Chapter 45: Hagra

337 16 0
                                    

Foxxer's POV

"My gosh, why do you keep bothering me?!" maarteng umikot ang mga mata ng kaharap ko na si Luna De Guzman. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon ako para mainis siya sa akin palagi nang ganito.

"Ikaw ang nag-bother doon sa babae. Nabangga ka lang, kung ano-ano na ang sinasabi mo. Umalis tuloy," sagot ko sa kaniya.

"Pakealam mo ba? Kaibigan mo ba 'yon kaya ganiyan mo siya ipagtanggol?" she raised a brow.

Naku, naku, naku! Nauubusan na ako ng pasensya sa babaeng ito, a. Hindi ko talaga kayang isipin na pinsan ito ng parang bato na pinuno ng mga Hydorian. Napaka-taray nitong kaharap ko. Parang anak ng maharlika kung umakto.

"Kailangan bang kaibigan ko ang tao bago ko siya ipagtanggol sa masamang tao?" tinaasan ko rin siya ng kilay. Sinadya ko talagang mas mataas pa sa kaniya. Baka iniisip niyang matatalo niya ako rito.

"Masamang tao?" she puffed, offended. "You must not be oriented. That's not my role here, Imperial, it's that bitch's!"

"Hindi masamang tao iyong umiiwas sa pakikipag-away. Iyong tumatawag ng kung ano sa tao ang masama."

"My gosh, no wonder that rock almost killed you. Napakarami mong sinasabi, puro naman mali," ngumiwi siya.

Bigla ay bumalik sa aking isipan ang nangyari kanina. Naalala ko ang sadya kung bakit ako lumabas ng clinic ngayon.

I woke up in a white room. Masakit ang kaliwang braso at likod ko. Parang binugbog ako sa sakit. Napaungol ako nang pilit kong iginalaw ang katawan. Nakahiga ako sa kama at hindi ako komportable sa posisyon ko ngayon. Why am I lying so straight like a dead body?

"Good morning, Miss Imperial. How are you feeling?"

Nagtaka ako sa lalaking nakaputi na pumasok sa silid. Isinara niya ang pinto. Kinunotan ko ito ng noo at hindi sinagot. Sino ang akyat-bahay na ito?

"Seems like you're still shocked of what happened. Huwag kang mag-alala, hija. Hindi masyadong malaki ang pinsalang natamo mo. Anytime this day, pwede ka nang makalabas," he smiled.

Mas lalo akong nagtaka sa kaniyang sinabi. Anong pinsalang sinasabi niya? May nangyari ba sa akin kaya sumasakit itong katawan ko?

"Nakakapag-alala lang dahil hindi kayo parehas ng sitwasyon ng lalaking kasama mo sa classroom. He's greatly injured from the accident."

Ibinuka ko ang bibig para magsalita. "Ano ang nangyari?" My voice was raspy for unknown reason.

Gulat na nagtaas ng mga kilay ang may edad na lalaki. "Mukhang pansamantala mong nakalimutan ang nangyari. Kahapon ay nagkaroon ng problema sa paggawa ng barrier kaya nabuo ang isang bato na tumama sa classroom niyo. You were lucky for not being on the side where it hit the classroom."

What the hell?

Pumikit ako. Ano ang sinasabi niyang aksidente? Sino ang lalaking tinutukoy niya? Namatay ba ito?

Pilit kong inalala ang sinasabi niya. Nagsimula ako sa pagpasok ko sa klase. Nagkaroon kami ng training class na hindi ko pinasukan dahil inatake ako ng diarrhea. Kumain kasi ako ng panis na frenchfries, bili ni Kid. Pagkatapos ng training class, pumasok na naman ako sa sumunod na klase. Hanggang sa mag-lunch break. Inutusan ko si Kid na bumili at nag-away pa kami bago siya pumayag. Tapos habang kinokopya ko ang notes ni Kid ay may biglang sumulpot sa classroom. Si Blaze na kinukulit ako sa kung ano. Hanggang sa biglang may sumabog.

Napaupo ako nang maalala ang nangyari. Nasira ang classroom!

"Nasaan si Blaze?!"

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na siya nakita nang may sumabog habang nag-uusap kami. Ano ang nangyari sa kaniya?

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon