"Pasa..." sabi ni Prim sabay ipinasa sa kanya ang bola.
Panay na ang practice ng dalawa para sa tournament. Mga ilang araw na lang at magaganap na ang pinakahihintay ng buong university.
Nilapitan ni tita Winwyn si Dana habang nanonood sa gilid.
"Hmm..." parinig nito.
"Ay tita... andyan pala kayo..."
"Enjoy na enjoy yang kapatid mo sa kakalaro ha..."
"Oo nga ho, mukhang mas magaling pa siya kay Chris' …"
"Ah hindi naman sa nakikialam ako sa buhay niya, pero parang ganon na rin siguro..."
Napatingin si Dana sa kanyang tita nang marinig ang mga sinabi nito.
"Ano ho ba yon tita??"
"Naalala mo ba yung huling beses na nakita mo yang si Prim na nakasaya??… parang hindi ko na yata maalala sa tagal..."
"Ako ho, naalala ko pa yung huling beses na yon... umiyak pa nga ho siya dahil pinamigay yung paborito nyang manika tapos ako yung sinisi nya..."
"Yun nga ang gusto ko sanang sabihin... noon naman eh binabantayan ko kayo habang naglalaro kayo ng bahay-bahayan... yung mga araw na nag-aagawan kayo ng mga laruang pambabae... tapos lagi siyang umiiyak..."
"Ayoko naman hong makialam sa kanya ngayon... may sarili ho siyang buhay at sa tingin ko naman masaya siya kung ano siya tita"
"Alam mo Dana, darating din ang panahon na magbabago siya...naniniwala ako dyan"
Nag-uusap ang dalawa pero nakatingin lang ang mga ito kay Prim.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo... ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat- ang basketball tournament.
Kararating lang nina Dana at Prim. Sobrang ingay ng mga taong manonood. May mga balloons na hawak ang iba. Blue para sa university nila at red para sa kalaban.
Palingon-lingon si Prim na tila may hinahanap.
Pero imbes na si Theo ang lumabas, si Christian ang nakita niya.
Napangiti ang ate Dana niya nang makita sila ni Christian.
At sa wakas, lumabas na din ang hinahanap niya. Tatayo sana siya nang mga oras na iyon pero biglang natigilan ang lahat ng may malalakas na drums silang narinig.
"GO THEODORE DWIGHT" sina Irish nandito rin pala. Kasali sila sa cheering squad ng university nila.
"O, asan na yung ginawa mong banner... akala ko ba ipapakita mo sa kanya yun??" sabi ng ate niya.
"Hindi na ate... nagbago na isip ko..."
"Ok..."Panay ang sigaw ng ate niya para sa boyfriend nito.
Samantala, may nagdoorbell sa bahay nina Prim.
Si Tita Winwyn na ang nagbukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang isang lalaki na may dalang envelope.
"Ahh... delivery po para kay Mr. Oliver Andrada??"
"Ahh... sandali lang ha?? "
"Kuya... may tao"
"Ano raw??"
"May nagpadala sa iyo"
"Ahh kayo ho ba si Mr. Oliver Andrada??" tanong ng tatay nila pagkatapos nitong makababa.
"Oho..."
"May padala ho kayo galing sa asawa nyo... Mrs.Almira Andrada??"
"Oho, asawa ko ho siya..."
"Pakipirmahan nalang po dito..." inaabot na nito ang envelope.
May hinala si Tita Winwyn na hindi iyon delivery boy dahil sa sasakyan na gamit nito, wala man lang tatak kung anong express padala sila. At saka bakit naman ipapadala pa ng ate Almira niya? Bakit hindi na lang ito iwan bago umalis kanina?
Madali nilang binuksan ang laman ng envelope.
Tumambad sa kanila ang picture ni Almira na nakahiga sa ospital, ang mga xerox ng mga results ng iba't-ibang tests na dinaan nito at isang sulat galing sa tunay na nagpadala.
Dear Mr. Andrada:
Pumunta ho kayo ngayon sa St.Michael Hospital. Naroon po ang inyong asawa na nagpapatingin ng kanyang sakit(Tumor). Kalakip po nito ay ang mga kopya ng mga tests na pinagdaan niya sa check-up.
Nagmamalasakit,
Isang kaibigan...Napagdesisyunan ng dalawa na tingnan nga kung totoo ang sinasabi ng sulat. Pinatawagan ni Oliver kay Winwyn ang mga bata.
"Hello, Dana..."
"O, tita parang hinihingal ka..."
"Sino ba namang hindi magpapanic sa sitwasyon ngayon..."
"Ok. Relax... take it easy... ano hong nangyari?"
"Kasama nyo ba ang mommy Almira nyo ngayon??"
"Ah hindi po... nasa tournament na ho kami ni Prim... si mommy ho baka nasa isang ospital... may dadalawin raw siyang kaibigan..."
"Naku.."
"Bakit ho??"
"Ahh... papunta na kami ngayon ng daddy niyo sa St. Michael Hospital... may nakapagsabi na nandoon raw ang mommy mo...pumunta rin kayo Ok??"
"Bakit ho...magsisimula na ho ang game..."
"Basta, family emergency to... dalian lang ninyo... hala sige, magkita nalang tayo doon..."
"Ti..." naputol na ang linya.
"O bakit raw??" tanong ni Prim.
"Pinapapunta tayo ni tita sa St. Michael Hospital ngayon... may family emergency daw"
"Sa pagkakaalala ko, dung ospital ngayon may dinalaw si mommy... bakit kaano-ano ba natin yung dinalaw niya at kailangan tayo roon??"
"Wag ka nang maraming tanong... basta kailangan raw tayo doon"
Hindi namalayan ni Theo ang pag-alis ng dalawa. Nasalubong naman sila ni Christian sa daan.
"O, saan kayo pupunta? Magsisimula na ang laro..."
"Chris' I'm sorry... I can't make it now... pinapapunta kasi kami sa ospital and may family emergency daw..."
"Sasama ako sa inyo..."
"Ano?? Hindi pwede... magsisimula na ang laro... besides kailangan ka ngayon nila..."
"Mas kailangan nyo ngayon ng kasama..."
Walang nagawa ang dalawa kundi isama si Christian.
Pagdating nila sa ospital, tumambad agad sa kanila ang daddy nila.
"Dad bakit ho??" sabi ni Prim.
"Dad... sino ho yung pinuntahan natin dito? Asan ho si mommy??" Dugtong naman ni Dana.
"I know this is hard... pero you should know this... may tumor sa utak ang mommy niyo... andyan siya sa loob ng kwarto, ine-xray uli..."
Labis na pagkagulat ang tugon ng magkapatid sa sinabi ng daddy nila. Hindi nila akalain na mangyayri ito..
___________________________________________
AUTHOR'S NOTE :
Thank you guys for reading ... :) :)
Ano kayang mangyayari ngayon na nalaman nila ang katotohan? At ano ang mangyayari sa team ngayong umalis si Christian nang walang pasabi?
Please comment, vote, or follow me.. :)
Until next time!!
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Novela JuvenilFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..