[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]
FOXXER'S POV
Matapos akong pagsabihan ni pinunong Hydorian ay agad itong umalis. Agad na nalipat ang paningin ko sa lalaking nasa kaniyang likuran, nakatingin ito sa'kin nang seryoso bago tuluyang sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero agad akong namula sa tingin niyang iyon. Ang gwapo.
Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang agad na tinapos ni Mrs. Gonza ang training.
"Ms. Imperial, sa susunod na training, siguraduhin mong hindi na mauulit itong kahihiyang ginawa mo."
Napatungo na lang ako sa kaniyang sinabi. Nagsialisan na ang lahat ng mga kaklase ko maliban kay Kid na ngayon ay nasa tabi ko at nakapatong ang kamay nito sa aking balikat.
"Tara na?" anyaya niya sa'kin na siyang tinanguan ko at nagtungo na sa aming dormitoryo.
Nakasalubong pa namin ang pinunong Energeian na si Santiago sa gitna ng hallway. Kinausap niya ako sandali at nagbigay ng mga abiso at agad ring nagpaalam at umalis.
Mag-isa lang akong sumakay sa elevator at pumasok sa room ko. Nang makapasok ay mabilis akong humiga at bumuntong-hininga. Ngayon ko lang rin naramdaman ang pagod at panghihina ng aking balikat dahil sa biglaang pagbigay ng dumbbell sa'kin ng pinunong Hydorian kanina.
Pumasok ako sa banyo upang magpalit ng damit at maghilamos. Sakto pagkalabas ko ay siyang dinig ko sa katok na nanggagaling sa labas ng room ko.
"Sino 'yan?" pasigaw kong tanong habang sinusuklay ang buhok ko at lumapit sa pintuan.
"It's me, Kid," matapos kong marinig ang kanyang boses ay agad kong binuksan ang pinto. Mabilis siyang pumasok at dumiretso sa aking kama at humiga.
"Wow, feeling mo naman sa'yo 'tong room na 'to," sarkastiko kong sabi sa kanya. "Bakit palagi kang tumatambay rito? Bakit hindi ka roon sa room mo?" takang tanong ko sa kaniya.
"Ayaw ko roon. Sobrang boring. Dito nalang ako, mas masaya dito lalo na kapag nandiyan ka," Agad akong napangiti sa kaniyang sinabi. "Para asarin, lol."
Agad ko siyang binato ng suklay na agad niya rin namang nasalo. Inirapan ko siya bago ako lumapit sa kanya at tumabi.
Malapit nang dumilim, ang bilis talaga ng oras.
"Kid, may gagawin ba tayo bukas?" tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng may pagtataka.
"Huh? Wala naman, bakit?" pabalik niyang tanong sa'kin.
"Mabuti. May gagawin kasi ako bukas." Plano kong palabasin ang mahika na nakatago sa katawan ko. Nakakahiya naman kasi kung wala man lang akong gagawin lalo na't napahiya na ako kanina. Ayoko nang maulit iyon.
"Ano naman 'yon?"
Dami namang tanong nito, "Interviewer yarn?" biro ko sa kanya. Ngunit inirapan niya lang ako. Marunong palang umirap to?
"Basta, akin-akin lang to. Umalis ka na nga rito sa room ko," taboy ko sa kanya. "Hindi ako makakapag pahinga nang maayos kapag may kasama ako."
"Arte naman nito," rinig kong bulong niya.
"Ano'ng sabi mo?"
Ngunit imbes na sagutin ako ay ngumiti lang ito ng nakakaloko bago ito nagsimulang humakbang palabas ng room ko. Kumaway muna siya sa'kin bago siya biglaang nawala sa aking paningin.
Sana magtagumpay ako sa gagawin ko bukas.
NANG sumunod na araw, nagpunta ako sa likod nitong dorm namin. Meron kasing parang private space dito at nakita ko ito noong napagpasyahan kong mag ikot-ikot.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Misterio / SuspensoThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...