode any moment from now."

"Tumigil ka nga sa mga sinasabi mo. Kung namumula man ang mukha ko, dahil iyon sa tindi ng tensyon kanina. Kasi mukhang hindi magdadalawang isip ang lalaking iyon na pasabugin ang buong eskwelahan kung naisipan niya."

Nanatili siyang matiim na nakatitig sa akin. Tila wala itong narinig at ayaw maniwala sa sinasabi ko. Pinilig niya ang ulo at hinagod ng tingin ang buong katawan ko. Nailang man ako sa ginawa niya ay nilabanan ko pa rin ang kaniyang tingin.

"Is it your first time to be kissed?"

Nabigla ako sa sinabi niya, "Paano mo nalaman?"

Agad siyang napaayos ng tayo na tila isang chess player na nahuli ang kalaban at na-check mate. Napapikit ako sa sobrang inis sa sarili. Masyado akong nabigla sa tanong niya at hindi na nakalusot. I don't want to tell him that it was my first time and it brought strange feelings to me. Masyado kasing nadistract ang utak ko sa mga titig niya.

"You blushed because he kissed you? I didn't know you are that naive, Perez."

I glared at him, "I'm not naive, Santiago."

"Innocent."

I snorted, "Stop this nonsense conversation and go check the-"

"Your type in a guy is someone who brings danger and kisses you without consent. I'll keep that in mind."

Masamang tingin na lang ang ipinukol ko sa kaniya at hindi na sumagot. Matigas din naman ang ulo nito, mas pakikinggan nito ang sarili kaysa sa katotohanan. Tinalikuran ko muli siya at maglalakad na sana palayo nang pigilan niya ako.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon