Kinabukasan,
Masayang naglalakad si Prim. Mukhang sanay na siyang lumakad ng naka heels. Hindi na nga siya natatapilok.
Nakangiti pa nga siya na naglalakad.
Maya-maya pa at bigla niyang nakita si Lean sa kalayuan.
Mukhang nakita na siya nito kaya nagpanggap siyang hindi pa niya ito napapansin.
Sumeryoso na ang mukha niya. Kailangan niyang gawin iyon para hindi makahalata si Lean.
Si Lean naman ngayon ang pangiti-ngiti sa bawat hakbang na ginagawa.
Mukhang may surpresa nanaman ito. Ano nanaman kaya ito??
Palingon-lingon pa siya para mas mukhang totoo talaga na hindi pa niya ito nakita.
Sa palagay naman nya ay umeepekto naman ang acting skill niya. Parang hindi naman nahahalata ni Lean ang ginagawa niya.
Huminto pa talaga siya para makumbinsi niya totally si Lean. Problemadang-problemada ang itsura niya. May iniisip siyang malalim pero actually wala naman talaga.
Kulang nalang umiyak siya para takbuhin na siya ni Lean.
Teka, gawin nya kaya yun...
Pero baka hindi niya kaya yung ganun... last time kasi na umiyak sya ng todo ay nung naghiwalay ang mommy daddy niya.
Nasa may likuan siya nang maya-maya ay mapansin na niyang nawala na si Lean.
Mabilis siyang napalingon-lingon kung saan-saan.
Napakamot pa siya ng ulo dahil doon.
Ang bilis namang makaalis nun.
Ilang saglit pa at may humatak sa kanya sa pader, si Lean.
Hinaharang siya ng mga kamay nito.
"Mahal kita..." saad nito.
"Ako?? Mahal mo??" sabi niya habang kumakawala sana. Pero hinarangan siya uli ng kamay nito. Hindi nila namalayan na napatunog na nila ang fire alam.
Natigilan sila pareho. Nakanganga pa si Prim dahil sa gulat. Nanlaki naman ang mata ni Lean.
'Patay' pareho nilang nasambit nang makarinig na ng mga estudyanteng nagsisisgawan at nagtatakbuhan.
Napalunok ng laway si Prim dahil doon.
Maya-maya pa at biglang dumating ang Dean ng college nila. Kitang-kita sila ng dean.
___
Binasag ni Dana ang pag-iimagine ni Prim sa novel na binabasa.
"Ate naman o!! Malapit na yung climax! Nandoon na eh... konti na lang..." saad ni Prim na nagrereklamo.
"Hoy Primrose... novel yan kaya wag mong isabuhay yung mga nandiyan..." sabi ni Dana na nagsimula nang magsulat.
"Hay naku si ate, Bitter uli... may Christian ka na nga o?? Ampalaya ka parin dyan..." saad ni Prim.
"Hindi ako bitter..." sabi ni Dana.
"KJ lang..." sabi ni Prim.
"Hay naku Prim, tigilan mo nga ako at marami pa akong gagawin..." saad ni Dana.
"O sige ate, labas muna ako ng library ha?? Una na ako..." saad ni Prim at lumabas na ng library.
Makalipas ang ilang sandali, nakasalubong niya si Theo.
"Bud'... san ka ngayon??" saad ni Prim.
"Ah...may kailangan pa akong tapusin sa library eh..."
"Hay naku, nandoon pa si ate... samahan mo na lang siya " sabi ni Prim.
"Sige, una na ako..." saad ni Theo.
"Ahh... mamaya nga pala punta ka sa bahay...."
"Bakit?"
"Bud' ano ka ba?? Hindi mo ba naaalala? Wala ka bang naaalala ngayong araw..." saad ni Prim.
"Wala eh... sige ha?? una na ako??" saad ni Theo.
Ano ba tong si Bud' , hindi man lang nya naalala na birthday ko ngayon?!! Ito yung unang beses na hindi niya naalala itong araw na ito...
Samantala,
"O, Winwyn... dalhin mo na nga ito sa kapitbahay…" saad ng mommy ni Prim.
"Ako?? Ba't ako ate??" Reklamo ni Winwyn.
"Eh... sa mga busy ang mga maids... ano ba, dadalhin mo ba yan o babatukan kita??" saad ng mommy nila Prim.
"O, sige na nga..." padabog na sagot ni Tita Winwyn sabay inabot ang pagkain.
Nagdoorbell siya kina Lean. Ilang pindot na niya pero wala paring nagbubukas ng gate.
Lumabas yata sina Lean at daddy niya.
Biglang dumating si Magnolia at binuksan na ang pinto.
"Hoy, hindi ako bingi no!! " saad nito.
"Aba, sino ba ang naghintay dito ng kay tagal??" saad ni tita Winwyn.
"Eh di wow... ikaw na... o, anong kailangan mo??"
"Nandito ako para ibigay sayo to... birthday ni Prim ngayon so may party mamaya..."
"Ah... pupunta kami ni Lean, don't ya' worry..."
"Kayo?? Ba't kasama ka??"
"Of course, kasama ako... yaya lang naman ako ni Lean..."
"Ay, yaya ka pala?? akala ko kasi driver ka?!!!" sabi ni Tita Winwyn.
"Wag na wag kang lalabas mamaya sa party…"
"Bakit naman??" tanong ni Tita Winwyn.
"Baka pagkamalayang bata si Primrose... sa itsura mo kasi, para kang mascot..."
Tinarayan ni Tita Winwyn si Magnolia bago umalis.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Mamaya na ang party kina Prim. May naaamoy akong gulo mamaya...
Kaya abangan ang next chapter guys...
Please comment and vote po...
Salamat sa pagbasa nito... :) :)
Hanggang sa muli...
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..