Chapter 39: Bela's Ship

420 14 0
                                    

Kiddy's POV

She rolled her eyes for the nth time tonight after I said those. Umupo siya sa upuang nasa gilid ng barkong nakalutang sa ere. Para itong barko ng mga pirata, may timon o manibela sa bahagyang mataas na bahagi nito sa likuran at may malalaking layag ito ngunit hindi gumagalaw. It's so different from the ships I rode back in the human world.

"Do you still like that bastard?" I asked, putting my hands inside my pockets. Medyo malamig dito dahil malakas ang ihip ng hangin.

"Akala ko ba masamang tawagin nang kung ano ang isang tao?" she crossed her legs and arms.

Umiwas ako ng tingin nang lumitaw ang mga binti niya dahil sa mahabang hiwa ng kaniyang pulang gown.

"Hindi tao ang hayop na 'yon. Tangang tanga ka talaga kapag may gusto ka pa rin sa kaniya."

"Hindi ako tanga ano! Baka hindi mo alam na ako ang pinakamatalino sa classroom namin, at saka, ayoko ng mga taong mapagkunwari at manggagamit! Ang pangit kaya ng lalaking iyon. Anong kaluluwa ba ang sumapi sa akin nang magustuhan ko siya?" she pouted, upset.

"Ayan kasi, hindi marunong pumili ng lalaki. Nandito naman ako," binulong ko ang huling salita.

"What did you say?" her forehead creased.

A smile crept into my mouth as I watched her annoyed face. Nababaliw na nga siguro ako dahil sa tuwing nakikita ko siyang nakatingin nang masama sa akin o iniikutan ako ng mata ay natutuwa ako. Parang kinikiliti nito ang buong pagkatao ko. It's so satisfying.

"Wala! Tumayo ka nga riyan! Tingnan mo itong nakita ko sa malayo," naglakad ako patungo sa gilid at tumingin sa malayong dako ng gubat.

Narinig ko ang kaniyang takong na papalapit sa akin. Itinuro ko ang bahagi kung saan may ilaw na parang galing sa isang lampara. Mahina lang ito at halos tuldok na lang sa paningin ko pero naaaninag ko dahil sa aking mahika.

"Saan?" Bela spoke beside me.

Nilingon ko siya. Nanliliit ang mga mata niya habang nakatingin sa itinuro ko. I gave her a bit of my magic by holding her wrist.

"Dragon!" nanlalaki ang mga mata nitong bumulalas. Napatingin ako roon at tama nga. "May dragon! Isang dragon sa tubig!" tumalon-talon ito.

Hindi ko masabi kung masaya ba siya o nababahala. She kept pointing at it like it will disappear if she stopped. Tumingin muli ako sa dragon. Nawala na ang ilaw na nakita ko kanina. Mabilis itong lumipad patungo sa Norte at nawala.

"Ngayon ka lang nakakita ng dragon?" baling ko kay Bela.

"Hindi pero minsan lang napapadpad sa lupa ang mga dragong katulad ng isang iyon. They live in the waters of Zisnora, mas madalang pa sa bilang ng pagbisita ko sa Trolia ang pag-ahon nila sa tubig," she explained.

"Mabuting senyales ba iyon o ano?"

If it's one of the dragons that rarely show themselves in land then that probably means an influential person is with it. Kasi paano nito mapapalabas sa tubig ang dragon kung wala itong kakayahang kontrolin ito? At saka, hindi lumagpas sa aking kaalaman na mas mahal pa sa buhay ng isang tao ang mga dragon. Baka bumisita lang ang may ari nun dito para sa event at kaagad ding umalis.

Hindi ko alam.

"I don't know. Wala akong tiwala sa ibang matataas na Hydorian maliban sa pamilya nina Red at Vin. Sabi ni Dad ay maskara lang ang kabaitan nila. But anyway, that's just my speculation, hindi naman siguro ganoon."

I nodded. "Yeah."

Binalot kami ng katahimikan. Gusto kong tanungin siya kung bakit niya ako dinala rito at bakit ngayong madilim na. Pero naisip ko ring baka ay sa bawat may pagkakataon siyang magdala ng tao rito ay sinusulit niya. Gusto niya lang sigurong ipagyabang ang lumulutang sa ere niyang barko.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon