Matapos ang kanilang klase, nagpunta sina Prim at Lean sa isang botanical garden na pagmamay-ari nina Lean.
Malapit lang naman ito kaya sumama na si Prim.
Binati sila ng katiwala doon na si Mang Fermin at mga anak nitong si Jasmine at Violet.
Binigyan siya nito ng mga roses.
"Salamat ho..." saad niya habang nakangiti sa mga ito.
Tignan mo naman o pati mga pangalan nila, mga bulaklak talaga?!
Sinamahan siya ni Lean sa mga alaga nilang mga roses.
Ang ganda naman rito Lean... napapagiliran ako ng mga kauri ko!! Hehe...
Pabirong sinabi ni Prim habang nalatingin sa kanya si Lean.
"Gusto mo kuha kita ng isa??" sabi ni Lean.
"Naku, baka matinik ka lang..." sabi ni Prim.
"Kahit na no, alam mo bang ganyan minsan ang pag-ibig?? Kailangan mo munang masaktan bago mo makuha yung tunay na pagmamahal..." saad ni Lean.
"Wow... hugot kung hugot ang peg natin ha?!! Akala ko pang-trivia ka lang eh..." saad ni Prim habang kumuha na ng isa si Lean.
Ilang sandali pa at biglang natinik si Lean. Agad naman siyang inalalayan ni Prim nang makakita ito ng dugo.
"Ok ka lang ba?? Sabi ko na kasi sayo eh na wag na..." sabi ni Prim. Titig naman sa kanya si Lean.
"Malayo naman sa bituka yan... wag kang mag-alala... sorry nga pala ha..." saad ni Prim.
"Para saan??" sabi ni Lean habang nakatitig kay Prim.
"Kasi kung hindi sakin, di ka naman matitinik..." sabi ni Prim.
"Ano ka ba?? Ayos lang naman ako... at saka gusto kong patunayan sayo na lahat gagawin ko para sayo..." sabi ni Lean.
"Talaga?? Lahat??" sabi ni Prim na nag-iisip. Sa ekpresyon ng kanyang mukha, may plinaplano itong baka hindi magustuhan ni Prim.
"Teka, ano nga bang gusto mo??" sagot ni Lean.
"Let me think...matagal na kasi akong hindi nakakakita ng clown eh..." sabi ni Prim.
"Teka, teka... ang ibig mo bang sabihin eh..." sabi ni Lean.
"Yup... at hindi lang yan ha..."
"Meron pa??"
"Actually, mayroon akong limang bagay na gustong gawin kasama..." sabi ni Prim.
"Kasama?? sino??" sagot ni Lean.
"Secret..." sabi ni Prim.
"Sino ba yun?? Sabihin mo na nga..." saad ni Lean.
"For one condition..." sabi ni Prim.
"Sige. Ano yun??" sagot ni Lean.
"Leander, gusto ko samahan mo ko sa mga bagay na gusto kong gawin... at promise mo sakin na kung sakali mang hindi maging tayo..." sabi ni Prim.
"Ano??" Sabi ni Lean agad.
"Wag na wag mong gagawin sa magiging girlfriend mo ang mga yun kundi lagot ka sakin..." saad ni Prim sabay kinurot niya si Lean sa pisngi
"Yes my princess... pero bakit mo namang nasabing kung hindi magiging tayo?? Wala ba talaga akong pag-asa sayo??" saad ni Lean.
"Ewan..."
"Ganito na lang, kapag magawa ko tong trick na to, may pag-asa ako sayo..."
"Eh pano kung hindi??"
"Eh di wala na..."saad ni Lean sabay kinuha na ang skateboard at nagpakitang gilas sa pagtalon sa mga hagdang bato.
"Mag-ingat ka ha??"
"Don't worry... kaya ko to..." saad ni Lean sabay nagthumbs up pa kay Prim.
"O, mag-ingat ka sa bandang yan..."
Maya-maya pa at biglang na-out of balance si Lean.
Agad na sumaklolo si Prim.
"Lean, ayos ka lang?? Magsalita ka naman o... may masakit ba sayo??" saad ni Prim sabay pilit na ginigising si Lean.
"Naku ha, wag mo akong bibiruin ng ganyan... tumayo kana nga dyan..." sabi ni Prim sabay tumayo na at tumalikod.
Paglingon ni Prim, wala na si Lean.
"Lean?? Lean??" nataranta bigla si Prim.
Biglang may nagtakip sa mga mata niya.
Agad naman siyang nakawala.
"O, eto na yung rose mo... wala ng tinik yan..."
"Ikaw talaga... kinabahan na ako roon ha??"
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Magiging sila na ba?? O may hahadlang pa sa kanila??
Salamat sa pagbasa :) :)
Paki-vote po at comment... :)
Hanggang sa muli :) Salamat...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..