Chapter 18(Roses)

541 9 0
                                    

"Bigyan mo ng roses..." paulit-ulit itong pumapasok sa isip ni Theo habang papunta kina Prim. Sabi nga ni Christian, doon nya umpisahan.

Heto nga bitbit na nya at malapit na siya. Nagdoorbell na siya agad pagdating niya.

Hindi niya inaasahang makikita niya si Lean.

"Lean??" saad ni Theo.

"O, Theo... andyan ka pala..." sagot ni Lean.

"Dyan ka nakatira??" saad ni Theo.

"Ah... oo, kapitbahay namin si Prim..."

Biglang may naisip si Theo. Naalala niyang ayaw nga pala ni Prim na binibigyan siya ng roses. Nagagalit ito sa magbibigay nito.

"Ahh... Lean"

"Bakit??"

"Heto, flowers... baka magustuhan ni Bud'... bigay mo sa kanya..." saad ni Theo.

"Sigurado ka?? Salamat ha?? Bumili ka pa..." saad ni Lean na eksaktong bumukas ang gate kaya napatalikod si Theo.

"Prim... roses for you..." saad ni Lean paglabas ni Prim.

"Ahh... binibigyan mo ko ng roses??" tanong ni Prim.

"Ayaw mo diba na binibigyan ka ng roses??" sabi ni Theo.

Napatawa ng mahinhin si Prim.

"Noon yon... cute nga eh, malapit sa pangalan ko... salamat ha Lean..." saad ni Prim.

"Your welcome..." saad ni Lean.

"Sayang yung flowers... ako sana yun eh..." bulong ni Theo.

"Ano yun Theo??" Sabi ni Prim

"Ahh...wala sabi ko... maganda yung flowers..." sabi ni Theo.

"Mas maganda yung may hawak" dugtong ni Lean.

"Ikaw talaga Lean... palabiro ka" sabi ni Prim.

"Nakalusot nanaman siya... sayang!!"bulong uli ni Theo.

"May sinasabi ka uli bud??" saad ni Prim.

"Patay... ikalawang beses na to ha... minamalas na nga naman..." sabi sa isip ni Theo.

"Ahh... sabi ko kung may lakad ka ngayon at bihis na bihis ka..." palusot ni Theo.

"Can we go out today??" yaya ni Lean.

"Sure... saturday naman eh... but kailangan ko pang dumaan sa lola ko..." saad ni Prim.

"Saan ba sa lo..." saad ni Lean pero biglang sumingit si Theo.

"Kina lola Ysabel??" excited na sabi ni Theo.

__________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

Friends nga ba sina Theo at Lean? Mukhang hindi naman!! :)

Thank you for reading guys...

Feel free to comment and vote

Until next chapters...

Time Machine[#Wattys2015 winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon