Chapter 16(Boy friend Or Boyfriend)

723 8 0
                                    


"Surprise... breakfast in bed..." sabi ni Prim sabay inilapag ang tray.

"Hay naku Prim... ano bang nakain mo ngayon ha..." sabi ng mommy niya.

Dala-dala ang gatas, pumasok rin si Dana sa kwarto ng mommt nila.

"Heto na yung gatas o..."

"Para naman akong bata nito..." saad ng mommy nila.

"Naku mommy, dapat sa panahon ngayon eh sulitin na natin yung oras..." saad ni Prim at biglang tumahimik.

Binasag naman agad ito ni Dana.

"Mommy... kailangang ubusin mo ito..."

"Lahat-lahat yan?? Di naman kaya maimpatso ako nyan..."

"Mommy, tama na ang kakareklamo... ok??"

"Oo na... pero may klase pa kayo ha?? Aabsent nanaman kayo??"

"Kung pwede nga lang eh..." bulong ni Prim.

"Aba'y hindi pwede yan mga anak..." sabi ng Mommy Almira nila.

"Nadinig nyo ho yun??" nagtaka si Prim. Halos pinakamahina na niyang bulong iyon, nadinig pa.

"Mga anak ko kayo... alam ko kung anong gusto nyong sabihin, kung anong nasa isip nyo... kaya ngayon, papasok kayo..."

"Opo... pero ubusin nyo muna yan…" Sabi ni Dana.

"Ate Dana... wag nang makulit... pasok na sa eskwela... male-late pa kayo nito..."

"Basta ubusin nyo yan ha??"

"Of course mga anak..."

"Mauna na ako ate, male-late na ako eh... are you sure na ok ka lang??"

"Oo naman... hintayin ko lang si Christian... papasok na rin ako..."

"Ok... manong alis na tayo..." sabi ni Prim.

Sa school, nakaabang na sa kanya si Theo.

"Theo.. " sabi ni Prim at nakatulala nanaman ang kaibigan niya.

"Bud?? Ayos ka lang??" tanong ni Prim.

"Ahh... bud' nandyan ka pala..."

"Ano bang iniisip mo at parang laos ang Philippine Deep sa lalim nyan??" sabi ni Prim.

"Para kasing nitong mga araw eh tila umiiwas ka sa akin..."

"Ako?? Hindi no... busy lang talaga ako...alam mo na, narealize ko kasi kung sino talaga ako..."

"Oo nga... mas gumanda ka nga ngayon..."

"Sus... nanbola ang mahilig sa bola..." sabi ni Prim.

"Hindi nga nagsasabi ako ng totoo..."

"Sabihin mo yan sa crush mo... akala mo nakalimutan ko na ha?? Sino ba kasi siya... gusto ko siyang makilala... pakilala mo naman ako o..." saad ni Prim.

"Sigurado ka??" sabi ni Theo.

Biglang dumating si Lean.

"Kamusta Prim..."

"Eto... nahihirapan... pero nag-eenjoy naman...sumasakit na nga mga paa ko kakaheels eh..."

"Matututo ka rin nyan pagdating ng araw..."

"Muntik na nga akong magback-out eh..." napatingin si Prim kay Theo.

"Ay Lean, this is my Boy-friend, Theo" sabi ni Prim. Natulala ang dalawa.

"Boy friend??" Sabi ni Theo na gulat na gulat.

"Oo, hindi ba..."

"May boy friend ka pala..." sabi ni Lean.

"Oo, boy friend as in lalaking kaibigan..." paliwanag ni Theo.

"Ahh..." saad ni Lean.

"So, saan ka ngayon??" tanong ni Prim.

"Sa library... sama ka??"

"Oo... may kailangan kasi akong i-research para sa report ko..."

"Tara Theo, sama ka..." yaya ni Lean.

"Ako??"

"Oo... ikaw..."

"Sige na please..." saad ni Prim at napa-oo naman si Theo.

Sa library,

"Alam mo bang ang pinakamahal na diamond ring sa mundo ay kulay pink??" sabi ni Lean.

"Aba, hindi ka pa ba nauubusan ng trivia?? Kanina ka pa kasi... parang gusto ko nalang makinig sa yo kesa basahin pa tong libro. Ang kapal na nga, ang liliit na pa ng sulat" sabi ni Prim.

Magkatabi sila ni Lean habang sa harapan nila naupo si Theo.

Maya-maya pa'y may gumulong na ballpen sa mesa. Sabay nilang naisipang hawakan ito kaya nahawakan nila bigla ang kamay ng isa't-isa. Panay ang titigan nila na pansin naman ng nagseselos na si Theo kaya umubo-ubo ito kunwari.

"May sakit ka bud??" sabi ni Lean.

Aba at nakikibud' narin itong si Lean kay Theo.

"Feeling close..." sabi sa isip ni Theo.

"Ah... kasi yung ballpen ko nawala, nakita nyo ba..." paliwanag niya sabay may lumapit na pangit na babae.

"Heto o, you can use mine..." sabi nito na tila nang-aakit pa sa itsura sa mukha. Para namang papatulan siya ni Theo.

"No thanks..." sabi ni Theo. Biglang nagring ang bell. It is the signal na magsisimula na ang meeting ng mga teachers.

Mabilis na umalis silang tatlo. Ang hindi nila alam, kanina pa pala sila sinusubaybayan nina Irish.

Siguradong lagot itong babaeng lumapit kay Theo. Makikita nya ang dinosaur sa kasalukuyang panahon.

_________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Theo meets Lean and Lean meets Theo. Nagsisimula na ang agawan sa pagitan ng dalawa. At mukhang hindi pa yata tapos ang mga mean!!

Feel free to comment or vote.

Salamat sa pagbasa!! Salamat sa suporta guys at umabot na ito ng thousand reads...

Until next chapters...

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon