Chapter 8(Realization)

765 14 1
                                    


"Mukhang mahihirapan tayo dyan ha??" sabi ni Christian.

"Mukha nga..." saad ni Dana.

"Akong bahala... leave this me..."

"Ok..."

Nagpunta si Tita Winwyn sa taas, sa kwarto ni Prim.

Kwarto palang ni Prim halata mo na. May mga action figure. Ang style ng kama ay sasakyan ni Batman.

Halos lahat ng gamit or should I say lahat ng gamit ay panlalake.

Kumatok ng tatlong beses si Tita Winwyn.

"Pasok..."

Bumungad kay Tita Winwyn si Prim na nakikinig ng music sa higaan.

"Prim... I have to talk to you now..."

"Bakit ho..."

Si Tita Winwyn na ang nagtanggal ng headphones ni Prim.

"Alam mo namang ang ate mo ang Ms. St. Jude University 2013"

"Oho... ang dami nga ho nyang awards diba?"

"Ahh... gusto kong makita na ipasa sa yo ng ate mo ang korona..."

"Ho?? Sinong nagsabi??"

"Ako, malamang kasasabi ko lang..."

"Ano hong gusto nyong sabihin?"

"So, yun na nga... gusto kong sumali ka sa pageant ngayong taon..."

"What??Ako ho??" nagulat si Prim

"Ay hindi... alangan namang isali ko yung daddy mo... syempre ikaw..."

"Eh tingnan mo nga ho yung itsura ko... sino pa ho ba ang maloloko nito??"

"Maloloko?? Hindi totoo yan. Maganda ka Prim... Maganda ka..."

"Pero Tita..."

"Yes or No lang?"

Napaisip si Prim. Ito na ang pagkakataon para makatanaw siya ng utang na loob sa tita Winwyn niya sa pag-aalaga nito noong wala pa ang mommy niya.

"Sige na nga ho... Pero baka madissapoint lang kayo ha??"

"Never as long as you did your best"

"Eh... pano ho tong itsu…"

"Akong bahala dyan... at sinisugarado ko sayong hindi nila makikilala ang bagong Primrose Faith Andrada..."

"Sigurado ho ba talaga kayo??"

"Siguradong-sigurado... I'm sure mananalo ka... mamaya may pupuntahan tayo..."

Tiningnan ni Prim ang sarili niya matapos umalis ni Tita Winwyn.

"Maganda nga ba ako?? Parang hindi naman..." bulong ni Prim sa sarili.

Sinuri niya ang kanyang ayos, ang tinding niya, at pananamit.

Tinanggal niya ang kanyang sumbrero. Inulugay niya ang mahaba niyang buhok. Sinuklay niya ito.

Gulong-gulo siya sa sarili niya. Alam niya kung ano ang dapat niyang ikilos pero hindi niya ito maiwasan.

Naghanap siya ng damit sa cabinet, yung pambabae. Mabuti nalang at tinatago niya minsan yung mga pambabaeng binibili sa kanya at yung mga binibigay sa kanya ni Dana.

Napangiti siya nang makita ang itsura ngayong iba ang suot niya. Hindi niya akalaing tama ang tita Winwyn nya.

___________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Nagsimula na ang pagbabago kay Prim!! :)

Ano kayang masasabi nina Theo at nang mga MEAN sa magiging bagong Primrose??

At kilalanin ang bagong character na papasok sa buhay ni Prim at alamin ang papel na gagampanan niya.

Please Comment, vote, or follow me.

Thank you sa pagbasa.... :) :) :)

Until next time guys..

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon