Nagligpit na ng mga gamit sina Prim pagkatapos.
Suot ang berdeng one-piece swimsuit,lumabas si Jazz at kinausap si Prim.
"Prim... gusti mo sali ka... nagyaya kasing magbeach volleyball" saad ni Jazz habang tinatanggal ang sunglass.
Sino ngayon ang malandi ha?? At parang naghahamon yata tong pinsan ko ha? Akala nya hindi ko kaya yung pinaggagagawa niya ha?? Makikita niya...
Matarayan nga to!! Sasabayan ko nga to ng walk-out para maramdaman niya na mas makapal sa dictionary yung mukha niya?? Na baka kailangan niyang uminom ng pinakuluang makahiya, para makaramdaman naman kahit kaunting hiya lang??
Biglang binasag ni Jazz ang pag-iimagine ng pinsan na nagsuot rin daw ito ng swimsuit at sinampal siya na parang sa mga teleserye.
"Prim.."
"Ah?? Ano uli yun??"
"Sasali ka ba?? para naman makilala ka ng mga bisita nina lola" saad ni Jazz na nilingon ang mga bisita na taga ibang bansa.
Patay!! Gusto talaga akong ipahiya nitong si Jazz!! Palibhasa nong bata kami eh lagi siyang kulelat sa mga exams... laging napapahiya kapag pinaghahambing kami sa school... gumaganti siya siguro ngayon sa akin...
Binati si Prim ng tatlong bisita. Isang chinese, thai, at indonesian.
Blanko si Prim. Hindi niya alam kung anong isasagot. Mabuti nalang, here comes Lean again to rescue her from hotseat.
Nagulat sina Jazz at Prim nang maintindihan nito si Lean.
Masarap daw ang TOMAT ng burger na inihahanda ng resort, ayon pa nga sa Indonesian.
Tomat which means kamatis...
Sa kalagitnaan ng laro, napapansin ni Prim na tila gusto talaga ng pinsan niya na matamaan siya ng bola. Kapag napupunta rito ang bola, tinitira nito palagi malapit sa kanya.
Hindi natapos ang laro dahil pinatigil sila ng lolo nila para mananghalian. Nagbihis muna si Jazz saka nagsimulang kumain ang pamilya.
"Prim... may gusto kaming sabihin sayo" saad ng lola Ysabel niya.
"Ano ho yon??" sabi ni Prim.
"Actually, nakapagpaalam na kami sa daddy mo..."
"Tungkol ho saan??"
"Kung maari ay sa inyo muna tumira si Jazz bago siya sunduin ng daddy niya??"
Natahimik si Prim
"Alam ko, hindi kayo magkasundo noon ng pinsan mo, pero sana naman maintindihan mo apo...I'm sure matutuwa ang ate mo nyan..."
Nabulunan si Prim sa mga narinig habang umiinom ng tubig.
"Ah... ma'am, hindi ho ba masarap yung luto ko??" tanong ng yaya ng lola at lolo nila. Si Aling Criselda.
Sobra na itong napamahal sa mga Andrada lalo na kay Prim.
"Ahh... hindi naman ho, masarap ho...nabulunan lang ho talaga ako..."
Itong si lola talaga... hindi updated!! Muntik na ngang magkagera noon sa dahil sa kanya no?? I'm sure, hindi yan magandang opinion...
"Prim??" sabi sa kanya ng lolo Severino niya.
"Ay oo naman po... at saka mga bata pa naman kami non... normal lang naman po na mag away-bati..." saad ni Prim.
Away-bati??!! For sure, pag sa bahay yan tumira, tatalunin pa ang EDSA!!
Dumating na si Jazz. Agad siyang pinaupo ng lolo niya.
_________________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Ano kayang mangyayari kung titira si Jazz sa bahay ng uncle nya kasama sina Dana at Prim???
Abangan sa mga susunod na chapters... :) :)
Salamat sa pagbas nito...
Feel free to comment and vote guys...
Salamat uli, hanggang sa muli!! :) :)
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..