Chapter 21(Flames)

521 8 0
                                    

Kinagabihan ay nagcamping sila sa may beach.

"Jazz...hinahanap ka nong kaibigan mo sa labas... " sabi ng lola Ysabel niya.

"Sige ho...puntahan ko na.."sagot ni Jazz.

Samantala, panay naman ang sulat ni Prim sa isang papel na hawak niya. May pangiti-ngiti pa ito habang todo sa pagsusulat. Maya-maya pa at may binibilang na siya. Mukhang seryoso siya at parang patago niya itong ginagawa.

Habang nag-iihaw si Lean ng isda, napansin niya si Prim na may sinusulat habang nakaupo sa kahoy sa ilalim ng puno.

Lumalamig na ang hangin. Nagsimula nang tumayo si Lean.

"Ano yan??" Nang lumapit si Lean ay itinapon ito Prim sa kanyang likuran. Mahangin kaya ito nilipad.

Mag-uunahan sana sila na kunin iyon nang tawagin si Prim ng lolo Severino niya.

Napulot naman ito ni Theo bago dumating si Lean. Lumipad ito sa harapan niya.

Agad niyang binasa ito. May nag FLAMES sa pangalan nila Lean at Prim. At Marriage pa ang kinalabasan.

"Theo... ano yan??" tanong ni Lean.

"Ahh... wala... listahan lang ng mga paboritong ulam nu Prim..." palusot nito.

"Pwedeng patingin??" saad ni Lean.

Biglang lumapit si Prim at hinatak si Lean paalis.

"Mamaya ha?? Ibalik mo sakin yan??" bulong ni Prim kay Theo bago umalis.

Ilang sandali pa pagkatapos makaalis ng dalawa ay kumuha ng ballpen si Theo at sinubukan naman ang pangalan nila ni Prim.

Pero sandali pa at tila nadismaya siya sa naging resulta. Tumapat sa ito letter E. Agad niya itiong kinusot. Napaisip siya pagkatapos. Pero tila nagbago ang isip niya na sunugin ito.

Sa halip ay itinago niya ito sa isang nat sci na libro.

Inulit pa niya ito sa ibang papel. Pero mas na-disappoint uli siya nang ganoon pa rin ang lumabas.

Kinuha niya ang isang picture sa bag niya.

Picture ito ni Prim.

"Wag mo nga akong titigan nang ganyan bud'..." sabi niya, kausap niya yung picture.

Nakatulog na siya pagkatapos.

Sa kalagitnaan ng gabi nagising siya dahil sa tatlong katok.

Halos tulog pa siya na bumangon at binuksan ang pinto. Ang totoo ay nanaginip siya.

"Ikaw pala bud' "sabi niya.

"Gusto lang kitang makita. Gusto kong titigan yang mukha mo..."

"Sinabi nang wag mo akong tititigan sa ganitong kalapit... naiilang ako... "

"Bakit ba?? magkaibigan naman tayo diba??" saad ni Prim.

"Higit lang sa kaibigan ang turing ko sayo... mahal kita bud'..." saad niya.

"Talaga?? Mahal mo ako??"

_________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Umamin na nga ba talaga si Theo kay Prim?? Ano kayang magiging reaksyon ng campus sweetheart??

Abangan sa next chapters... :) :)

Salamat sa pagbasa guys...

Feel free to comment and vote...

Hanggang sa muli!! :)

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon