Chapter 1(Ang Simula)

5K 78 9
                                    


Malamig na ang hanging umiihip ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata. Bumubulong ang hangin sa akin. Naririnig ko rin ang lagaslas ng tubig.

Buhay ang pinakamagandang pinagkaloob sa atin ng Diyos. Bawat buhay ay may nakalaang oras. Nasa sa iyo na ito kung paano mo gagamitin. Sabi nga sa kantang "SEGUNDO", ang oras ay parang buhanging inipon... pag natapon, sayang.

Kay sarap mamuhay. Kung ako bibigyan ng another chance after death, tatanggapin kong mabuhay muli.

Iba't-iba ang takbo at istorya ng ating buhay. Minsan may happy ending, minsan may hindi. Kasi naman sa totoo lang tayo naman talaga ang kumokontrol sa mga buhay natin. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran. Tayo ang gumagawa ng ating bukas, ng hinaharap. Nasa sa atin kung paano tayo mamumuhay, kung anong mangyayari sa atin. Nasa sa atin rin kung pipiliin nating maging masaya at laging naka ngiti o maging malungkot.

It's our choice. And we should choose to be happy.

May mga taong pinagkalooban ng mahabang oras, ang iba naman maiksi lang, at ang karamihan ay sila rin mismo ang gumagawa ng paraan para paiksiin ang mga buhay nila. Hindi nila alam, sila rin pala ang dahilan kung bakit nagkakaganoon. Hindi kasi nila alam ang kahalagahan ng buhay.

Sa mga oras na binigay sa iyo, ano na ba ang nagawa mo? Isipin mo mula nang ipanganak ka, ilang oras na ang sinayang mo sa paglalaro, sa paglalakad?

Ilang oras ang lumipas sa paglalaba mo? sa pagkanta, sa panonood ng sine?

Ilan na ang ginugol mong oras sa pananahimik, sa pagtunganga, sa pag-akyat?

Ilang oras ang nasayang sa kakatulog mo, sa kakaiyak mo?

Ilang oras na ang ginamit mo sa pagtetext, pagtawag sa kahit na sino?

At ilang oras na ang nasayang sa kakahintay mo sa wala, sa panhihinayang sa mga bagay na hindi mo pa nagagawa?

Baka kasi magising ka na lang isang umaga, huling gising mo na pala...

Sa mundo kasi walang permanente, lahat may hangganan, may katapusan. Sabi nga nila ang tanging permanent sa mundong ito ay yung salitang "CHANGE".

Laging may nagbabago kahit na minsan ay hindi langnm natin napapansin. Kahit pamilya, kaibigan, o kahit sarili mo. Yun nga lang karamihan, hindi natin napapansin. Mas nakikita pa ng ibang tao yung mga pagbabagong di natin inakalang magagawa natin.

"Time is Gold, so don't waste it". Katagang simple, pero malalim ang kahulugan kung iisipin.Wag sana nating aksayahin ang mga oras na walang kabuluhang bagay. Sana ay magamit natin ang oras sa mga bagay na makakatulong sa atin. Wag na nating intindihin ang mga walang kabuluhan dahil sabi nga sa kantang Segundo, mainipin ang oras at hindi marunong maghintay, laging nagmamadali.

Kung palalampasin natin ang mga pagkakataong dadaan, baka wala nang SECOND CHANCES...

Dapat alam natin kung ano ang tinatawag na "oppurnity". Sabi mga, "it only knocks only once..."

Kasi nga Y.O.L.O. (You only live once). Dapat wala tayong sayangin para sa huli ay hindu tayo magsisisi. Ang hirap kayang magsisisi, kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi na talaga babalik ang lumipas na. Ang tanging maiiwan na lang sa atin eh yung mga alaala ngmga mahal natin sa buhay. At wala tayong magagawa kundi sariwain nalang ang mga ito.

Kanya-kanya tayong landas na tinatahak. Ang iba'y masaya at ang iba ay kabaliktaran. Kanya-kanya tayong kapalaran base sa landas na napili nating tahakin. Sana nga lang ang oras na ginugol sa pagtahak sa daang ating napili ay hindi masayang, nang hindi tayo manghinayang...

Ikaw, alam mo ba kung ilang oras nalang natitira sa iyo????

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon