Lean's POVWala akong pakialam! Pinagsusuntok ko yung pader. Kahit may nakikita akong dugo eh hindi ko parin itinigil yung pagsuntok.
I cannot hear anything except the siren of the ambulance.
Ambulansyang nagdala samin ni Prim sa ospital na ito.Napahawi ako sa akong buhok sabay sandal sa pader at napaupo.
Kanina pa tumutulo ang luha ko. Kung dugo lang to, mas malala na yata ako sa anemic. Ilang swimming pool na ang pwedeng mapuno nito.
Wala na yatang mas sasakit pa sa makita mong nag-aagaw buhay ang mahal mo sa buhay.
Hindi pa ako handang mawala siya. Gusto kong tumulong, pero wala akong magawa. Wala akong MAGAWA kundi lumuha lang nang lumuha. Para bang makakapagligtas tong mga luha ko kay Prim na ngayo'y nag-aagaw buhay.
Naaksidente kami kanina. Una akong nakatayo matapos kaming magcrash. Akala ko ayos lang siya pero nang makita ko siya, matindi ang sinapit niya. Mabuti nalang at humihinga pa siya nang dumating kami sa ospital na ito. Kung pwede nga lang ako nalang ang nasugatan, nasaktan, nag-aagaw buhay. Kung pwede nga lang ako ang nasa kalagayan niya ngayon.
Halos hindi ako napatingin sa loob para kamustahin siya. Para bang naging isang papel ang puso ko na basta-basta nalang napunit.
Sana ako nalang ang nandoon. Hindi ko kayang masilayan ang kalagayan niya. At wala akong ibang dapat sisihin sa aksidente kundi ako. Ako lang at wala ng iba pa. Ako ang may hawak ng manibela, ako ang may kontrol sa takbo ng sasakyan.
Ang tanga-tanga ko talaga! Sabay untog sa ulo ko sa pader. Pero hindi ko na naulit dahil pinigilan ako ni Dana.
Dumating na pala sila. Kasama na niya sina Tito. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila. Nang dahil sakin ay nag aagaw buhay ang bunso nila.
Nakikita kong luhang-luha na sila na agad napasilip sa loob.
Pinunas ko ang luha ko at magpahinga nang may tunog sa ilong.
Hindi ko po sinasadya Tito, Tita... Wala po akong intensyon na nangyari sa anak nyo to. Aakuin ko po lahat ng parusa nyo sakin.
Nagtinginan sina tita. Puno parin sila ng luha.
Irish's POV
Kanina ko pa hinihintay si Theo. Nilalaro ko ang akong mga daliri at saka titingin sa relo. Ilang oras nang wala siya. Bakit kaya ang tagal niya?
Sa sobrang pag-iisip sa kanya, hindi ko namalayang ang paglapit ng violinist.
"Pabalik pa ba siya iha? Mukhang lumalalim na ang gabi" sabi nito kaya ako napatingin uli aking relo.Tama nga siya, late na.
Ah, eh, sabi po kasi ni Theo eh hintayin ko lang po siya. Paliwanag ko.
A ganon ba? Patawad at ako'y hindi na makakapaghintay pa sa kanya iha at kanina pa narito ang sundo ko. Saad niya.
Ahh... Ayos lang po kayo, gusto nyo... Saad ko.
Ayos kang iha. Kasama ko naman yung anak ko at yung driver nya. Sagot nito.
Bale sandai lang po. Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng pambayad sa kanya.
Ah eh, wag na iha, si Theo na lang siguro ang magbabayad.
Sige na ho, nakakahiyaha naman ho sa inyo. Sa paghihintay nyo kanina. Pilit kong ibinibigay sa kanya ang bayad.
BINABASA MO ANG
Time Machine[#Wattys2015 winner]
Teen FictionFor this time... I will try to write a love story. This is my first time to write such kind of genre. And because I am novice in the line, please understand if there will be some nonsense parts... But then, I will try my best to make a love story..