"Yaya, si Jazz??" saad ni Dana.
"Ah... wala, mukhang nagshopping..." sabi ng yaya nila.
"Ah... sige ho..." pumasok na si Dana sa dati niyang kwarto na kwarto na ngayon ni Jazz.
Bigla siyang natigilan sa nakita. Iba na ang wallpaper ng kwarto.
Paglabas niya ng kwarto, naroon pa rin ang yaya kaya agad niya itong kinausap.
"Sino ho ang nagpalit ng wallpaper dun sa kwarto ni Jazz??" saad ni Dana.
"Ay, hindi ko ho alam, basta nakita ko ho si Merlyn kanina may mga dalang papel... mukhang susunugin yata..." saad ng yaya nila.
Eksakto namang paparating si Dana nang magtanong sina Tita Winwyn at Prim kay Yaya Merlyn kung ano ang mga sinusunog nito.
"Yaya Merlyn... ano ho yang sinusunog nyo??" pagmamadaling pinuntahan ni Dana ang yaya.
"Ahh... pinapalitan ho ni Jazz yung wallpaper ng kwarto n-yo... kwarto nya..."
"Eh yung mga nakadikit sa wallpaper?? asan?? saan mo nilagay??" sabi ni Dana.
"Kasi ho... kasabay hong pinasunog ni Jazz sa kin... sabi ho nya magsusumbong ho sya kina sir kung hindi ko siya susundin" sagot nito.
Nagulat sina Prim at Tita Winwyn.
Parang tanke ng gas si Dana na pasabog dahil sa galit na nararamdaman nya ngayon.
Biglang nagwalk-out si Dana.
"Ano ba kasi yung mga papel na yun??" tanong ni Tita Winwyn.
"Wala lang naman yun tita... mga love letters lang naman yun..." saad ni Prim ng madiin.
Kalahating oras ang lumipas at dumating na si Jazz galing mall. Malaki pa ang tawa nito. Pagpasok nito, napansin nitong nakalinya sina Prim at tita Winwyn.
Pamangkin kita, pero kung may sungay naman,kumakalbo rin ako ng kadugo ko??!! -sabi sa isip ni Tita Winwyn.
Nagulat naman ako sayo, akala ko kasama ka nang nasunog nung mga papel!! Ugali mo kasi sunog na sunog... tusta na tusta!! Nangingitim na!! -sabi rin sa isip ni Prim.
"Hello guys... Anong meron??" saad ni Jazz na parang walang idea sa nangyayari.
"Ah... ano nga yun??" sabi ni Prim.
"Si Dana?? May binili kasi ako sa kanya??" saad ni Jazz.
"Ahh... wala siya ngayon... nandoon kasama ni Christian... kanina pa nga sila eh..." saad ni Prim ng may diin.
"Sayo nalang o..." sabi ni Jazz sabay iniabot ang isang paper bag.
"Ay, naku Jazz... may ganyan na ako eh... blue nga lang..." sabi ni Prim na halatang nang-aasar.
"Ay, kung ayaw nya, akin na lang..." kinuha ni Tita Winwyn ang paper bag at nagtaray pa paakyat si Jazz.
"Ito talagang babaeng to, hindi ko alam kung pamangkin ko ba talaga yun... maganda nga... talo pa si Gladys Reyes sa tarayan..."
"Akala ko nga tita, si Irish na ang pinakamasamang tao... may pumapantay pa pala sa kamaldithan..." sabi ni Prim.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Isang araw nanaman ng kamalditahan mula kay Jazz!! :) :)
Salamat sa pagbasa nito...
Please comment and vote guys... :) :)
Salamat talaga guys...
Hanggang sa muli !!
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..