Tirik na tirik na ang araw. Biglang tumunog ang alarm clock. Pagod na pinatigil ito ni Prim.
"Ma'am.. gising na.." sabi ng yaya nila na panay na ang linis.
"I'm still want to sleep yaya..." sabi niya na halatang puyat.
"Eh baka ma late ho kayo, eh ang ate Dana niyo kanina pa nasa baba..."
Tila nataranta si Prim sa mga nadinig. Mabilis siyang napabangon sa higaan at napatingin sa alarm clock. Late na nga siya.
Madali siyang naligo at nag-ayos. Para siyang hinahabol ng dinosaur sa bilis nyang babain ang hagdan. Pero bahagya siyang napatigil ng makitang may kasamang lalaki ang ate Dana niya.
"Mommy, daddy... I like you to meet Christian, my boyfriend"
"Kailan pa??" nagulat ang mommy nila.
"Kahapon lang po. Pag-uwi ko po eh wala kayo so hindi ko nasabi agad sa inyo ni daddy." sagot ni Dana.
"O, ito na pala ang prinsepe natin eh.." sabi ng daddy Oliver niya.
"Hmm!!!" parinig ng mommy nila.
"Eh sige, prinsesa..."
Lumaki kasi Prim sa daddy Oliver. Naghiwalay ang mga magulang nila noon kaya naman, ibang babae ang nagpalaki sa kanya. Samantala, ang ate naman niyang si Dynnah o "Dana" ay pinalaki ng mommy nila. Ngayong nagkabalikan uli ang dalawa, isa na silang one big happy family.
Hindi naman inaasahan ng daddy niya na lalaki siyang boyish. Lumalabas ng bahay para magbasketball, pati sa tv basketball pa rin ang pinapanood.
"Mommy naman eh..." reklamo ni Prim.
"Aba'y hindi ako papayag na ganyan..."
"Ah sige mommy, daddy... papasok na ho kami nila Prim..." sabi ni Dana.
"Mga pamangkins, wis lafang today??" tanong ng tito winston nila(este tita winwyn pala). Kapatid ito ng daddy nila.
"Hotdog nalang po" sabi ni Prim sabay dampot ng isa at kumagat ng konti.
"Primrose Faith... kung kumagat parang global crisis tayo ngayon"
"Ay naku tita, tama na ang sermon at baka ganyan rin ang abutan namin sa school" sabi ni Dana.
"Taray ng Ms. St. Jude University 2013...ikaw na!"sagot ng tita niya.
"O sige po bye..."
"Ingat..."
Napapansin ni Dana na tulala si Prim.
"My dear sister, ano nanaman ba yang ine-emote mo dyan ha?"
"Wala... iniisip ko lang kung anong oras na..."
"Ahh manong... pwede paki bilisan pa ho yung pagmamaneho" utos ni Christian.
"Sige po..." sagot nito.
Ang totoo, iniisip niya ang pagkakaroon ng boyfriend ng kanyang ate. Minsan kasi "competitor" ang tingin niya sa ate niya.
Halos sabay-sabay silang bumaba ng kotse pagdating nila sa university.
"O, Prim hintayin ka namin mamaya..." sabi ng ate niya.
"Sige ate, text nalang kita.."
"Bye...una na ko.."
Sabay na pumasok ang ate niya at boyfriend nito. Maya-maya pa'y dumating si Theo,ang matalik na bestfriend niya. Super close sila mula pa noong bata. Medyo gwapo ito at matangkad. Maykaya ang mga magulang nito pero hindi naman sobrang mayaman.
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..