Chapter 3(Walk Out)

1.6K 27 2
                                    

"Hello ate... napatawag ka?? asan na ba kayo??" biglang tumawag si Dana kay Prim.

"Yun na nga eh, we can't pick up you now kasi may biglang lakad" sabi ni Dana.

"Ahh, ganon ba... sige tatawagan ko na lang yung driver natin" sagot niya at bigla siyang ginulat siya ni Theo.

"Ahh bud'... ako na ang maghahatid sa iyo" sabi nito.

"Ahh... hindi kasi pinatawagan ko na si mang..."

"Ano ka ba, ngayon ka pa ba mahihiya... eh sa tagal ba nating magkasama na, mula pa nung bata... mga 367 na beses tayong magkasamang umuwi.. "

Natawa si Prim.

"Seryoso ka talaga?? Bilang mo kung ilang beses??"

"Hindi naman, gusto lang kitang patawanin...Mukhang nakasimangot ka nanaman"

"Paano ba naman... as usual na dahilan... hindi na naman natupad yung promise ni ate..."

"Dahil ba nanaman ba kay Christian?? "

"Ano pa nga ba… mas lalala pa nga siguro ngayon... ngayon pang sila na..."

"At na-iingit ka??"

"Ako?? Ma-iingit?? Excuse me... hindi ko kailangan ng mga ganyan... sakit sa ulo lang yung mga ganyan..."

"Hindi naman lahat..."

"At saka, sino ba naman yung maloloko ko... sa itsura kong ito..."

"Uy!! Maganda ka naman ah... yun nga lang tomboy"

"Eh di sinabi mo rin..."

"Halika na nga, uwi na tayo, kung anu-ano nang sinasabi mo... nalilipasan kana siguro ng gutom"

Gabi,

"Hello mom... si ate andito na" sabi niya habang nagmamano sa mommy niya.

"Lumabas siya kanina lang, may lakad daw..."

"Pinayagan nyo??"

"Why not, may tiwala naman ako sa kanya besides na tamang eded nanaman ang ate mo."

"Akyat na po ako..."

Inis niyang inilagay ang bag niya.

"O, mukhang may namumuong LPA yata sa house na ito..."

"Alam mo dalawa lang yan eh letter a, may tampo ka nanaman sa ate mo, or b, na bully ka nanaman ng Irish na yun"

"Wala po sa dalawa..."

"Wala, baka naman kasi parehong problema...halika nga dito..."

Lumapit naman siya.

"Maganda ka naman ha... " tinanggal ng tita Winwyn niya ang kanyang sumbrerong panlalake.

"Sino bang nagsabi tita??"

"Eh di ako, kakasabi ko lang ha??"

"Tita naman eh..."

"Pinapatawa lang kita" niyakap niya ang pamangkin.

Kinabukasan,

"Pasa Prim..." sigaw ni Theo sabay sinalo ang bola. Agad niya itong na-shoot. Panalo sila sa pustahan.

"Pano ba yan... better luck next time..." saad ni Prim.

"Lagi naman next time eh... laging nanalo kayo..." sabi ng player ng kalaban nila.

"Pano, inspired... lalo na yang si Theo... may Irish na, may Prim pa..." sabi ng katabi nito.

"Ano ba kayo, itigil nyo nga yan... wala sa dalawa Ok..."

"Sabi mo eh.."

Biglang dumating si Irish.

"Hi Theo..."

"Hello... anong kailangan mo??"

"Gusto kong sabihin sayo na may gusto ..."

"Sino??"

"Ahh... ako" muntik na nyang sabihin na si Prim.

"Alam mo sorry pero wala talaga akong gusto sa iyo Irish..."

"Irish, para magustuhan ka ni Theo... catch" ipinasa ni Prim ang bola kay Irish dahilan para magulat ito at matumba.

"Are you sick!!!?? You ruined my dress...Hindi pa ako tapos sayo" galit na sabi ni Irish sabay walk out.

Napa-apir sina Theo at Prim.

"Salamat ha??"

"Your welcome Bud' "sabi ni Prim.

Tumawa ang lahat.

____________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading guys...

Please comment, vote, or follow me..

Salamat ng sobra :) :)

Hanggang susunod.

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon