Third Person's POV
Nakarating na ang mga lalaki sa Barn at hinihintay na lamang nilang dumating ang mga babae. Ang Barn ay isang maliit na tuluyan na gawa sa bato. Nasa bungad ito ng mga bukirin. Maliwanag ang loob at labas nito. Nanatili silang lahat sa labas para masalubong kaagad ang mga babae kapag dumating.
Lumabas ang isang ginang na siyang may-ari ng Barn. Dala nito ang isang tray na may lamang mga tasa. Binigyan nito sila isa-isa ng mainit na tsokolate.
"Kay gabi na ay pumunta pa kayo rito. Bakit nga ba kayo narito?" tanong ng matanda.
"May misyon na naman po kami, Aling Nena," sagot ni Dark.
"Pinarusahan po kami-" napa-aray si Kiddy nang bigla siyang batukan ni Chris Silva.
"Aba'y walang puso naman iyong nagparusa sa inyo. Gabing-gabi na'y pinapalakbay kayo, kay lamig pa ng panahon."
"Naku, hindi po. Kami po ang may gustong lumakbay na ngayon. Ang sarap kaya ng panahon, medyo malamig," ngumisi si Chris sa matanda.
Kiddy side eyed Chris in disbelief. Baka nakakalimutan ng pinunong ito na halos maging yelo na ang kaniyang buong katawan patungo rito. Pinili na lang niyang manahimik at sumimsim sa mainit na tsokolate.
Dumating ang alas diyes at siyang pagdating rin ng grupo ni Driya. Handa na sanang bigyan ng mga binata ang mga ito ng kumot nang makita ang mga itong hindi nilalamig. They immediately concluded in their minds that the Energeians used their magics to keep them warm.
"Nasaan ang iba?" tanong ni Archie.
"Hinati kami ni Head. Kailangan naming mag-unahan sa pagtapos ng misyon," sagot ni Virgo at kinuha ang binigay na tsokolate ni Aling Nena.
"That's not what she said earlier."
"Yeah, that old cunt is so cunning," pagak na tumawa si Virgo.
Pansamantalang nabalot sila ng katahimikan. Tulala ang lahat habang nakatitig sa siga, nalulunod sa iniisip. Kapagkuwan ay tumayo si Driya para pumasok sa loob. Paglabas nito ay may dala nang makakapal na kumot na gawa sa balahibo ng bison.
"I'm getting tired. I have no plans to sacrifice myself just to keep everyone warm," binigyan nito isa-isa ang mga babae. "Kaawa-awa ang kabilang grupo. Matatalino nga'y wala naman silang apoy. Sa ganitong panahon ay ang mga Energeian ang kinakailangan."
Umangat ang tingin ni Red dito. "Bakit sumama si Luna? Hindi naman siya kasali rito."
Bagot na lumingon si Luna sa kaniya. "I need to keep an eye on my cousin. Pero marunong ang matandang iyon, ipinagkasya pa kaming anim sa iisang grupo. But it's okay, my bestfriends are here," nginitian nito sina Driya at Virgo.
Umikot ang mga mata ng dalawa.
"Four girls in the cold, they might die," tumawa si Driya na sinigundahan ni Virgo.
"Shut your mouth, Hidalgo, or I'll cut it," Magnus growled.
Natahimik ang dalaga. Umupo ito sa tabi ni Luna na ngayon ay malawak na ang ngisi. Parang hindi maganda ang lagay ng loob ng pinuno nila ngayon.
"Head is absolutely mad at Vinisha," ani Elli. "Ngayon ko lang nalaman ang nangyari at nasisiguro kong sinadya ni Head na hindi bigyan ng kasamang Energeian sina Vin."
"She's heartless," komento ni Dark.
"That lady is dead. Why would she have a heart?" ani Chris. Napatingin ang lahat dito.
Tumango si Magnus at sumandal. "Let's just wait for them. They're probably close."
•••
"Mommy," umiiyak si Copper nang panoorin ang mga kasama na nakikipag-away sa mga alcippe. Isa itong halimaw sa dilim na kayang pumatay gamit ang kanilang mga dila. Kapag dumampi ito sa katawan ng tao ay nagiging bato ito.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...