Chapter 10(New Superhero)

729 13 3
                                    

"I'm so excited talaga for you my queen... kasi nakikita ko na ang pagturn-over ng crown to you..." saad ni Venice.

"Totoo yan... wala nang makakapigil pa sakin..." sabi ni Irish.

"Everyone will bow at you queen..." saad ni Anikka.

"But wait, what about Prim... is she going to join the pageant??" saad ni Venice.

"Venice, wag kangang boba... Prim is not counted as one of the candidates... imposible namang maging babae yun..." sagot ni Irish na tumataas uli ang mga kilay.

"Speaking of Prim, I think we have a problem queen..." sabi ni Anikka nang mapansin ang bagong Primrose na pumipirma sa registration.

"What??" nagulat si Irish sa nakita niya.

"So, what we gonna do now??" sabi ni Anikka.

"Follow me..."

Nilapitan si Prim ng mga mean.

"Akala ko ba pageant to?? Bakit may mga hindi babae dito??"

"Pwede ba Irish... tigilan mo ako OK..."

Aalis na sana si Prim nang patirin siya ni Irish. Pero nakita niya ito kaya bigla nya itong tipakan. Agad namang sinabunutan ni Irish si Prim bilang ganti.

Pero biglang may umawat.

"Tama na... itigil nyo yan!!"

"At sino ka naman para awatin kami ha??"

Hindi makapaniwala si Prim na muli niyang makikita ang lalaki kahapon. Sobra siyang natulala sa katititig rito.

"Bago ka??" saad ni Venice.

"Bakit??"

"Para malaman mo na sa university na ito, siya ang queen rito...at simula ngayon, dapat igalang mo siya..."

"Paano ko igagalang ang katulad niya, eh kahit nga siya di gumagalang sa iba..."

"Antipatiko to ha!!!" saad ni Venice.

"Let's go girls... may klase pa tayo... don't waste our time sa mga exotic kinds of animals..."saad ni Anikka.

"Prim... sa susunod magdala ka ng panyo ha?? Nang di tumulo yang laway mo..." tumawa pa habang paalis sina Irish.

Nahuli naman ng lalaki na tumutulo nga ang laway nito nang mapalingon na ito.

"Miss... OK ka lang??"

Mabilis namang pinunasan ni Prim ang laway niya.

"O sige miss... mauna na ko... may klase pa ako eh..."

"Naku Lord, siya na ba ang destiny ko?? Dalawang beses na niya akong nililigtas... isa na lang talaga, at hindi ko na kakayain to…" sabi sa isip ni Prim.

Kitang-kita ito ni Theo. Mula sa paglapit nina Irish hanggang sa pagdating ng lalaki para tulungan si Prim.

Siniko siya ni Christian na may dalang hotdog.

"Hoy, gusto mo??"

Walang kibo si Theo.

"Ano bang gusto mo?? Bibilhin ko??" sabi ni Christian.

"Sigurado ka??" Saad ni Theo pero nakatutula ito kay Prim.

Pansin ito ni Christian.

"Naku, sorry pare... not for sale yung gusto mo..."

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys!!

Anong masasabi nyo sa bagong superhero ni Prim?? Sino nga ba ang mas bagay kay Prim,si Theo o ang bagong superhero niya??

Feel free to comment, vote.... :) :) :)

Until next chapters...

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon