Isang ordinaryong huwebes ang dumaan matapos ang isinagawang birthday party ni Prim.
Gabi na ng Biyernes at ito na ang pinakhihintay nina Prim, ang pageant.
"Ahh... Prim, mauna na kayo ni Lean..." saad ni Dana habang inaayusan ni Tita Winwyn.
"Aba'y oo nga Prim... mauna nalang kayo at aayusin ko pa ito"sabi ni Tita Winwyn.
"O sige ate..." saad ni Prim.
"Ahh... yung kotse nalang natin ang dalhin mo..." saad ni Dana.
"Ok kalang ate??"
"Sige na... yun nalang ang gamitin nyo" saad ni Dana saka umalis na sina Prim at si Lean.
"Dapat lang maging maganda ka ngayong gabi Dana..." saad ni Tita Winwyn habang nilalagyan ng make-up sa mukha si Dana.
"Kinakabahan ako para kay Prim... alam mo namang hindi siya sanay sa mga ganito tita" saad ni Dana.
"Don't worry Ms. St. Jude University 2013, tandaan mo... ibang Prim na ngayon ang kapatid mo..." sabi ni Tita Winwyn.
Ilang saglit pa at dumating na si Jazz.
"O, Dana... nadito ka pa pala..." saad nito.
"Ahh... pinauna ko na sina Prim, yung sasakyan na natin yung pinagamit ko..." saad ni Dana.
"What??!!!" gulat si Jazz sa mga nadinig. Nablanko ang mukha niya bigla.
Samantala habang nasa daan,
"Lean, kinakabahan ako..." saad ni Prim.
Hinawakan ni Lean ang kamay ni Prim.
"Wag kang kabahan... nandito lang ako..." saad ni Lean na napangiti nang biglang huminto ang sasakyan kaya napa-lean forward silang pareho.
"Manong... ano hong nangyari??" saad ni Prim.
"Bigla hong huminto ang kotse..." saad ng driver nila.
"Mukhang nasiraan tayo..." dugtong pa nito.
"Paano yung pageant??" saad ni Prim.
"Parang hindi ho to maayos ngayon..."
Walang dumadaan sa kalyeng dinaanan nila. Kahit Taxi wala rin.
Pero ang totoo, eh plano ito ni Jazz. Balak nyang hindi makaattend ng coronation night si Dana bilang ganti.
Isang oras ang nakalipas at hindi pa rin naayos ang sasakyan, kimausap na ni Lean si Prim.
"Ayos ka lang??" Saad ni Lean.
"Ilang sandali na lang at magsisimula na ang pageant..." sabi ni Prim.
"Ahh... ganito na lang para hindi ka malungkot, bumaba ka nalang muna dyan..."
"Ha?? anong gagawin ko??"
"Eh di ba may sayaw kayo... eh di simulan na natin... iba nga lang..."
"Ikaw talaga!! palabiro ka..." sagot ni Prim kaya napangiti si Lean.
"But seriously...can I take you for a dance??" sagot naman ni Lean at iniabot ang kamay at lumuhod pa.
"Hoy Lean, ano ka ba?? Tumayo ka nga dyan..."
"No... no... I will not unless you will say yes..." saad ni Lean.
"Sige na nga..." at hinawakan niya ang kamay ni Lean.
Humawak siya sa balikat ni Lean at ito naman sa tadyang niya at nag-umpisa na silang gumalaw. Naramdaman nanaman nila ang kuryenteng biglang dumaloy sa katawan nila noong unang beses silang nagkita.
Panay ang ngiti ni Prim. Bagaman may kadiliman, maraming mga bituin ngayon sa langit. Sabay-sabay halos ang kanilang pagkinang. Ilang sandali pa at eksaktong napatingala silang dalawa nang may dumaang shooting star na naging dahilan ng kanilang pagtawa.
Mukhang nag-eenjoy na sila nang mapaubo ang driver kaya nila nilingon ito.
"Manong, akala ko ba mamaya pa yan??"
"Sayang naman ho yung crown... ang ganda nyo ho ngayon... sayang kung sa iba mapupunta yun..."
"May point sya??" sabi ni Lean sabay napangiti nanaman.
"Ayos na po... sakay na ho kayo..." saad ng driver nila.
Talaga tong si Manong o!! Wrong Timing!! Kung kailan pa exciting yung nangyayari saka eepal... tsk... tsk...
-sabi sa isip ni Prim.
__________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Plano pala yun ni Jazz!! Buti nalang naayos agad ni Manong yung sasakyan... pero sabi pa nga ni Prim, sayang yung chance... :) :)
Ano naman kayang mangyayari sa pageant?? Abangan!
Salamat sa pagbasa guys...
Feel free to comment and vote... :) :)
salamat uli... hanggang sa susunod na chapters...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..