Prim's POVBa't ba kasi ang arte-arte ko. Oo may nagawa siyang kasalanan sakin pero ba't ang tigas ko? Mas matigas pa yata ako sa punong narra eh!
Kaya eto, hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari Kay Lean. Wag naman ho sanang sakit. Paano nalang ako? Ayaw kong mawala sila pareho ni mommy sa bahay ko.
This can't be happening! This can't be! Panaginip lang to Prim, gumising ka please!
Maya-maya pa at dumating na si Tito Javier para kamustahin ang lagay ni Lean.
Agad naman siyang nilapitanan nina mommy at daddy.
'O, Prim ... Easy, kaya yan ni Lean' hinawakan ako ni Irish sa likuran matapos siyang makaupo sa tabi ko.
'Kasalanan ko lahat to eh! Kung hindi dahil sakin...'
'Shh... Siguro na overfatigue lang si Lean. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya' Saad ni Irish pero hindi ko siya magawang tingnan. Panay pa rin ako sa pag iyak. This time, malinaw na sa akin ang lahat:
Oras na makausap ko siya, I will accept his apology. Hihingi rin ako ng tawad sa pagmamatigas ko.
Dahil sa pag-iyak ko di ko na namalayang lumapit na pala sa akin si Tito.
'It's alright. Kaya nya yan. Don't blame yourself iha' Saad ni Tito na parang nagpaluwag ng damdamin ko.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag mapahamak siya.
Biglang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Hudyat iyon para mapatayo ako.
'Doc, is he alright?' Bakas sa mukha ni tito ang pag-aalala.
Lalo akong kinabahan nang hindi sumagot agad ang doktor.
Doc, sagot na please! Lalo akong kinakabahan sa nangyari eh! Kailangan ba talagang hindi muna sumagot sa tanong? Baka naman may hindi magandang nangyari kaya ayaw nitong magsalita? Teka, erase... erase! Think positive Prim!
Napahinga pa ang doktor. Parang may malalamim talaga siyang sasabihin na di niya alam kung saan at paano nagsisimula. Tama ba ang naiisip ko? Wag naman sana!
'Based on tests na isinagawa namin, overfatigue ang sanhi ng pagcollapsed ng pasyente. I suggest na magpahinga muna siya. But, there's nothing worry about. He's fine as of now' paliwanag ni doc.
Bwisit rin no?! Parang sa kilos niya kanina eh parang namatay na si Lean! Napadrama talaga ako kanina. Kala ko pati si Lean eh mawawala na rin.
Pwede na ho ba namin siyang puntahan? biglang sabi ni Tito Javier.
Maari nyo na po siyang puntahan. Ahh, maari po kayong sumama sakin? May kailangan ho kayong pirmahan. Saad ni doc.
Ah, sige doc, susunod po ako. wika ni Tito.
Excuse me. Saad ni doc at sumunod naman si Tito. Sumama na rin si Yaya Magnolia.
Agad akong pumasok sa kwarto at nakita kong tulog pa si Lean.
Inilapag ko ang bag ko sa maliit na mesang nasa tabi ng kama niya.
Tiningnan ko muna siya ng isang segundo at saka ko na hinawakan ang kamay niya kasabay sa pag-upo ko sa tabi niya.
Ang lambot talaga ng kamay ni Lean. Ang sarap hawakan! :)
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Genç KurguFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..